Nadine Samonte tells Derek Ramsay: "I don’t wanna play games."

Ano na ba ang estado ng relasyon nina Nadine Samonte at Derek Ramsay? Sabi ng aktres, "As of now, parang… steady lang. Siguro walang nagmamadali sa amin talaga. Hindi siya nagmamadali, hindi ako nagmamadali, so okey lang din."


Walang nangyaring date noong Valentine’s Day sa pagitan ng Kidlat stars na sina Nadine Samonte at Derek Ramsay.

Sa halip, napadpad na lang ang aktres sa isang dating game sa Resorts World kung saan isa siya sa mga pagpipilian ng searcher.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sinabing walang imbitasyon mula kay Derek na lumabas sila noong Valentine’s Day.

Nagparamdam o nag-text ba si Derek sa kanya noong Valentine’s?

“Nagsabi lang siya na ‘Happy Valentine’s,’ yun lang,” mabilis na sagot ni Nadine.

Hindi ba siya na-disappoint o nagtaka kung bakit hindi siya niyayang lumabas ni Derek?

“Hindi naman!” sabay tawa niya

Wala ba siyang inaasahan nung Valentine’s?

“Wala, wala akong inaasahan... meron namang nagpadala sa akin ng flowers pero nalaman ko naman kung sino.”

Umiling si Nadine sa pangungusisa namin kung ang non-showbiz ex-boyfriend niya ang nagpadala ng flowers sa kanya.

“Hindi… non-showbiz!” sagot niya.

KNOWING DEREK. Sinabi namin kay Nadine na nakapagtataka ang pangyayari dahil may bali-balitang lumabas nitong mga nakaraang araw tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Derek, pero hindi pala sila magkasama sa Valentine’s at hindi siya in-invite lumabas ng aktor.

“Ewan ko… dapat siya ang tanungin ninyo!” sabay tawa ni Nadine.

“Ano, I don’t expect anything naman from him. Ayokong magkaroon ng expectations kahit kanino kasi natuto na ako.

“Mag-expect ka, masasaktan ka pag hindi nangyari. So, huwag na lang.

“So, okey lang. Okey lang sa akin.”

Hanggang saan na ba ang pagkakakilala nila sa isa’t isa?

“A, siguro kung... basta sinabi ko lang sa kanya na gusto kong makilala kung sino siya at makita lang kung sino siya.

“Siguro yun siya, yun na siya.”

Ilang percent na ba ng pagkatao ni Derek ang nakilala niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Nadine, “Hindi ko naman masasabi na… kunwari, hanggang one or ten percent, ten yung pinakamalaki.... hindi ko masusukat, e.

"Hindi mo makikilala yung tao kung bihira kayong magkasama.

“E, nawala pa ako sa set [ng Kidlat], nawala yung character ko.

“So, hindi ko siya nakakasama.

“Wala akong taping, e. Tapos, lumipad pa ako… pumunta ako ng Marinduque, gumawa ako ng movie. Nawala yung communication.

“Nagti-text naman siya. Tumatawag siya nung nasa Marinduque ako.

“Pero, parang okey lang. Siguro medyo busy siya at busy rin lang ako.”

Hindi ba nabawasan yung interes niya kay Derek nang hindi siya imbitahan nito noong Valentine’s?

“Uhmm, nagparamdam na siya, e. Nag-‘Happy Valentine’s’ naman siya, e.

“Siguro may date siya… I don’t know. Hindi ko alam.

“Kaya nga sinasabi ko, hindi ako nag-i-expect, e.

“Once na may gustong manligaw, okey lang. Open ako. I’m giving everyone a chance.

“Gusto ko nga, ayokong nagwa-one step foot forward. Gusto kong ipakilala nila sa akin kung sino sila, ipakita nila, di ba?

“Pero kung yung sabihin mo na… I don’t want to expect from everyone rin naman.

“E, kung ganun siya, ganun siya siguro.

“Pero hindi ko alam yung sa side niya.

“Hindi ko alam. Wala akong idea, e. I don’t know...

"Kasi ako yung taong hindi na kailangan para magtanong. Kasi ayokong maging assuming ako.”



WHO IS DEREK? Base sa pagkakakilala niya kay Derek, may chance ba ito kung sakaling i-push ng aktor ang intensiyon nito sa kanya?

Sagot ni Nadine, “Ahmm… siguro naman. May chance naman. Okey lang.

“Pero as of now, parang… steady lang.

“Siguro walang nagmamadali sa amin talaga.

“Hindi siya nagmamadali, hindi ako nagmamadali, so okey lang din.”

Hindi raw sapat ang ilang linggong pakikipagtrabaho ni Nadine kay Derek para makilala niya ito nang lubusan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino si Derek Ramsay base sa pagkakakilala niya rito?

“Totoong tao siya. Kung ano siya, yun ang ipapakita niya sa iyo. Yun siya.

“Which is natutuwa ako kasi, like, kunwari tatawag siya sa akin, ‘Oy, kumusta?’ Yung ganon lang.

“Siguro yun ang napi-feel niya kaya ganun siya.

“Sa akin, it’s okay naman. Hindi ako para mag-demand para sa isang lalaki na, ‘Bakit hindi ka ganyan? Bakit ganun ka?’

“Hindi ako ganun.”

Hindi ba natatakot sa “womanizer” issue kay Derek?

“Kaya nga I wanted to know him more,” sabi ni Nadine.

“Kaya nga once na may intriga kung sakali man, hindi natin masasabi. At least, yung maninira about him, alam ko na.

“Meron na kaming foundation na kaya ko siyang ipagtanggol kahit paano, di ba?

“So, as of now, basta… gusto ko lang makilala kung sino siya. Kung ano yung sinasabi ng tao about him.”

Ano naman ang sinasabi ng mommy niya tungkol kay Derek?

“Wala, ang sabi lang niya sa akin, ‘Kung saan ka masaya, dun ka. At alam kong matanda ka na, alam mo na ‘yan.’”

Sa pagkakaalam namin ay hindi pabor ang ina ni Nadine sa non-showbiz ex-boyfriend niya. Tumawa nang malakas ang aktres bilang pagsang-ayon sa amin.

Aniya, “Actually, yun lang ang hindi siya pabor. Meron siya na pabor na pabor mo rin, kaya lang may issue rin dun.”

Ang tinutukoy ni Nadine ay ang balikbayan actor na si Leandro Muñoz, na nakarelasyon niya noon.



LIPS TO LIPS. Nang matanong si Nadine tungkol sa lips-to-lips nila ni Derek sa appearance show ng Kidlat sa Dinagyang Festival last month, sinabi ng aktres na okey lang sa kanya ang nangyaring eksena.

Paliwanag niya, “Siyempre, hindi sila para magpa-tweetums na magki-kiss sa cheeks.

“Gugustuhin ng mga tao na sa lips yung makikita nilang halikan namin ni Derek.

“So, para matuwa naman sila, alam ko namang mangyayari yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nag-sorry si Derek sa nangyari?

“Hindi. Wala rin naman siya dapat ihingi ng sorry kasi ibinibigay lang namin.

“Parang trabaho na rin namin yun para lalong kiligin yung mga tao.”



MORE CAREFUL. Aminado si Nadine na mas maingat siya ngayon sa pagpasok sa isang relasyon.

“Yes, kasi nga, I’ve been to a seven-year relationship, e.

“So, parang… hindi naman mawawala yung masasaktan ka dahil pumapasok ka sa ganyan.

“Mas careful na lang siguro ngayon. Kasi, family-oriented na yung gusto ko, e.”

Ano ba ang natutunan niya sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon?

“Marami akong natutunan.

“Pero isa na dun yun parang… you have to be... lahat ng bagay, kailangang planuhin mo, isipin mo, hindi lang basta-basta.

“Kaya nga ayoko na ng playing games, ayoko na nung parang wala kang gusto sa buhay mo… ayoko ng ganong klaseng lalaki.”

Naintindihan naman ba ito ni Derek, o sinabi niya ba ito sa aktor?

“Oo, sinabi ko sa kanya na, ’I don’t wanna play games,’ or parang…

“Alam mo yung, naging kayo, tapos mag-aaway kayo, maghihiwalay kayo, tapos hahanap ka naman ng ibang karelasyon… nakakapagod na!”

Ano ang reaksiyon ni Derek dito?

“Well, sabi niya, siya rin daw, ganun din daw siya... Yun ang sabi niya,” sabay ngiti ni Nadine, na tila nagpapahiwatig na hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Derek.

Pero diin ni Nadine na nasa aktor naman daw yun.



DEREK’S PAST. Ayaw mag-comment ni Nadine tungkol sa isyung wala pa talagang planong pakasal noon si Derek at ang dating kasintahan nitong si Angelica Panganiban.

“I don’t know, hindi ko alam yung issues about that, yung past niya about that,” iwas ng Kapatid actress.

Pero umamin naman si Nadine nang tanungin kung nagkukuwento ba si Derek sa kanyang mga nakaraan, lalo na sa lovelife.

“Nagkukuwento naman siya, very open naman siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may in-open up naman siya sa akin, natutuwa naman ako kasi…”

Inamin ba ni Derek ang mga kasalanan niya umano kay Angelica?

“Hindi ko alam kung kasama ba yun… ano ba yung mga naging kasalanan niya?” natatawang reaksiyon ni Nadine.

Patuloy niya, “Hindi, sinasabi lang niya yung mga naging situations nila before.

“Pero hindi ko na tinanong pa or inungkat pa kung ano yung mga detalye.

“Ayoko ng ganon. Kasi past is past na.

“Naniniwala kasi ako na ang lalaki kasi, nagma-mature pa ‘yan, e, hindi pa ‘yan ang utak nila.

“Mas nagma-mature ang babae kaysa sa lalaki. So, siguro… kahit sinong lalaki, puwede namang magbago.”

Sa mga nalaman niya tungkol kay Derek, puwede ba itong maging “good boyfriend-material”?

Nag-isip muna sandali si Nadine bago nagsalita.

Aniya, “Puwede naman, puwede naman. Siguro it’s just yung maturity lang… puwede naman.”

Hindi kaya ma-turn off yung mga gustong maging girlfriend si Nadine dahil nakaprograma na siya sa isang relasyong panghabambuhay na?

Sagot ng aktres dito, “Ahmm… depende kasi yun.

“Actually, may mga nanliligaw na nakikita kong seryoso na.

“Depende, e, makikilala mo naman yun, mararamdaman mo yun.

“Ako, malakas ang pakiramdam ko e.

“So, yun nga, e. Gusto ko matagal kong makilala para masiguro kong totoo talaga at seryoso talaga.

“Kasi yung mga guys, madali naman nilang sabihin na ‘seryoso na ako’—the way they talk, the way their actions… hindi pa.

“Makikita mo yun.”

Ibig sabihin, hindi pa niya nakikita kay Derek na puwede itong magseryoso?

“Hindi naman. Ang ano lang, siguro hindi lang ako nagmamadali. Yun lang yun.

“Gusto ko sure na, e. Ayoko na nung masaktan ako nang sobra.

“Pero hindi natin maiwasan na hindi ka masasaktan dahil sa lahat ng relationship, masasaktan ka.

“Pero siyempre, ayoko nang mag-invest sa maling tao.”

Kilala si Derek sa pagiging generous sa babaeng nagugustuhan o karelasyon nito. Nakaranas na ba siya ng generosity ni Derek?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Nadine, “May ibinigay siya sa akin nung Christmas… hindi na ako magbabanggit ng kung ano.

“Pero it’s a bracelet. It’s a bangle…

“Hindi na ako magbabanggit ng brand, secret. Basta, yun na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN