Wendell Ramos clarifies rumored return to GMA-7; excited about "reunion" with Ogie Alcasid on TV5

Nagsalita si Wendell Ramos kaugnay ng isyung kaya lumilipat ang ilang artista sa TV5 ay dahil sa "kabuhayan package." Sabi niya tungkol dito, “Kasi iyang kabuhayan package, for sure kaya ring ibigay ng GMA iyan, kaya ring ibigay ng ABS iyan, ng TV5. Gusto ko lang magkaroon ng ibang experience. Gusto ko lang na etong network na matagal na rin, na nagsisimula ulit, parang gusto ko lang maging part of it na tingnan nga namin kung ano… Tiningnan lang namin k


Kaagad inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell Ramos tungkol sa isyu na diumano’y balak niyang bumalik sa GMA-7 pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5 ngayong Pebrero.

Lumutang ang balitang ito lalo na’t may lumabas na picture sa Instagram kung saan kasama ni Wendell ang ilan sa TV executives at producers ng GMA-7.

Pero paglilinaw ni Wendell, “Well, wala akong ano… wala namang masama.

“Pero wala naman sa plano ko. Wala akong naiisip na ganun.

“Although nagkita-kita kami ng mga nakatrabaho ko dati doon behind camera.

“Yung sa Instagram ba ito… oo nga.”

Hindi ba ito meeting para sa posibleng pagbabalik niya sa Kapuso network?

“Hindi. Kasi so far, mas maganda yung… nung nagkasama-sama kami…

“I mean, parang hindi naman ako umalis ng GMA before, kasi may mga nakatrabaho ako sa GMA na ngayon katrabaho ko ngayon dito sa TV5.

“So, wala… parang naging biru-biruan lang yun [pagbalik sa GMA].”

Ilan kasi sa mga dating executive producers at program managers ng GMA-7 ay nagtatrabaho na ngayon sa TV5.

Nakausap ng PEP si Wendell sa presscon na inihanda ng TV5 para sa mga super villain, leading ladies, at mga bagong karakter sa heroseryeng pinagbibidahan ni Derek Ramsay, ang Kidlat.

Isa sa mga super villain si Wendell bilang si Grabaman.

Bukod kay Wendell, dumalo rin sina Nadine Samonte, Ritz Azul, Valerie Weigman, Mark Neumann, Shaira Mae, at Paolo Ballesteros sa presscon na ginanap kahapon, Pebrero 19, sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue, Quezon City.


HAPPY WITH TV5. Taong 2011 nang lumipat si Wendell sa TV5 galing sa GMA-7, at pumirma siya ng two-year contract para maging Kapatid.

Dahil sa katapusan na nga ng Pebrero mag-e-expire ang kontrata ni Wendell, hinihintay lang daw niya ang gagawing pakikipag-usap ng kanyang manager na si Perry Lansigan sa TV5.

Pero para sa kanya, happy at satisfied naman siya sa pagtatrabaho sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This week yata or last week ng Feb makikipag-usap na si Perry kay Sir Perci [Intalan, TV5 executive].

“Pero kung ako personally ang tatanungin, so far kasi ang ipinakikita sa akin ng TV5, yung pag-aalaga nila sa akin… hindi lang sa akin, sa aming mga artistang lumipat dito, e, iba rin yung suporta nila.

“On my side naman, parang sa akin, in return, kung ano yung ginagawa nila sa amin na pagpapahalaga ay ganun din yung ibabalik namin kung ano yung puwede pa naming gawing maganda.”

Magiging happy ba si Perci sa magiging desisyon nila?

“Basta ako ngayon, masaya ako sa ginagawa ng TV5 sa akin.

“Masaya rin ako kay Sir Perci dahil from time to time nalalaman ko kay Perry na naggi-greet si Sir Perci, mino-monitor niya, which I’m glad, di ba?

“I’m from another network, tapos eto full support pa rin.”

So, malaki ang possibility na mag-renew siya ng contract sa TV5?

“Oh, yeah, definitely, oo.”


LOVED BY ALL NETWORKS. Aminado si Wendell na wala siyang problema kahit saan mang network siya magtrabaho. Kahit nga raw sa ABS-CBN ay puwede siyang magtrabaho kung may pagkakataon.

Nagkaroon na rin kasi ng pagkakataon si Wendell na magtrabaho noon para sa Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network.

May balita pa ngang naging interesado raw ang ABS-CBN para kunin ang aktor sana upang maging bahagi ng cast ng isang toprating show.

Sabi ni Wendell tungkol dito, “Actually, yun nga yung flattering, e, dahil at least naiku-consider ka.

“So, tingin ko, dahil din doon sa inaayos ko yung trabaho ko, di ba?

“Basta yun, wala pa akong naiisip na ganung lilipat.”

Natutuwa nga siya dahil open ang lahat ng networks na kunin ang serbisyo niya bilang aktor.

“Basta ako, happy ako na wala akong nakakasamaan ng loob kahit sa pinagmulan ko ring network.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE’S TRANSFER. Kung si Wendell ay naiintrigang babalik sa GMA-7, ang kaibigan at dati niyang katrabahong si Ogie Alcasid naman ay nababalitang lilipat naman sa TV5.

Ano ang reaksiyon ni Wendell rito?

“Baka maging Tropang Bubble na iyan,” biro ni Wendell, na ang tinutukoy niya ay ang pagsasama ng pangalan ng gag shows na Tropang Trumpo ng TV5 at Bubble Gang ng GMA-7.

Sakali mang matuloy ang paglipat ni Ogie, ikinae-excite daw ito ni Wendell.

Aniya, “Ako excited na makasama ko siya ulit.

“Although si Bitoy, si Michael V, kasi dumadalaw din naman ako doon sa set [ng Bubble Gang], e.

“So, sakali si Bitoy na lang [ang hihintayin namin]!” natatawang sabi niya.

Nami-miss din daw kasi niya ang mga kaibigan sa Bubble Gang.

“Sinasabi ko nga hindi na ako nanonood ng Bubble Gang kasi nami-miss ko sila, e.

“Siyempre nami-miss ko yung mga katrabaho ko kasi para kaming pamilya.”

KABUHAYAN PACKAGE. Sa tuwing may lumilipat sa TV5, nagiging isyu ang mas malaking offer sa artista na kadalasan ngang tinatawag na “kabuhayan package.”

Maging si Wendell nga ay nagkaroon ng ganitong isyu.

Pero depensa ni Wendell, “Kabuhayan package? Ako, ikaklaro ko lang, ha.

“Kasi iyang kabuhayan package, for sure kaya ring ibigay ng GMA iyan, kaya ring ibigay ng ABS iyan, ng TV5.

“Gusto ko lang magkaroon ng ibang experience.

“Gusto ko lang na etong network na matagal na rin, na nagsisimula ulit, parang gusto ko lang maging part of it na tingnan nga namin kung ano…

“Tiningnan lang namin kung puwede bang lumipat ng ibang network na walang magiging hassle.

“Iyon naman, wala rin namang hassle.”


DEREK’S KONTRABIDA. Hindi rin daw isyu kung kontrabida na ang roles na ibinibigay sa kanya sa TV5, kahit na noong una ay puro leading man at bida roles ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Wendell, “Wala, wala namang isyu.

“Siyempre lahat naman ng artista, hindi lang sa akin, gusto niyang maging consistent, e.

“Let’s say kung nagbida ka, bida ka.

“Nung umalis ako ng GMA, may mga ganung shows na nagawa ko na mostly mga bida-bida.

“Pero eto [sa Kidlat] in-explain din naman nila… hindi naman sa ayokong gumawa ng kontrabida.

“Tsinek ko lang baka mahirap na maging kontrabida sa superhero… which I’m glad dahil ngayon, every time na may scenes kami na ginagawa, si Direk Mike Tuviera personally na sinasabi sa akin na, ‘Wendell, you did a good job. Ang ganda, tama yung yabang na pinapakita mo.’

“So, napi-feel ko yung parang nag-aaral ka rin ulit.

“Although gumawa na ako ng ibang kontrabida roles, ha. Pero iba pag sa superhero e.”

Nag-e-njoy ba siya sa role niya bilang super villain?

“Oo, although mahirap.

“Ang nagiging problema ko lang naman dun is yung costume na pag pupuwedeng may ipabago kasi may mga movements ka na…

“Ang kinaiinisan ko lang yung may ipapagawa ang direktor pero hindi ko magawa nang todo dahil nga siyempre wala namang perpektong ayos din ng costume.

“So, yun lang yung pinakairita ko dahil gusto ko pang um-effort nang maganda pa hangga’t maaari.”

Hindi naman daw malaking problema ito dahil naayos din naman.

Kaya naman kahit mainit ang costume at matagal ang paglalagay ng prosthetics sa kanya, hindi na raw niya ito iniinda dahil ang mas mahalaga ay mapaganda nila ang show.

“Wala namang problema sa costumes, kahit matagal kaming make-up-an kasi nga pag nararamdaman mo na maganda yung show n’yo, iyon, sulit na.

“And hopefully, magtuluy-tuloy sa pagtaas ang ratings, maging consistent ang rating niya.”

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ni Derek, na galing din sa ibang network?

“Okay kami, okay kami. Wala naman kaming problema,” sagot ni Wendell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging magkaibigan din ba sila tulad ng nangyari kina Derek at Baron Geisler?

“Yeah, oo, okay naman kami.

“Kasi ang ugali ko, pag nasa set ako, pag hindi ako kinakausap, hindi rin ako nakikipag-usap.

“Pero si Derek makuwento rin, so okay kami,” sabi ni Wendell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN