Preggy Iwa Moto says boyfriend Pampi Lacson wants a baby girl


Dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang lumabas ang balitang tatlong buwan nang nagdadalang-tao si Iwa Moto sa anak nila ng kasintahang si Pampi Lacson.

(CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos lumabas ang balita ng kanyang pagbubuntis, nakausap ng PEP si Iwa ng tatlong magkasunod na araw—February 15, 17, at 18—sa pamamagitan ng Direct Messaging (DM) sa Twitter at sa personal number nito na ibinigay sa amin ng kanyang manager na si Omar Sortijas.

Ipinaabot muna namin kay Iwa ang aming pagbati sa kanyang pagbubuntis.

Masaya niyang sagot sa Twitter, “Kakatuwa nga eh.. Kasi akala ko talaga wala na!!! Bwahaha… Biglaan!! Kaloka.. Pero ok lng happy ako super!!”

Kailan niya nalamang buntis siya at ano ang reaction ni Pampi nang sinabi niyang magkakaroon na sila ng baby?

“January pa.:) 1st week ng Jan. ata yun:) ayun naloka sya. 3x pag puspos sa trabaho.. Hihi. Pero pinagdadasal nya na babae.”

Alam na ba nila ang kasarian ng kanilang magiging anak? Bakit gusto ni Pampi ng babaeng anak?

Sagot ni Iwa, “D pa alam kung girl or boy.. Bed rest na ako kasi medyo maselan ako magbuntis...”

“May boy na si Pampi dba kaya girl naman gusto nya.”

Lalaki ang unang anak ni Pampi sa nakahiwalayang asawa na si Jodi Sta. Maria.

Sabi ni Iwa sa mga nakaraang panayam ay malapit sa kanya ang anak nina Pampi at Jodi. Ano ang reaksiyon ng bata nang malamang malapit na siyang magkaroon ng “kapatid”?

Sabi ni Iwa, “Excited na daw sya maging kuya. Aalagaan nya daw. Kanina nga kulit ni Muy isip daw kami ng names.. Hihi..”

Pero hindi pa daw sila nag-isip ng mga posibleng maging ipangalan nila sa baby.

Sabi ni Iwa, “Pero masyado pang maaga for names. Sa ngayon ang kailangan ko is mag rest ng wagas:)”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN