Nadine Samonte no-show at post-Valentine date with American-German mixed martial arts coach

Sa pagbabalik ni Nadine bilang Lara sa Kidlat, gusto niya sanang maging kontrabida naman. Ang dahilan niya: “E, kasi iba yung character, e... Mas masaya, mas nabibigyan mo ng kulay, kasi nga napaglalaruan mo, e.”


Hindi natuloy ang post-Valentine’s date ni Nadine Samonte sa isang half-American, half-German mixed martial arts coach last February 16.

“Hindi ako pumunta,” bungad ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, February 19, sa presscon ng second season ng Kidlat sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Paliwanag ng Kapatid actress, “Hindi... kasi I was waiting for my best friend kasi noong Saturday."

May laban kasi ang alaga ng mixed martial arts coach sa Ynares Gym sa Pasig last Saturday, at manonood sana si Nadine kasama ang isa niyang kaibigang babae. Pagkatapos ay magde-date sana sila.

“Kasi five o’clock ang open ng gate, tapos hanggang seven, seven ang start ng fight.

“Dumating yung friend ko, seven-thirty—hindi kami nakaabot.

“Nag-message siya sa best friend ko ng sad face. Magka-FB [Facebook] kasi sila ng best friend ko!

“Ang nag-explain [sa hindi nila pagdating], yung best friend ko.”



GONE HOME. Wala na sa bansa ang naturang American-German mixed martial arts coach. Pagkatapos nitong umalis ay hindi na sila nagkitang muli ni Nadine at hindi rin sila nagka-text-an man lang.

Sabi pa ng young actress, “Hindi, kasi magka-email lang kami, e.

“Dapat kasi noong Sunday, lunch time, kaya lang I’m with my family naman since family day yun.”

Wala na bang chance na magkita pa sila?

“Hindi natin alam... baka.”

Hindi naman daw sa inindiyan niya ito.

“Ewan ko ba! Ganoon ako, e. May ugali ako na pag gustong makipag-meet, hindi ako ganoon kaano...

“At kasi nga, ako future thinker ako, ‘Paano iyon? Andun siya, andito ako.’

“Ayoko ng long-distance relationship. O, paanong gagawin, e, di wala rin.

“Di ba, parang huwag na lang?”



NO DATE. Noong mismong Valentine’s Day ay nagtrabaho si Nadine at wala siyang date.

“Meron po akong dating game sa Resorts World,” banggit niya.

Hindi siya niyaya ng Kidlat leading man niyang si Derek Ramsay noong Araw ng mga Puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi,” sagot ni Nadine.

Wala rin daw ibinigay na anuman sa kanya si Derek, pero binati naman daw siya nito.

Hindi sila nagkita ni Derek dahil Huwebes ang Valentine’s Day at wala silang taping ng Kidlat.

Sa isang interview kay Derek, sinabi nito na “It would be nice kung makalalabas kami ng Valentine’s Day.” Na ang tinutukoy ay si Nadine.

Ano ang reaksiyon dito ni Nadine?

Nag-isip si Nadine at sinabing, “Hmmm… I don’t know. Wala, wala namang nagyaya at tsaka meron nga akong trabaho.”



SECOND REUNION. Muling nag-reunion ang StarStruck Batch 1, na nagkataon namang birthday treat ni Cristine Reyes.

At sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman naka-attend si Nadine.

“Nasa Marinduque ako,” paliwanag niya.

This time ay in-inform si Nadine ng halos lahat tungkol sa kanilang reunion.

“Sila Katrina [Halili], si Yasmien [Kurdi], si Sheena [Halili], si Mark Herras, si Jennylyn [Mercado]... sinabihan ako.

"Pero nasa Marinduque po ako noon, e, shooting for a movie, yung Nuwebe.

“Ten days akong nasa Marinduque, Sunday hanggang Tuesday... every day ang shoot.”



CHANGE ROLE. Excited si Nadine sa pagbabalik niya sa Kidlat.

“Oo, pero iba yung pagbabalik ko, e. Gusto kong maging kontrabida, e... ewan ko, parang hindi daw.

“Gusto ko nga maging kontrabida, kaya lang, ewan ko kung ano yung magiging story.”

Dahil napaaga ang pagbabalik ng karakter niya bilang si Lara sa Kidlat, inayos din ang schedule ng aktres.

“Yung Nuwebe muntik na, kaya kinailangan kong mag-taping ng Saturday, kahit MWF [Monday-Wednesday-Friday] ang tapings nila...

“Kailangan kong mag-taping agad ng Saturday para Sunday, makaalis na ako papuntang Marinduque.”

Sa palagay ba ni Nadine ay mangyayari ang gusto niya na maging kontrabida sa Kidlat?

“Sana,” pag-aasam niya.

Bakit ba gusto niyang maging kontrabida?

“E, kasi iba yung character, e—mas napaglalaruan yung character...

“Mas masaya, mas nabibigyan mo ng kulay, kasi nga napaglalaruan mo, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CONSEQUENCE. Baka mawala ang kilig ng fans sa kanila ni Derek kapag ganoon ang nangyari?

“Hindi ko alam. Depende kung ano ang gagawin sa script, kung paano ang atake sa script.

“Hindi ko rin kasi alam kung magiging kontrabida ba talaga ako o magiging same pa rin, as Lara pa rin. Ganoon.”

Malamang hindi pumayag ang mga fans?

“Feeling ko, ayaw nga nila!” ang natatawang sinabi ni Nadine.



ON THE WAY. Nagulat naman si Nadine ng sabihin namin sa kanya na buntis si Iwa Moto, na katulad ni Nadine ay produkto ng StarStruck.

“Sino? Ha?! Kanino? Wow!!!” bulalas niya.

“I’m so happy for her! At least alam kong masaya siya, alam kong okay na siya ngayon.”

Sa sunud-sunod na nabubuntis na taga-StarStruck, biniro namin si Nadine na baka siya na ang sumunod.

“Gusto ko na ngang sumunod, e!” sabay-tawa ng aktres.

“Gusto ko na ngang sumunod, ang problema, wala nga, e.

“Sabi ko nga kay Mama, ‘Ma, gusto ko nang magkaanak!’

“Sabi nga niya, ‘Oo nga, mag-anak ka na!’

“Sabi ko, ‘Sino? Kanino?’” at muling tumawa si Nadine.

Ayon pa sa kanya, “Matagal ko ng gustong magkaroon ng pamilya.”

Paano ang career niya kapag nabuntis siya?

“Iyon nga lang... E, ang problema nga, wala naman akong boyfriend, e,” at natawa siyang muli.

Sa pagkakaalam niya, naka-stipulate sa kontrata niya sa TV5 na bawal siyang mabuntis at mag-asawa agad.

“Alam ko meron, pero ang tapos ng contract ko is next year.”

So kapag natapos ng contract niya next year, mag-aasawa na siya?

“Ang problema nga, wala pa nga, e! Wala akong boyfriend!”



SAFE TRAVEL. Sa pahayag niyang ito, hindi katakatakang wala siyang tagahatid at tagasundo sa kanyang mga tapings at shootings.

Sabi ni Nadine, “Mas okay, kasi kahit may driver ako, hindi rin naman ako nakakatulog sa kotse, e.

“At saka every time na may driver ako, lagi akong nababangga!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw hassle sa kanya na pagod siya sa taping ay siya pa ang nagmamaneho para sa sarili niya.

“Hindi naman, hindi naman, okay lang sa akin.”

Saan ba ang pinakamalayong namaneho ni Nadine?

“Sa show, sa Laoag, twelve hours straight!

“Papunta, ako. Noong pauwi, may driver akong kasama, siya na pauwi.

“Pinatulog ko siya, papunta ako ang nag-drive, siya pauwi.”

Nag-e-enjoy daw si Nadine sa long driving.

“Gusto ko yun, e!” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN