Geoff Eigenmann on being protective of cousin Andi: “Kung may nanakit sa kanya, ingat na lang sila.”

Bagamat close sila ng pinsan niyang si Andi Eigenmann, sinabi ni Geoff Eigenmann na hindi lahat ay sinasabi sa kanya nito. Pahayag pa niya, “Ayokong tanungin siya, ayokong may sabihin siya na hindi siya kumportable na sabihin. So hindi ko kailangang pilitin... What she wants to tell me, she’ll tell me openly.”


Kulang-kulang na twenty pounds ang target na alising timbang ni Geoff Eigenmann.

“Yung mga nakakapanood ng Forever, ang comments nila, karamihan, okay naman raw ang akting ko, nagugustuhan nila, pero mataba raw ako!” ang natatawang sabi ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kaya naman seryoso si Geoff sa pagda-diet at sa kanyang pagba-biking at workout.



CHRISTMAS REUNION. Naikuwento rin ni Geoff na nitong nakaraang Pasko, for the first time ay hindi magkakasama o hindi buo ang Eigenmann clan.

“Actually this is actually one of the first years na hiwalay-hiwalay kami.”

Ano ang dahilan?

“Wala. Ang daming magulo, e!

“Hindi naman magulo, but there are different sects of the family right now!” sabay tawa muli ni Geoff.

Dagdag niya, “Ang dami, basically with every one of us, may two sides.

“Like ako, I have my family and, siyempre, I spent it with Carla’s [Abellana] family.

“My brother [Ryan Eigenmann] has our family and family ng wife niya.

“So lahat kami ganoon, so medyo nagkagulu-gulo. But for New Year’s, we were all together.

“We all cheked-in in a hotel and we were there for one whole week.

“Ako, mga cousins, si Gabby [Eigenmann], sila Ryan, and my mom [Gina Alajar], so kami-kami ang magkakasama.

“Si Carla, she was there, nagpakita din siya siyempre, pero hindi namin kasama yung family niya.”



CLOSE WITH ANDI. Kasama rin daw nila ang pinsan niyang si Andi Eigenmann.

“Si Andi, kasama rin namin ng New Year pati noong Christmas, pero nagkita-kita kaming lahat after midnight.”

Kinumusta namin kay Geoff ang tungkol sa lovelife ni Andi.

“Okay naman, whatever makes my cousin happy, siyempre ako, support, no doubt," sagot niya.

Close ba sila ni Andi?

“Yeah, ever since we were kids. Actually, mas naging malapit talaga ako sa mga cousins ko na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like si Max, si Ira, si Andi, si Stevie... lahat sila, I am really close to them.

“Si Andi, she was the last one I thought that would join show business, pero yun, napag-uusapan namin ang mga bagay-bagay.

“She’s always been open about that kahit matagal kaming hindi nagkikita—we’re still very close.

“Open naman siya. Like if I ask about something, she’ll openly answer me without hesitation.”



CONFIDANTE. Alam ni Geoff ang lahat tungkol kay Andi?

“Hindi naman lahat... ayokong tanungin lahat.

“Ayokong tanungin siya, ayokong may sabihin siya na hindi siya kumportable na sabihin.

“So hindi ko kailangang pilitin... What she wants to tell me, she’ll tell me openly.”

Ano ang masasabi ni Geoff sa mga pinagdaanan ni Andi?

“Well, ang sa akin, ano yun, e... Ako kasi, with my life, I have never really had any regrets.

“That’s how you learn as a person, that’s how you live—that’s life.

“So kung ano… ganoon din siya, so I’ll let her live her own...

"Kung masaya siya, e, di I’m really happy for her.

“Kung may nanakit sa kanya, ingat na lang sila,” ang natatawang sinabi pa ni Geoff.

Dagda niya, “Ganoon lang, ganoon lang yun—family, e.”

He doesn’t take it against the guys na nanakit kay Andi.

“No, no, no, definitely, no, no, no!” diin niya.

“Like with my other cousins, kilala ko din naman yung mga naging boyfriend nila and mga ex na ngayon and I still see them once in a while.

“And one of them pa nga nakatrabaho ko pa dati noong nasa MYX ako so… walang problema yun.

“It was never about them. The way I know that person is different from the way they know each other.

“So kanya-kanyang ano talaga, e, kanya-kanyang pagkakakilala sa tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN