Jaya compares new breed of singers to veteran performers: "Kami, marunong kaming magbigay-pugay do’n sa mga nauna sa amin. Hindi yung aarte kayo na parang ang tagal-tagal n’yo dito."

Nagbigay ng kanyang reaksiyon si Jaya sa intrigang dapat daw ay magpahinga na ang veteran performers ng Party Pilipinasat ipaubaya na ang palabas sa nakababatang singers. Sabi niya tungkol dito, "As you can see, it’s not all bata kasi we have naman Jay-R, Gian [Magdangal], and Kyla who are not twenty-something anymore. You know, all the singers, pagdating sa Party P, equal lang naman. Kasi it’s a party, so magkakaiba-ib


Matagal nang hindi nakakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer na si Jaya, kaya nang matiyempuhan namin siya sa taping ng Talentadong Pinoy ng TV5 sa Broadway Centrum ay agad namin itong kinumusta.

Ano na ang latest sa kanya?

“I’m still doing Party Pilipinas,” banggit niya sa weekly musical-variety show ng GMA-7.

“But I’m excited to do a lot of things kasi patapos na ang quarter ng taon.

“New things are about to happen—new album and, of course, looking forward to do acting again.

“Nasa network naman kasi ‘yan. They want to try new things sa contract artists nila.

“Probably by April onwards, e, may mag-offer… di natin alam.”

Hindi na bago kay Jaya ang pag-arte dahil lumabas na siya sa ilang teleserye at sitcoms sa GMA-7: Diva, Kaya Ng Powers, Bantatay, Dwarfina, at Biritera.


SENIOR SINGERS. May intrigang lumabas na dapat daw ay magpahinga na ang senior singers sa Party Pilipinas, gaya ni Jaya, at pabayaan na ang show sa mga bagong sibol na singers.

Ano ang masasabi niya dito?

“I’ve heard about it,” pagkumpirma ng tinaguriang Queen of Soul.

“Pero as you can see, Janno [Gibbs], Ogie [Alcasid], Regine [Velasquez], and me… then yung new breed of singers.

“Pero, as you can see, it’s not all bata kasi we have naman Jay-R, Gian [Magdangal], and Kyla who are not twenty-something anymore.

“You know, all the singers, pagdating sa Party P, equal lang naman.

“Kasi it’s a party, so magkakaiba-ibang age yun.

“Ibig sabihin, hindi naman puwedeng hindi kami umarte!” pagbibiro ni Jaya.

Dagdag pa niya, “It’s the decision of the management.

“E, kung gusto nilang new breed of singers, e, galing naman sila sa Pinoy Pop Superstar, sa mga contest na ginawa ng GMA, so we need an avenue for them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinumpara ni Jaya ang mga baguhang singers sa katulad nilang mas nauna sa industriya.

“Iba kasi ang training ng new breed of singers ngayon kaysa sa amin noon… pero marami ring mababait.

“Like sa amin, hindi rason yung traffic para ma-late ka sa rehearsal ng twenty or thirty minutes.

“May namamansin, may hindi. Dadaan-daanan ka lang.

“We notice this sa iba sa mga baguhan. Kasi kami, hindi kami ganoon.

“What I mean is, kami, marunong kaming magbigay-pugay do’n sa mga nauna sa amin.

“Hindi yung aarte kayo na parang ang tagal-tagal n’yo dito.

“Bawal… tinatandaan ‘yan!” natatawang kuwento niya.

Sumasama ba ang loob niya kapag nangyayari ito sa kanya?

“No, I don’t feel bad for myself. I feel bad for them.

“People will remember it, especially the staff, the producers.

“Sasabihin talaga nila, ‘Huwag mong kunin ‘yan kasi may ugali.’

“Sa trabaho kasi natin, it’s not just about the looks or the talents.

“Malaking factor din yung pag-uugali.”

OGIE’S RUMORED TRANSFER. Sa puntong ito, inalam ng PEP kay Jaya kung ano ang reaksiyon niya sa balitang lilipat na sa TV5 ang kaibigang si Ogie Alcasid.

“Well, actually, kung talagang totoo ‘yan, it’s their decision.

“Siguro naman e,napag-usapan na nilang mag-asawa ‘yan,” pagtukoy niya kina Ogie at Regine.

Dagdag ni Jaya, “Hindi ako puwedeng makialam sa personal na buhay nila, especially business decisions.

“Kahit ako, parang sa akin kasi, it would be nice if we would be together.

“At the end of the day, kung saan sila masaya, kung saan maraming offer, maraming project, then siguro nga that’s the best thing na gawin niya.”

Sa tingin ba niya ito ay magandang move?

“Well, it’s taking a risk,” pag-analisa niya.

“Marami namang umalis sa GMA-7 na pumunta sa ABS na naging successful naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the same manner na meron namang taga-Dos na pumunta sa Seven na nag-flourish.

“So, hindi siya problema.

“It’s a matter of right timing, right project, and, ‘Ano ba talaga ang ililipat mo? Bakit ka aalis?’

“Kung sa tingin mo ay masaya ka, then go ahead.

“Pero kung sa tingin mo ay hindi, then stay and remain.”



LUCKY. Sa itinatakbo ng career ni Jaya sa GMA-7, masasabi raw niyang masuwerte siya.

“Yeah, I guess I’m lucky,” sambit niya.

“Look, I don’t have a guaranteed contract.

“For so many years ko sa kanila, they still allow me to do things sa labas ng network, although kailangan kong magpaalam

“Nakaka-guest ako sa 2 or sa TV5 kung kinakailangan.

“But I cannot speak for Ogie, Regine, and Janno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN