Yeng Constantino on not having boyfriend since birth: “Nagmahal na ako ngunit siguro hindi po karapat-dapat ang pagmamahal ko sa kanila dahil hindi po sila naghintay.”

Yeng Constantino on rising popularity of K-pop in the country: “Siguro isa iyon sa mga challenge sa akin to experiment kasi nga ang excellent nila, e. Gusto mo lang din maging excellent kasi sila yung katapat, e, pero hindi sila yung something na parang threat for us. Isa sila sa mga [footsteps] para mas lalo ka pang mag bloom as an artist.”


Blooming na blooming ang Pop Rock Princess na si Yeng Constantino sa naganap press launch ng kanyang pinakabagong album, ang Metamorphosis, noong February 19, sa Insomnia Centris, Quezon City.

Bago usisain ng media, kinanta ni Yeng ang ilan sa mga kanta sa kanyang pinakabagong album.

Matapos ang kanyang performance, masayang humarap si Yeng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Unang tinanong ng press kung ano nga ba ang maituturing niyang “x-factor” kung bakit siya ang maituturing na pinaka-successful sa lahat ng nakasabayan niya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Dream Academy.


Si Yeng ang kauna-unahang grand winner dito.


Ani Yeng, “Ano po, hindi ko po kasi gusto na ikinukumpara yung sarili ko sa ibang artist, pero ngayon na nandito ako, grateful po ako.

“Pero minsan nakakalungkot din po talaga na yung mga kasabayan ko po, wala na.

“Siyempre nakikita ko pa rin po sila paminsan, kapag tumutugtog.

“Ako po, sobrang grateful lang po talaga ako.

"At kung ano man po yung meron ako, yun po yung talent ko sa pagsusulat ng kanta o pagkanta man, maike-credit ko lang po talaga yun kay God.

“Sobrang really grateful po ako na may ganito po akong talent and sobrang willing and gusto po talaga na i-share yun sa mga tao, sa mga nakikinig sa akin.”

RJ JIMENEZ. Naungkat din ang na-udlot na relasyon nila ng ka-batch niya sa Pinoy Dream Academy Season 1 na si RJ Jimenez.

Sabi ni Yeng, “Nagkita na po kami sa songwriting seminar kay Mr. Ryan Cayabyab.

“May girlfriend na siya, buti pa siya.

“Ako, hindi pa ako nagkaka-boyfriend.”



NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Ano na nga ba ang estado ng lovelife niya ngayon?

Sagot ni Yeng, “Wala akong lovelife, pero may mga nanliligaw sa akin, mga non-showbiz.”

Ano ba ang type niya sa isang lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin, okay lang basta mahal si God, basta maka-Diyos at mahal ako, okay na po sa akin.

"Hindi naman kailangan guwapo or dapat mayaman."

Dagdag pa niya, “Sabi nila maganda daw kapag non-showbiz [ang boyfriend] para daw hindi pareho ng ginagawa, para magkaiba yung mundo ninyo.”

So, mas gusto ba niyang magkaroon ng non-showbiz boyfriend?

“Sa akin hindi naman, showbiz or non-showbiz, e, parehong tao naman ’yan, e.

“Ang pinakamahalaga doon alam niya kung paano ka mamahalin, so mas doon po ako.

Pinaghihigpitan ba siya ng kanyang mga magulang pagdating sa pagkakaroon ng boyfriend?

“Pinapayagan na po talaga ako ng tatay ko... actually ang tagal na nga po, e.

“So yung decision ko po na hindi mag-boyfriend, for the longest time, ay decision ko lang po talaga.

“Hindi po ’yan controlled ng parents ko, which is sobrang happy naman po kasi ako hindi naman ako kulong, so I’m just being responsible.

“Siguro nag-ingat lang din po ako ng mga nakaraang taon kaya hindi po ako nag-boyfriend kaya ngayon po...

"Hindi naman sa hindi nag-iingat, pero naging bukas lang naman po yung isip ko para din… alam n’yo po iyon?

“I’m 24 and siguro time na rin naman po para makipagkilala naman ako.”


BASED ON EXPERIENCE. Ayon kay Yeng, ang mga isinulat niyang kantang tungkol sa pag-ibig ay "based on experience." Ngunit paano nga niya ba ito nagawa kung hindi pa siya nagkaka-boyfriend?

Sagot ng singer, “Hindi po porke’t hindi nagka-boyfriend, hindi na-in love.

“Pinagdadaanan po talaga yan.”

Aminado rin si Yeng na kahit hindi man siya nagka-boyfriend ay nasaktan rin siya nang dahil sa pag-ibig.

“Maamin ko po na marami akong pinagdaanan, hindi naman pinagsisisihan, pero alam mong nasaktan ka.

“Siyempre gusto mo yung hihintayin ka, e.

“Siyempre gusto mo pag babae ka, siyempre pinu-pursue ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagmahal na ako ngunit siguro hindi po karapat-dapat ang pagmamahal ko sa kanila dahil hindi po sila naghintay.”

Isa sa mga mga ibinigay niyang halimbawa ay ang first single sa kanyang pinakabagong album, ang “B.A.B.A.Y.”

Kuwento ni Yeng, isang malapit na kaibigan ang naging inspirasyon niya para sa kanta.

“Isinulat ko po para sa kaibigan [na lalaki na] sobrang malapit po sa akin, mahal na mahal ko po siya.

“So naghahang-out po kami palagi, umiinom kami ng milk tea, kumakain kami ng pizza, hang-out po talaga, lagi ko po siyang kasama.”

Kuwento na pa ni Yeng, bigla na lang nawala ang kanyang matalik na kaibigan nang hindi nalalaman ang dahilan.

“Sabi ko, ‘Ano bang nangyari? May ginawa ba akong masama?’

“Parang wala naming pasabi kung aalis ba siya.

"Nababalitaan ko nasa Pilipinas naman siya. Sabi ko, ‘Nakakalungkot naman ‘to.’"

Nagulat daw si Yeng nang malaman ang tunay na dahilan kung bakit iniwasan siya ng kanyang matalik na “kaibigan.”

“Nagulat ako, inamin niya sa akin na kaya pala siya umiiwas kasi nag-start na pala siyang ma-in love sa akin.

“Sabi ko, ‘Sige, lumayo ka na lang, okay lang sa akin. Hindi talaga kita mapoprotektahan sa ka-cute-an ko, so sige lang, babay.’”

May naramdaman din ba siya para sa lalaking naging inspirasyon ng kanyang kanta?

“Kaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya,” sabi ni Yeng.

“Parang sinasabi ko sa kanya [na] ang dali lang magsabi ng babay dapat sinabi na lang niya na aalis siya. Hindi yung parang iniwanan niya ako nang hanging.”

POP ROCK PRINCESS. Habang hindi pa busy sa lovelife, career muna ang inaatupag ni Yeng.

Sa February 28 ay naimbitahan ang Pop Rock Princess na mag-perform para sa isang musical event sa Singapore.

Ayon kay Yeng, “Alis po ako sa Feb 28 para po sa Academy of Rock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Academy of Rock is based in Europe, school sila ng music, gumawa po sila ng branch sa Singapore and sa Philippines.

"And isa po ako sa napili nila na mag-perform para po sa school nila para sa mga estudyante.”

Proud din si Yeng dahil itinuturo ng Academy of Rock ang isa sa kanyang mga kanta.

“Pinilit nila, itinuturo nila yung kanta kong original na ‘Salamat’ sa curriculum nila.

"So sobrang nakaka-proud lang na isa ako sa mga nagustuhan nilang mag-perform.”

Laking pasasalamat din ni Yeng dahil unti-unti na ring nakakamit ang kanyang pangarap para sa OPM music.

“Gusto ko talaga, sobrang desire ko na makapaglabas ng OPM music sa Asia.

"Kung makakapaglabas nga yung mga K-pop artist dito sa Philippines, naniniwala din akong makakaya natin iyon, promise, with all my heart.

“Siguro isa iyon sa mga challenge sa akin to experiment, kasi nga ang excellent nila [K-pop], e.

“Gusto mo lang din maging excellent kasi sila yung katapat, e, pero hindi sila yung something na parang threat for us.

“Isa sila sa mga [footsteps] para mas lalo ka pang mag bloom as an artist.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN