Alice Dixson worries about premature ending of Never Say Goodbye; wishes Nora Aunor’s early recovery

Ayon kay Alice Dixson, "stress reliever" si Cesar Montano sa set ng kanilang teleserye na Never Say Goodbye. Kuwento ng aktres, “Nakakatuwa nga kasi halos lahat pala kami sa cast may pinagdadaanang problem—si Ate Guy, si Cesar, and ako nga. Tama lang pala na kumanta at mag-entertain sa amin si Cesar kasi nakakaalis din siya ng stress.”


Nangangamba si Alice Dixson na baka mahinto ang pag-ere ng kanilang primetime series sa TV5 na Never Say Goodbye.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alice sa taping ng Talentadong Pinoy kagabi, February 19, nabanggit ng aktres ang dahilan ng kanyang pag-aalala.

May balita kasing lumalabas na ilang beses nang natitigil ang taping nila dahil sa kalusugan ng co-star nilang si Nora Aunor.

Sabi ni Alice tungkol dito, “Well, it’s not a secret that we have to make some adjustments.

“Nag-usap kami, lahat sa production, na kung ano yung kulang e gagawa kami ng way para punuin siya.

“Kasi, she’s sick right now. We promised to make it up for her.

"Kasi, mahirap lalo na sa scriptwriter.

“So, we have to adjust also the script para mag-work well siya.

“But we wish all the best for Ate Guy and hope she comes back soon.”

Tuloy, marami ang nag-i-speculate na baka hindi tumagal sa ere ang kanilang palabas.

“That’s what I’ve heard,” pagkumpirma naman ni Alice.

“Well, ganoon talaga... sa business natin, shows get cancelled.

“Hindi pa man, malalaman mo na lang it’s getting off the air na pala.

“So kami naman, ang ginagawa namin ay mapaganda yung show para magtuluy-tuloy siya.

“And ako naman, I’ve watched all the three pilot episodes and punumpuno naman siya ng commercial.

“So I’m hopeful we won’t end early.”



GOOD FEEDBACK. Ganunpaman, natutuwa si Alice sa magandang feedback sa Never Say Goodbye.

“Masaya talaga ako,” sambit niya.

“Kasi marami ang nagsasabi… from a lot of people I’ve spoken to, ang sinasabi nila ay napaka-cinematic ng palabas namin.

“Para daw it’s like a movie and nae-entertain sila and I’m very happy it’s getting really a good feedback.

“Masaya din ako na sinasabi nilang maganda ang portrayal ko as Criselda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CO-STARS. Nagkuwento rin si Alice tungkol sa karanasan niyang makatrabaho ang nag-iisang Superstar.

“Actually, second time ko na ito na kasama siya.

“That was... yeah... sa Enchanted Garden pero one day lang kami.

“Then, dito nga sa Never Say… nang makasama ko siya sa Baguio, I didn’t know how... pleasant pala siya to be with.

“Kasi noon sa Regal days, I heard some bad things pero it’s not like that naman pala.

“She’s so pleasant,” papuri niya sa Superstar.

Bukod kay Nora Aunor, kasama nila sa show sina Cesar Montano, Gardo Versoza, at ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Una muna naming kinumusta ang working relationship niya with Cesar.

“Si Cesar, we get along well naman,” sagot ni Alice.

“I’ve worked with him a lot of times sa Viva Films—bagets-bagets pa kami noon, e.

“Now, it’s different na working with him, na pareho na kaming mature.

“At saka, very natural siya as an actor. And I guess mas nae-enhance yun.

“Kasi nga, ang kaeksena ay yung somebody na kapalagayan na niya ng loob.”



HINDRANCE. Hindi na nabigla si Alice sa katanungan namin kung naaapektuhan ba ang trabaho ni Cesar sa gitna ng matinding pagsubok sa married life nito.

“Sinabi ko na nga ba na darating tayo sa questions na ito!” natatawang sabi ng aktres.

“I don’t think things are getting in the way.

“May mga dialogue kami na puwedeng i-apply in both of our lives… in both, ha?

“Hindi ko sinasabi na sa kanya lang… na parang natatawa kami.

“Parang mahirap sabihin ang linya na parang hindi kami ngingiti.

“May mga lines na parang patama sa nangyayari sa buhay namin.”

Si Alice ay nasa proseso ngayon ng pakikipag-divorce sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda.



MUSIC RELIEF. Madalas din bang mag-share ng mga problema sa kanya ang aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa talagang nagse-share,” nangingiting tugon niya.

“Basta, mahilig siyang magkanta... lagi siyang may dalang gitara.

“Yun ang manner of expression whatever feelings he has on that day.

“Nakakatuwa naman kasi we all get entertained by his singing and guitar playing.

“Binibiro ko nga siya kung puwede ko siyang kunan ng picture with his guitar and itu-tweet ko.

“Para naman malaman ng fans niya what goes in the set and think na he’s okay.

“Basta, nakakatuwa lang na idinadaan niya lahat sa kanta.”



COMMON EXPERIENCES. Inalam din namin kay Alice kung paano siya nagku-cope sa mga nangyari sa kanyang buhay may-asawa. Idinadaan din ba niya sa pagkanta?

Saad niya, “Well, I have a different thing.

“I don’t know what exactly happened to Cesar and Sunshine [Cruz[—what exactly is going on.

“All I know is… everybody has… yung pagsubok sa buhay whether on love, financial or whatever.

“What is important is that we have time na mag-reflect and thank God na we have this or that.

“Ako, I just give myself hope na kaya ko namang lagpasan ito.

“And if ever Cesar naman wants to open up, then I’ll give him support.

“Nakakatuwa nga kasi halos lahat pala kami sa cast may pinagdadaanang problem.

“Si Ate Guy, si Cesar, and ako nga.

“Tama lang pala na kumanta at mag-entertain sa amin si Cesar kasi nakakaalis din siya ng stress.

“Siyempre, pagod na kaming lahat and then may personal problems pa, kaya yung music nakakatulong sa amin lahat.

“I’m just glad and really thankful na yung production, e, naiintindihan kaming lahat.

“All that’s well will end well.”



WISH FOR EVERYONE. Naglahad na lang ng wish si Alice para sa kanya at para na rin sa kanyang mga kasamahan.

“I believe naman na God is good,” wika niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na whatever problems naman na meron tayo o kami ngayon, He will take care of us.

“In due time, lahat ito mare-resolve. It’s just a matter of… yun nga, in God’s time.

“Maybe, may konting difference na from where you’ve started kasi nga marami na nangyari, marami na din yung nasabi.

“But then, soon, it will be okay. Naniniwala ako diyan.” pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN