Sunshine Cruz: “I fought, lied, and cried just to protect the love of my life, pero sabi nga nila, kung mahal mo ang tao, set him free.”

Sunshine Cruz: “I just realized I did everything for the man I loved for the past 13 years. I fought, lied and cried just to protect the love of my life, pero sabi nga nila kung mahal mo ang tao set him free. I’m doing what I think is best. After all, if you feel na di na masaya o kontento ang tao sa ’yo, bakit kailangan ipilit?”


“I Loved You, Goodbye.”

Ito raw ang puwedeng title kung isasapelikula ang love story ni Sunshine Cruz.

Diin pa niya sa title na kanyang napili, “Past tense na, ha!”

Matatandaan na noong nakaraang buwan, nagsimulang magkaroon muli ng problema ang mag-asawang Sunshine at Cesar Montano nang maiugnay ang pangalan ng aktor sa starlet na si Krista Miller.

(CLICK HERE for related article.)

Sa panayam sa kanya ni Dolly Ann Carvajal, na lumabas sa column nito sa Philippine Daily Inquirer na Dollywood noong Martes, Pebrero 19, ipinaliwag ni Sunshine ang napili niyang title ng pelikula.

“I just realized I did everything for the man I loved for the past thirteen years.

“I fought, lied, and cried just to protect the love of my life, pero sabi nga nila, kung mahal mo ang tao, set him free.

“I’m doing what I think is best.

“After all, if you feel na di na masaya o kuntento ang tao sa ’yo, bakit kailangan ipilit?”

Nito nga lang Linggo, February 17, pinalitan na ni Sunshine ang kanyang Twitter and Instagram username.

Mula sa “shinemontano” ay ginawa na niya itong “sunshinecruz77.”

Sa huling panayam naman ng media kay Cesar, inamin nito na mayroon silang pinagdadaanan ngayon ng kanyang asawa.

(CLICK HERE for related article.)



SHOWBIZ COMEBACK. Samantala, excited naman si Sunshine para sa kanyang showbiz comeback.

Katunayan, dalawang projects na raw ang tinanggap nila ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo sa ABS-CBN.

“One is with my cousin Sheryl Cruz and four new actresses, working title is Apat Na Maria.

“The other one will be directed by Toto Natividad. It’s an action series but I’m not at liberty yet to divulge my role.

“I am open to movies, too.”

Todo rin daw ang suporta ng kanyang tatlong anak sa pagbabalik niya sa showbiz.

Katunayan, ayon kay Sunshine, “...they pray for me every day so that I will get tons of offers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m doing all this for them anyway.

“I live for my children.”

Bagamant suportado siya ng kanyang mga anak, aminado si Sunshine na kinakabahan din siya.

Aniya, “I have been doing small guest roles for the past thirteen years, so it’s like starting from A again.

“But I’m also excited!

“I’ve been getting offers lately, but I don’t want to seem greedy by accepting them all.”

Pero kung ang paggawa ng sexy roles ang pag-uusapan, ani Sunshine, “I’m thirty-five and a mother of three.

“It’s awkward and not proper for me to do sexy scenes anymore.

“Let’s leave that to the younger actresses. I did that in the past but I won’t do it again.

“Besides, I’m sure my kids won’t allow me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN