Rocco Nacino on continuing contact with Lovi Poe after their teleserye: “We have fun naman talking to each other, why stop, di ba?”

Ngayong tapos na ang taping nila para sa afternoon soap na Yesterday’s Bride, sinabi ni Rocco Nacino na hindi ito nangangahulugan na ititigil na rin nila ang kanilang komunikasyon ni Lovi Poe. Pahayag ng aktor, “What we had before, won’t stop, tuluy-tuloy pa rin yun. It goes the way na parang we get closer to each other."


“Good friendship” ang deskripsyon ni Rocco Nacino sa samahan nila ngayon ng co-star at leading lady niya sa Yesterday’s Bride na si Lovi Poe.

Napakunot-noo si Rocco nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya sumalang sa live interview nila ni Lovi para sa H.O.T. TV last Sunday, February 17, sa GMA-7 studio.

Pinagtatakhan kasi nito kung bakit may lumalabas na balitang nagkakamabutihan na raw sila ni Lovi.

“It’s a good friendship,” paglilinaw ng aktor tungkol sa kanila ng kapareha.

May mga nagsasabi ring may kakaibang unawaan na raw sina Rocco at Lovi, kaya naman lumalabas ito sa kanilang mga galaw na animo’y may romantic attachment sila sa isa’t isa.

Pero ayon sa StarStruck alumnus, puwedeng nagpapakiramdaman lang sila ni Lovi at sumasabay lang sila sa agos ng maganda nilang rapport as co-actors.

“Puwedeng sabihing ganon… we don’t really know, e.

“Pero the closeness we have, talagang tini-treasure namin ngayon.”

Plano niya bang ituloy ang pagkakaibigan nilang ito sa mas mataas na level?

Tugon ni Rocco, “Hindi ko pa naiisip yun, e.

“Kasi nga, I spent my Valentine’s with my family. I have no plans in celebrating dahil work lang talaga.

“Pero I don’t know yung sinasabing plano… I don’t know kung may ganyan man.

“Kasi nga, pina-prioritize ko talaga ang trabaho ko.

“I’ve no plans and I don’t know if have plans for this—if it goes that way, ha?”

LOVI’S BIRTHDAY. Nag-birthday si Lovi noong February 11. Nabati ba niya ang kanyang leading lady?

“Yes, I did. Nung pumatak ang 12 o’clock, na-greet ko siya ng ‘Happy Birthday,’” sabi ni Rocco.

Pero hindi raw pumunta ang aktor sa birthday ni Lovi.

“She didn’t have a party, e. Nag-celebrate yata siya with her family, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nirespeto ko yun. Plus, I have work din.

“So, yung pagbati ko sa kanya in person, during the taping na lang the next day.”


ENJOYING SINGLEHOOD. Tila hindi apektado si Rocco sa kawalan niya ng girlfriend nung Valentine’s.

Paliwanag niya, “Kasi ini-enjoy ko yung pagiging single ko rin.

“Kasama ko yung family ko, kaya extra-saya naman. Ang naging date ko, yung mommy ko.

“And na-realize ko na you can be happy on Valentine’s alone.

“Kahit anong mangyari, yung family mo, nandiyan palagi."

Nagbigay ba siya ng flowers kay Sheena Halili, his rumored ex-girlfriend, noong Araw ng mga Puso?

“Let’s not dwell on Sheena,” pag-iwas na sagot ni Rocco.

Dugtong niya, “We haven’t really talking, so…”

KILIG FACTOR. Since ayaw pag-usapan ni Rocco si Sheena, itinuloy na lang namin ang pagtatanong tungkol sa kanila ni Lovi, lalo na ang pagiging showy nila sa kanilang closeness.

Nagliwanag bigla ang mukha ni Rocco at sinabing, “Talaga? Para sa amin, it’s still the same… ewan ko.”

Aware ba siya na may kilig factor yung biruan nila sa isa’t isa?

“Hindi,” nangingiting sagot ni Rocco.

“Kung totoo na may kinikilig sa aming dalawa, nakakatuwa. Sana suportahan pa nila yung loveteam namin.

“Of course, I’m hoping na magkatrabaho kami ulit para maibigay namin yung gusto nila.”

Tapos na ang taping nila para sa Yesterday’s Bride, na matatapos na rin ngayong linggo. Paano na yung pagiging malapit nila sa isa’t isa ngayong hindi na sila madalas magkikita ni Lovi?

Saad ni Rocco, “Sabi ko nga sa mga interview na what we had before, won’t stop, tuluy-tuloy pa rin yun.

“It goes the way na parang we get closer to each other.

“I would gladly accept that, gugustuhin ko yun para maging close pa rin kami.”

Paano niya gagawin na magtuluy-tuloy pa rin ang friendship nila ni Lovi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, yung communication namin would be always open sa isa’t isa—at hindi mawawala yun.

“We have fun naman talking to each other, why stop, di ba?”

Nagsi-sink in na ba kay Rocco na hindi na sila magsasama sa taping ni Lovi?

“Oo naman, siyempre actors pa rin kami. We have to accept na tapos na yung show, move on, have another show.

“She has another show coming up. And ako naman, I’m focusing on my new mini-series in GMA News…

“As professional, yun ang gagawin ko.”

Nalulungkot ba siya na hindi niya makikita nang madalas si Lovi?

“In a way, siyempre, kahit paano.

“Masaya, e. Sa taping, nakikita ko siya e.

“Hindi na mangyayari yun, so… okey lang.

“Pag may free time, hopefully… alam mo naman si Lovi, babaeng walang pahinga ‘yan, e.

“Pag may free time, magkikita kami. So, masaya yun. That would be fun.”

Ano naman ang nararamdaman ni Rocco na isang award-winning young actress, gaya ni Lovi, ay tinanggap siya bilang ka-loveteam at naging malapit pa sa kanya?

“Lucky me, kung gano’n. Suwerte ako kung gano’n.”



OTHER ENDEAVORS. Samantala, ang tinutukoy na mini-series ni Rocco sa GMA News TV ay ang Bayan Ko. Kasama niya dito sina Pen Medina, LJ Reyes, Betong, at Mercedes Cabral.

Habang wala pa raw ibang ginagawa si Rocco, ilalaan niya ang iba niyang oras sa pagpapaganda ng katawan.

“May program akong gustong sunduin… manage my business even more.

“Kasi medyo recently, sunud-sunod yung trabaho ko, e. Gusto kong i-handle muna yung business ko.”

Kasosyo si Rocco sa Elorde’s Gym sa may Ortigas, Pasig.

Dagdag niya, “At may isang film pa, yung Ibong Adarna to be directed by Jun Urbano. We might be shooting March-April.

“And after everything, mag-a-out of the country ako or out of town ako—alone!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN