Aljur Abrenica on answering Kylie Padilla’s bashers on Twitter: "Hindi ko talaga pinapansin, pero talagang sumusobra na."

Sa gitna ng balitang may tampo si Aljur Abrenica sa GMA Artist Center, sinabi ng young actor na nagkaayos na sila ng talent management team na humahawak sa kanyang career. Sabi niya, "Ang kagandahan po nito, ako, masaya po ako. Nakapag-usap na po kami. Nakapag-meeting naman po kami at yun, maganda naman po ang resulta ng meeting namin."


Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica noong Martes, February19, sa Palawan Room ng Edsa Plaza Hotel, Mandaluyong City.

Ini-launch siya bilang bagong endorser ng Blue Water Day Spa, kasama ang Kapamilya star na si Iya Villania at StarStruck alumnus na si Ian Batherson.

Kinumusta muna kay Aljur ang nakaraang Valentine’s Day niya, at kung natuloy ba ang gusto sana ng girlfriend niyang si Kylie Padilla na mag-stargazing sila.

Natawang sabi ni Aljur, “Well, sayang yung stargazing sa Pampanga, hindi natuloy.

“Kasi, sa gabi yun, at noong gabi, may mga schedules kami.

"Pero noong morning ng Valentine’s, nagkita kami.

“Ipinagluto ko siya… simple lang naman—pasta.

"Yun pa rin... yung pineapple pasta with Century tuna.

“Tapos, nanood lang kami ng movie.”

Masasabi ba niyang iyon ang perfect Valentine’s date niya?

Sagot ng Kapuso hunk, “Oo. Kasi, para sa akin, ang perfect Valentine’s date, makasama ang espesyal na tao sa araw na yun.”



STARGAZING. Posible pa rin ba nilang gawin sa ibang araw ang pag-i-stargazing?

“Oo. Kasi ako nga nagulat, kasi hilig din ni Kylie ang mag-stargazing.

"E, sa totoo lang, hobby ko po yun noong bata pa kami sa Pampanga.

“Nahihiga kami, kaming magkapatid. Although, hindi trip ni Vin yun, ako lang.

“Talagang pinipilit ko lang siya may makasama lang ako… talagang nahihiga kami sa daan para mag-stargazing.”



BASHERS. Samantala, may pagkakataon na tila biglang nagbuhos ng kanyang emosyon si Aljur sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Sabi niya, “Nirerespeto at kinasasaya ko ang lahat ng sumusuporta sa amin ni kris. Pero sana kung wala rin po tayong masasabing maganda sa ibang tao wag na po tyong magsalita. Dahil hindi natin alam na nakakasakit na po tyo. Respeto lang po sana ang hinihingi ko.. mas maganda rin po cguro na mas marami tayong kaibigan kesa sa makasakit tayo sa kapwa.salamat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ang tweet niya, hindi man siya nagbanggit ng pangalan, tila bilang depensa ito kay Kylie sa ilang bashers.

Bakit nga ba bigla siyang nakapag-tweet patungkol sa mga fans o bashers?

“Yung sa Twitter, pasensiya na, pasensiya na, tao lang,” pahingi muna niya ng paumanhin.

Paliwanag pa ni Aljur, “Kasi, for the longest time, saksi ako... kasi nagtu-tweet ako, nakikita ko ang mga comments.

“It’s below the belt na, still, pinapalagpas ko.

"E, siyempre, alam naman natin na Twitter ‘yan… hindi naman natin mati-trace kung sino ‘yan.

“Siyempre, kahit sino sa atin, puwede tayong gumawa ng account at insultuhin ang isang tao.

“So, hindi ko talaga pinapansin, pero talagang sumusobra na.

“Minsan, isang beses, dalawang beses, napakaraming beses na, saka ako nagsalita.”

Mga fans ba ng tambalan nila ni Kris Bernal ang nangba-bash kay Kylie?

“Well, sa pagkakaalam ko kasi, kilala ko ang mga fans namin ni Kris at hindi sila ganoon.

“Hindi ganoon ang mga fans namin ni Kris. At saka, alam kong rerespetuhin din nila si Kylie.

“Alam din naman nila na si Kris, may kasama rin ngayon."

Ang ibig tukuyin ni Aljur ay ang pagkakaugnay ngayon ni Kris kay Carl Guevara.

Sabi pa niya, “Siguro, feeling ko, may mga tao lang din na nangti-trip, e. Para sa akin, trip yun, e."

Nagsasabi o nagsusumbong ba sa kanya si Kylie kapag may mga nang-aaway rito, lalo na sa Twitter?

“Noong una, nagsasabi siya, pero lately, hindi na.

"Pero ako rin nakakabasa na talagang bina-bash pa rin siya sa Twitter.”

Noong magsalita siya sa Twitter, nawala o nabawasan naman ang mga nangba-bash?

“Noong nagsalita ako, alam kong mali rin. Dapat hindi naman natin patulan.

“Pero siguro, may nagawa rin akong tama kasi medyo nanahimik din sila,” sabi ni Aljur.



LATEST DRAMA. Excited naman na si Aljur sa gagawin niyang episode para sa Magpakailanman pagpasok ng unang linggo ng Marso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Aljur, “Sobrang honored ako dahil gagampanan ko ang buhay ng isang indie actor na napakasikat.

“Hindi ko na muna siguro sasabihin kung sino yun.”

Yung indie actor na gagampanan niya ay naging call boy, macho dancer?

“Opo, may ganoong factor. Minsan kasi sa atin, sa industriya, may pagkakataon na may mahal ka sa buhay…

“Gusto mo na maisalba mo, maibigay mo ang gusto nila.

“Ultimo ang panggamot, pagkain... kung wala na talagang paraan, kakapit ka sa patalim.”

Dagdag niya, “Ako, honored ako na ako ang gaganap sa naging buhay niya.

“At itong gagawin ko po sa Magpakailanman, napaka-interesting po na first time ko pong gagawin.

“And probably siguro, last na."

Daring ba ang gagawin niya rito?

“Kasi, nabasa ko pa lang ang scipt at buhay niya, hindi puwedeng mawala yun.”



NEGOTIATIONS. Kailan lang ay may lumabas na isyu na diumano’y may tampo si Aljur sa GMA Artist Center, ang talent management na namamahala sa career niya.

Kaya naman may nagtanong kung bakit tila hindi siya masyadong nabibigyan ng projects sa Kapuso network.

Ang huling teleserye niya ay ang Coffee Prince, pero bago iyon ay matagal din siyang nabakante.

Sabi naman ni Aljur, “Siyempre, may mga dapat tayong intindihin… nangyayari po ‘yan.

“At tingin ko, hindi lang sa akin, normal lang na nangyayari ang mga ganyan.

"Ang kagandahan po nito, ako, masaya po ako.

“Nakapag-usap na po kami. Nakapag-meeting naman po kami at yun, maganda naman po ang resulta ng meeting namin.

“At ang kagandahan po, nakapag-usap na kami, masaya na ako.”

Bukod dito, malapit na rin daw magsimula si Aljur ng bago niyang teleserye sa Kapuso network.

Ayon sa initial reports, sila muli ni Kris ang magtatambal sa teleseryeng Prinsesa Ng Masa.

VIN ABRENICA. Tinanong din si Aljur kung pinapayuhan ba niya ang kapatid na si Vin Abrenica, na nasa bakuran ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami kasi ang nakakapansin na tila nagmamadaling ma-in love o masyadong malapit ang kapatid sa ka-loveteam nitong si Sophie Albert.

Sabi ni Aljur tungkol dito, “Well, sa aking nakikita, wala naman akong nakikitang mali sa brother ko.

“Actually, sobrang happy ako.

"Nakikita ko sila off-cam—ganoon na talaga sila even before, ganoon na talaga silang ka-close.

“Happy ako sa pagsasama nila at sobrang masaya ako na nakakita si Vin ng tulad ni Sophie.

“Kasi, talagang si Sophie, sinusuportahan si Vin kahit sa pananamit at gayundin si Vin.

“Ang pagsasama nila, sobrang genuine. Nagtutulungan sila.

“Siguro bilang isang kuya, ang maa-advice ko lang sa kanila, gawin nila nang maayos ang trabaho nila.

“Sinimulan nila nang tama, ituloy-tuloy lang nila."



NEW HOUSE. Nakabili na si Aljur ng bahay sa may Scout area sa Quezon City, pero hindi pa raw sila lumilipat dahil gusto pa ng kanyang ama na ipa-renovate ito.

Kuwento ng young actor, “Although maganda na ang room namin, si Daddy looking forward pa for the best para sa amin ni Vin.

“Gusto niyang i-renovate na yung space namin—mas maging easy para sa amin.

“Gusto niyang lagyan ng walk-in closet yung bathtub.

“Siya ang nagsabi na, ‘Mga anak, huwag muna kayong lumipat. Bigyan ninyo ako ng dalawang buwan.’”

Siya ba ang gumastos ng lahat para sa bahay nila?

Nakangiti niyang sabi, “Siyempre sa ngayon, well, even before showbiz pa, pangarap ko na talagang bigyan ng bahay ang parents ko.

“Yun nga lang, pumasok tayo sa showbiz, nabigyan ko sila rito sa Manila.

“Pero opo, sa ngayon, ako po ang nagbayad ng bahay.

"Pero may katungkulan kami. Naghati-hati rin kami sa mga susunod na bayarin ni Vin.”

Limang kuwarto ang bahay, at madaragdagan pa ng isang kuwarto dahil sa gagawing pagpapa-renovate ng daddy niya.

Natatawang sabi pa ni Aljur, fully-paid na ang bahay, pero siya ang may utang sa bangko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa March ay birthday na niya. Posible kayang sa bagong bahay na nila magdiwang ng kanyang kaarawan si Aljur?

“Maraming plano, marami rin nag-o-offer ng birthday concert. Even my dad... ako rin, gusto ko.

“Pero ako kasi, gusto ko magbakasyon kasama ang family sa States… Mai-treat ko man lang sila sa ibang bansa.

“Pero ngayon, pinag-uusapan pa lang namin, wala pang final. Yun pa lang ang mga options namin for my birthday.

“Pero yung sa bagong bahay na, mukhang malabo pa… baka sa birthday ni Vin, sa May, baka doon na,” sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN