Dingdong Dantes scratches one item off his bucket list after flying with Breitling Jet Team

Natupad na ang isa sa bucket list ng aktor na si Dingdong Dantes na makalipad kasama ang pitong piloto ng Breitling Jet team. Nangyari ito kaninang umaga sa isinasagawang 18th Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga.


Kasalukuyang nasa Clark, Angeles, Pampanga ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Katatapos lang nitong sumakay sa L-39 C Albatros, isang high-performance fighter/trainer aircraft, kasama ang Breitling Jet team.

Ang aircraft model na ito ang ginamit sa opening sequence ng James Bond movie na Tomorrow Never Dies (1997) na pinagbidahan ni Pierce Brosnan.

Ang paglipad ito ng Breitling Jet team ay bahagi ng ginaganap na 18th Hot Air Balloon Festival sa Clark.

Nagkaroon ng ganitong pagkakataon si Dingdong dahil sa kanyang pagiging Breitling brand ambassador.

Ang Breitling ay isang mamahaling brand ng Swiss watch. Kahanay ni Dingdong bilang celebrity endorsers ng Breitling ang mga katulad nina David Beckham, Sean Connery, at John Travolta.

Nagkaroon ng exhibition ang Breitling Jet Team at sa exhibition na yun ay namili sila ng pitong VIPs na makakasama ng team sa paglipad.

Tatlo sa alam ng PEP na nakasama sa pitong VIPs ay si Dingdong, si Marc Nelson ng Sports Unlimited, at ang host na si Bianca Valerio.

DREAM COME TRUE. Bata pa lang ay pangarap na ni Dingdong na maging piloto.

Noong February 14, nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng larawan kunsaan nakasakay siya sa isang helicopter.

Ito ang nakalagay na caption: “My first plane ride way back in the early 80’s with my sister @ayaaurello. On thursday next week, I am going to ride something else that wil cross out one of the first entries to my bucket list #gforce #mach1.”

At kanina nga lang, natupad na ang isa sa bucket list ni Dingdong—ang maranasang makasakay sa jet.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan habang naghihintay sa pagbabalik ng Breitling Jet Team mula sa kanilang paglipad.

Ayon kay Perry, excited talaga si Dingdong nang malaman na makakasama siyang lilipad sakay ng jet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya kahit late na natapos sa taping ng kanyang primetime series na Pahiram Ng Sandali, maaga pa rin daw gumising at pumunta ng Clark ang aktor.

Base naman sa mga ipinu-post na larawan nina Dingdong at Perry sa Instagram, hindi mababakas na konti pa lang ang tulog ng aktor dahil bumagay pa lalo rito ang suot na uniporme ng Breitling Jet Team.

Pagkatapos niyang makalipad, nakapalitan ng text message ng PEP si Dingdong.

Narito ang sabi ni Dingdong sa kanyang naging karanasan sa paglipad:

“Dream come true. I just crossed out one experience in my bucket list: to fly alongside the 7 great pilots of the Breitling Jet Team. After this, I will seriously consider adding something to my list of profession.”

Itutuloy na talaga niya ang pagiging piloto?

“Yes. Puwede pa naman,” sagot ni Dingdong.

CLICK HERE for photos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN