Angeline Quinto on comments about her acting: “Ipinapangako ko na gagalingan ko para masabi ninyo na magaling na akong umarte.”

Natutuwa si Angeline Quinto kapag nagbibiruan sila ng crush niyang si Sam Milby. Saad niya, “May mga jokes na hindi niya makuha, e, ang lalalim ng Tagalog ko. Imbes na i-expect ko na matutuwa siya sa mga jokes ko, minsan wala siyang reaksiyon. ‘Ay waley, walang reaksyon!’”


Malaking break ang ibinigay ng ABS-CBN kay Angeline Quinto para maipakita rin ang galing niya sa pag-arte.

Pagkatapos niyang mapatunayan ang galing bilang singer, inilunsad si Angeline sa seryeng Kahit Konting Pagtingin kapareha sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Mainit namang tinatanggap ng publiko ang kanilang palabas kung pagbabasehan ang mataas na rating nito sa Kantar Media-TNS.

Yun nga lang, sa kabila raw ng mataas na rating nito, hindi raw mabigyang hustisya ng singer-actress ang role niya bilang si Aurora sa seryeng pinagbibidahan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline last Sunday, February 17, sa ASAP 2013, ay nagbigay siya ng reaksiyon sa batikos sa kanya.

“Kasi, sa totoo lang, marami akong naririnig na ganyan,” simula niya.

“Alam ninyo naman, sa bawat tao, normal lang na may marinig kang komento sa bawat isa.

“Lalo ako na nakikita ako sa TV, normal na yun sa amin.

“Pero para sa akin, sa lahat naman ng nag-uumpisa, wala namang magaling.

“Katulad ko, nag-umpisa ba ako sa showbiz na maganda agad? Ngayon lang naman ako gumanda, aminado naman ako dun!" biro niya.

“Sa sinasabi nila, dati pa, di ako kagandahan noon.

“Doon sa sinasabi nilang nakukulangan sila sa pag-arte ko, aminado naman ako na hindi ako magaling sa pag-arte.

“Pero, ipinapangako ko na gagalingan ko para masabi ninyo na magaling na akong umarte."



PRESSURED. Mas malaki ang pressure na nararamdaman ni Angeline ngayon kaysa noong nagsisimula pa lang ang serye.

Saad niya, “Siyempre talagang mas nakadagdag na magpursige na mas pagandahin pa yung Kahit Konting Pagtingin…

“Lalo’t nalalaman na kahit papaano, na maayos ang ratings namin.

“Natutuwa ako na kahit papaano, nagugustuhan ng mga Kapamilya natin ang ginagawa namin.

“Sa totoo lang, mas may pressure ako ngayon.

“Kasi siyempre, mas lalong nadaragdagan yung trabaho ko na mas ipakita sa tao na kung saan ako inilagay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ko talagang ipakita sa kanila na karapat-dapat ako at galingan ko pa at mas husayan ko pa.

“Hindi naman ako batikan sa pag-arte, singer talaga ako, so mahirap talaga sa akin, kumbaga, ang ginagawa ko ngayon.”



VALENTINE SURPRISE. Nagkaroon ng Valentine’s show si Angeline last February 14 sa SMX kung saan isa sa naging special guest niya si Sam Milby.

Hindi naman itinago ni Angeline na sobra siyang natuwa at na-touch sa gesture na ito ng kapareha.

“Nag-concert ako sa SMX na di ko nga alam na darating si Sam Milby. Di ko talaga alam yun!

“Ang dami ngang nagtanong sa akin kung nandoon ba si Paulo at si Sam—talagang akala ko wala sila.

“Silang dalawa, in-invite ko sila, akala ko may trabaho sila.

“Sobrang natuwa ako kasi kahit Valentine’s Day, talagang nagbigay siya ng oras para sa show ko… di ko nga alam kung may TF [talent fee] yun, e… Wala!

“Kaya noong nalaman ko na siya ang nagmaneho pa papunta sa venue namin, sobrang thankful ako kay Sam."



CRUSH. Very open si Angeline na crush niya si Sam, kaya kinumusta namin sa kanya kung nasaan nang level ang nararamdaman niya para sa kapareha.

“Wala namang ganoon—getting to know each other pa lang!” sabay halakhak niya.

“Kumbaga, sa ngayon, mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya lalo sa pag-uugali…

“Na akala ko si Sam, wala-wala lang, e. Napaka-sweet pala nito kahit mahirap kausap…

“Kaunting tiyaga lang, e, malambing pala! English-speaking kasi.

“Minsan, pag naghaharutan kaming dalawa, may mga jokes na di niya makuha, e, ang lalalim ng Tagalog ko.

“Imbes na i-expect ko na matutuwa siya sa mga jokes ko, minsan wala siyang reaksiyon. ‘Ay waley, walang reaksyon!’

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Sam? Pogi na, imported pa.

“Si Sam naman talaga, noon pa, inamin ko na sa kanya na isa ako sa fan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May pagtingin naman talaga ako sa kanya, aminado naman ako doon.

“Pero kapag naging kami na, hindi na kaunti ang pagtingin ko sa kanya, madami na yun," biro ulit ni Angeline.



LOVELIFE. Sa nakaraang interviews ni Sam ay inamin nito na crush niya at balak niyang ligawan si Shaina Magdayao.

Tinanong ng PEP si Angeline kung hindi ba siya nakakaramdam ng selos kay Shaina.

Tugon niya, “Ay, hindi naman. Minsan inaasar ko pa siya kay Shaina.

“Wala namang selos… kung sakaling maging sila, doon ako magseselos.

“Pag naging sila, e, di good for them."

Wala ba talagang lovelife si Angeline ngayon? Bukas ba naman siya sa tawag ng pag-ibig?

“Sa ngayon, wala pa.

"Di ba, sabi ko nga sa kanila, gusto kong maranasan na magakroon ng ka-MU [mutual understanding]?

“Hindi naman ako nagmamadali kung kailan ako tamaan ni Mr. Kupido.”



REAL MOM. Nakilala na ni Angeline ang kanyang tunay na ina na si Rosemarie Mabao, o mas tinatawag niyang "Nanay Susan."

Nagkita na ba silang muli?

“Hindi pa, sa totoo lang," pag-amin niya.

"Hindi ako nakakabalik o nakakadalaw uli kay Nanay Susan sa sobrang dami ng ginagawa ko.

“Minsan gusto niyang dumalaw sa taping… ayoko, kasi mahirap kasi, baka hindi ko rin siya maasikaso."



PERSONAL. Sa nakarang tweets at sa guest appearance niya sa The Buzz a few weeks ago, inamin ng Star Power grand champion na may pinagdaraanan siya dahil sa kanyang trabaho.

Masayang ibinalita ni Angeline sa PEP na naresolba na niya ito ngayon.

“Okay na siya ngayon. Nagkaroon lang ako ng ilang araw na…

"Di ba, sinasabi ko naman na hindi pa rin ako sanay sa buhay-showbiz?

“May ilang bagay na nangyayari na nagugulat lang ako sa mga nangyayari.

“Feeling ko, hindi ko kakayanin, pero okay na ako.

“Problema sa trabaho... wala naman akong problema sa mga katrabaho ko—ang problema ko ay sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi, mayroon akong ugali talaga na di ko maiwasan na ipakita ang nararamdaman ko.

“Pag galit ako sa isang tao, di ko maiiwasan na ipakita, kasi ganoon talaga ako.

“Baka minsan, may mga ibang tao na ma-misinterpret yun, di kami nagkakaintindihan.

“Minsan talaga, di ko maiwasan yun.

"Pero pag nagkakaroon naman ng ganoong mga pagkakataon, sinasarili ko na lang.

“Minsan talaga, nagpupunta ako sa bahay ng tatay ko, kasi doon ako nagiging relaxed.

“Kahit di ko sinasabi sa kanila, alam nila yun. Nandoon ako nag-iisip.

"Kasi pag nandito ako sa Maynila, e, sunud-sunod ang trabaho.

“Kailangan kong lumayo muna, kasi napi-pressure ako,” paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN