Paolo Ballesteros on playing Derek Ramsay’s villain in Kidlat: “Ready akong saktan ni Derek, saktan niya ako nang saktan! Basta huwag lang siyang mai-in love, ha? Kasi trabaho lang ito.”

Handang-handa si Paolo Ballesteros sa punung-puno ng action na tunggalian nila ni Derek Ramsay sa Kidlat. Biro pa niya, “Malakas ako, e, nagba-badminton ako. Siyempre kailangan bilang Warla. Kahit nga patakbuhin nila ako ng nanaka-high heels, kaya ko!”


Tawid-bakod muna si Paolo Ballesteros sa pagganap niya bilang kontrabidang si Warla sa Kidlat ng TV5.

Madali naman daw siyang nakumbinsi na tanggapin ang offer ng kabilang network.

“E, kasi yung production ng Kidlat is APT [Entertainment] so wala nang tanung-tanong, go na agad!” umpisang sabi ni Paolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Plaza Ibarra sa Timog noong February 19.

“Wala naman kasi akong kontrata with GMA, di ba?

“At saka, iyon nga, APT naman ito, sila rin yung production namin sa Kilabots so walang question-question,” esplika niya.



TALENT FEE. Sa paglabas niya sa Kapatid network, mas malaki ba ang talent fee niya?

“Siyempre! Charing, joke lang,” biglang kambiyo ni Paolo.

Nagulat ba siya na sa tagal niya sa Eat Bulaga! at sa APT, ngayon lang siya nabigyan ng show sa TV5?

“Oo. Pero iyon nga, thankful... at least meron na namang bagong show.”

Ka-level na niya sina Vic Sotto at Joey de Leon na “lumalagare” sa GMA-7 at TV5.

“Agad?! Ganoon ba yun?

“Ewan... hindi naman siguro, freelance lang. Wow, freelance lang!”



NEW ROLE. Ano ang mga gagawin niya bilang si Warla?

“Bubulabugin ko si Derek,” mabilis niyang tugon.

“Eto kasi, ako talaga si Walter, yung kapag tao, bakla.

“Ang kaibahan nito, si Walter, hindi siya yung strong na bakla na kamukha ng mga ginawa ko sa I ♥ You Pare na kontrabida na agad.

“Siya kinakawawa—binu-bully, binabatuk-batukan ng stepfather... na sayang hindi ni-rape!” sabay-tawa ni Paolo.

“Nakakaisang taping day pa lang ako, pero binabasa ko naman yung script, tsaka kinukuwento naman nila sa akin.

“May napulot daw ako na bato, kasi meron akong bato na inaalagaan ko.”

Isusubo ba niya ang bato?

“Ang laki ng bato! At matigas at may tulis-tulis yung bato, ‘Lulunukin ko ba ito? Hindi ba puwedeng ilaga muna tapos iinumin ko na lang yung sabaw?’" bito niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Paolo, “Hindi ko pa alam kung paano.

“Basta may bato, parang nahi-hypnotize ako doon sa bato.

“Iyon nga, parang kawawang-kawawa ako.

“Tapos, noong nakita ng friend ko si Joey, si Ritz Azul, pumunta siya sa bahay, nakita niya yung bato.

“Sabi niya, ‘Ano ito?’ Parang na-hypnotize ako, bigla akong nagalit sa kanya, ‘Huwag mong hahawakan ‘yan!’ Ganun.”



ACTION SCENES. Bilang si Warla, excited ba siya na si Derek, bilang si Kidlat naman, ang madalas niyang makakaeksena?

“Siyempre, exciting!” kinkilig na sabi ni Paolo.

“Tsaka, ano kasi, may mga action scenes ako, e, hindi pa naman ako nakakapag-action before... aura-aura lang.”

Sa Kidlat ay makikapaglaban siya talaga. Nag-train siya?

“Wala! Nag-training ako ng ballet para poised!” at tumawa si Paolo.

Kahit boses at martial arts ang power ni Warla, kakayanin naman daw niya ang mga action scenes nila.

“Malakas ako, e, nagba-badminton ako. Siyempre kailangan bilang Warla.

“Kahit nga patakbuhin nila ako ng nanaka-high heels, kaya ko!”

Ready na ba si Paolo sa mga fight scenes nila ni Derek at malamang siyang masaktan?

“Oo, ready akong saktan ni Derek, saktan niya ako nang saktan!

“Basta huwag lang siyang mai-in love, ha? Kasi trabaho lang ito,” pahabol niya.



MAINSTAY. Hanggang sa ending ba ng Kidlat ay kasama siya?

“Sana. Sana nga kami ang magkatuluyan, e," biro ulit ni Paolo.

Pero dagdag niya, “Si Derek, matagal na kaming magkakakilala kasi magkapatid kami niyan.”

Iisa ang manager nila, si Joji Dingcong, at sa Eat Bulaga! rin nagsimula si Derek.

Ano ang masasabi ni Paolo sa hunky body ni Derek?

“E, siyempre masarap, parang tuna!" bulalas niya.

Kung naging babae ba siya, gugustuhin ba niyang "matikman" si Derek?

“Grabe naman ‘yan! Ano siya, pagkain?

“Kung gusto rin niya akong matikman, e, di game!

“Ano lang kami ni Derek, we’re just friends,” ang tawa pa rin nang tawang sinabi ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TYPECAST. Bakit laging gay roles ang ibinibigay sa kanya ngayon?

“Hindi ko nga alam kung bakit ganyan? Ano ba’ng nangyari, bakit ganoon?” at natawa muli si Paolo.

Hindi ba siya nag-request na iba namang role ang ibigay sa kanya?

“Ay, hindi naman. Goons—ganoon, para iba?

“Bakit naman ako magre-request? Kung ano yung ibigay na trabaho, go!”

Kung siya ang tatanungin, ano’ng role ang gusto niyang gawin na hindi pa niya nagawa?

“Bakla! Charing!

“Nanay!” pahabol uli ni Paolo.

“E, siyempre actually, gusto ko action, yung may mga kara-karate, yung may mga stunts.

“Parang Charlie’s Angels!” ang tumatawa pa ring sinabi ni Paolo.



COMPARISON. Ano ang reaksyon niya pag may nagsasabing mas maganda siya kay BB Gandanghari kapag nakaayos-babae siya?

“Ay, grabe naman! May nagsasabi ba ng ganoon? Wala naman akong naririnig.

“Parang gawa-gawa ninyo lang ata ‘yan, kayu-kayo lang ang nagsabi niyan, e.”

Nakatrabaho na dati ni Paolo si BB.

“Yung SRO Presents sa GMA, yung kay Iza Calzado, yung bakla tapos naging babae. Okay naman kami.”

Sino ang mas maganda sa kanila ni BB?

“Parehas kaming maganda!”

Mas fresh lang siya?

“Hindi ko alam, hindi ko pa na-check!” natatawang sagot ni Paolo.



NEW AIZA SEGUERRA. Nakakasama madalas ni Paolo ang bago nilang child star sa Eat Bulaga! na si Ryzza Mae Dizon.

“Siyempre proud kami doon sa bagets kasi magaling talaga siya,” pagmamalaki niya.

“Tapos, mas proud pa kami dahil isang segment na siya lang mag-isa ang host.

“Kayang-kaya niya. Tapos, yung buong audience napapasunod niya kung ano’ng sinasabi niya.

“Ang audience, sinusunod naman siya kaya nakaka-proud talaga—magaling talaga yung bata.”

Si Ryzza Mae raw ang bagong Aiza Seguerra na dati ring child sensation na produkto ng Eat Bulaga!

“Oo parang ganoon. Nakakatuwa nga noong nag-guest si Aiza sa amin, tapos doon sa portion ng ’Juan For All...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di nag-aano yung bata, nanonood siya doon sa gilid... Tapos, nangingiti-ngiti siya pero nasa gilid lang siya.

“Katabi niya si Mommy Caring [Aiza’s mom] na naiiyak-iyak, naaalala siguro niya si Aiza.”



PAOLO’S DAUGHTER. Si Paolo naman ay may anak na babae sa ex-girlfiend niyang si Katrina “Kaye” Nevada na pinangalanan nilang Keira Claire.

“Nag-aaral na siya... nursery,” banggit niya tungkol sa anak.

Ano ang naramdaman ni Paolo nang una niyang nakita na naka-school uniform ang kanyang anak?

“Siyempre, nakakaiyak, sabi ko, ‘Nanay na talaga ako!’" tawa niya.

“Tapos, noong nakita ko yung mga pipirmahan sa school, yung may mga program na kailangan kong pirmahan...

“Parang magulang na talaga—totoong magulang na talaga!”

May in-attend-an nga raw siyang school activity ng anak niya. Pinagkaguluhan ba siya?

“Ng very, very light!” pag-alaala niya.

“Meron silang event... Ayun, hindi na inintindi yung event, nagpa-picture na lang!” ang muling natatawang sinabi ni Paolo.

Dahil nasa showbiz si Paolo, hindi malayong mag-artista rin ang anak.

“Kung gusto niya, pero kasi ngayon, pag ako ang nagpi-picture sa kanya, ayaw, e... Ewan ko.

“Hindi siya mahiyain, parang ayaw niya ng pinipilit siya. ‘O anak, smile!’

“Tinuturuan ko, ‘Smile,’ ganito-ganyan. E, siyempre, sobrang tagal kong mag-picture.

“Sasabihin niya, ‘Daddy, no more na!’ May ganoon siya.

“Tapos, pag dinadala ko naman sa Bulaga... ayun, parang walang bukas mag-chacha, nakabuka rin ang bibig!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN