John Lapus defends Kris Aquino from critics: "Bilang isang ina, walang puwedeng magkuwestiyon sa kanya because she’s good at it."

Bilang malapit na kaibigan ni Kris Aquino ay ipinagtanggol ito ni John Lapus laban sa kumukuwestiyon sa pagiging mabuting ina nito. Patutsada pa ni John, “Hellooo! Kung sino man sila na nagkukuwestiyon, mag-research na muna sila nang tama, ‘no!”


Bilang malapit na kaibigan ni Kris Aquino, ipinagtanggol ni John “Sweet” Lapus ang Queen of All Media sa pagkuwestiyon sa pagiging isang mabuting ina nito.

Si Kris ay may dalawang anak na lalaki—si Josh na anak niya sa aktor na si Phillip Salvador, at si Bimby na anak niya sa dating asawa na si James Yap.

Sabi ni Sweet, “Ako, alam naman niya [Kris] kung ano ang punto ko diyan.

“Actually, hindi ko siya masisisi kung bakit pumatol siya sa isyung ‘yan, e.

“Ako, bilang friend niya, na-offend din ako, to be honest, sa mga nagsabing ganoon nga siya.

“Pero kaming mga kaibigan niya na nakakakilala nang higit sa kanya, alam kung what kind of a mother she is.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa taping ng Talentadong Pinoy sa Broadway Centrum. Isa sa permanent talent scouts ng nasabing programa ng TV5 ang comedian-TV host.

KRIS AS A MOTHER. Sinabi ni John sa PEP kung anong klaseng ina ang kanyang kaibigan, ayon sa kanyang naging karanasan dito.

Aniya,” Alam ko kung paano niya alagaan ang kanyang mga anak.

“Right now, ang priority niya ay ang kanyang kids. Lahat-lahat ibibigay niya sa mga ito kesehodang wala siyang lovelife.

“Basta anything for Bimby and Josh, hay naku, mamatay man ‘yan sa katatrabaho, gagawin niya ‘yan.

“So, bilang isang ina, walang puwedeng magkuwestiyon sa kanya because she’s good at it.

“Hellooo! Kung sino man sila na nagkukuwestiyon, mag-research na muna sila nang tama, ‘no!” nakataas ang kilay na sabi niya.

Dagdag pa ni Sweet, “Gusto nga lang niya lagi siya sa mga anak niya.

“Kung puwede nga lang, mas gusto niyang lagi nasa bahay at tamad pumunta sa events o parties kung di nga lang kailangan.

“Tsaka kung halimbawa me sakit ang mga anak niya, halos gusto siya na lang ang magkasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, gusto kong makita ng mga nanay na si Kris ay ipinagpapalit ang mga trabaho o social life para kina Josh and Bimby.

“Sino nga ang magsasabing di siya mabuting ina? Hellooo! Gumising ka nga, Maruja!” pagtataray pa niya.

Hindi rin maiwasang bigyan ni Sweet ng payo ang kaibigan.

“Si Kris kasi, hindi naman mahilig ng unsolicited advices, di ba?

“’Yan naman, pag kailangan niya ng makakausap, she will reach out.

“Dyusko, sa daldal pa naman ng friend ko, baka siya pa ang mag-advice sa iyo.

“But then, pag napapag-usapan, she listens naman.

“Sabi nga namin sa kanya, deadma na lang siya.


"Well siguro, she just asserted her rights, kasi siyempre involved ang dyunakis [anak] niya.”



VICE GANDA. Si Vice Ganda ay isa rin sa kilalang close friend ni Kris.

Dahil mas unang naging friend ni Sweet si Kris, hindi ba siya nagkakaroon ng insecurity sa closeness ng dalawa?

“Hay naku, hindi lang naman kami ni Vice ang close na vaklush [gay] kay Kris!” bulalas ng Kahit Konting Pagtingin actor.

“Nandiyan si Boy Abunda, si Rey na handler ni Ogie Alcasid, si JC Bundia… ang dami pa.

“May mga non-showbiz friends na siya… si Pam Pamintuan. Sino pa ba?

“Wala nang inse-insecurity na ‘yan. Tsugihin na!

“What is important, lahat kami ay friends niya.

“O, di ang saya-saya, di ba?” natatawang sabi pa niya.

Sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Vice, hindi ba siya nai-insecure?

Dalawa ang shows ni Vice sa ABS-CBN ngayon, ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice. Box-office hits ang mga pelikula nito at pati sa commercials ay nagkalat din ang mukha nito.

“I’m happy for him.

“Yung tinatamasa niyang tagumpay ngayon e i-enjoy niya and ingatan niya.

“Di ba, yung time na namamayagpag ako, ando’n ka din?” sabi pa niya sa amin.

“So, gano’n lang talaga ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nawalan ako ng show sa GMA [Showbiz Central], kinuha naman ako ng Dos at, heto, regular ako sa Talentadong Pinoy.”

Kanya-kanyang panahon nga lang daw ‘yan, ayon pa kay Sweet.

“Di ba, there was a time na bongga din si Jon Santos? Tapos, nagka-Allan K pa. Meron pa tayong tinawag na Pambansang Bading.

“Pero nandiyan pa din naman kami lahat… may work.

“Si Jon, icon sa sa pagiging impersonator. After Willie Nep [Nepomuceno], siya na talaga.

“Si Alllan naman, sa hosting at comedy.

“Si Vice, siya nga ang sumasalo ng mga biyaya ngayon.

“Ako, heto, di naman nauubusan ng raket. Marami rin din naman ang nagtitiwala sa kakayahan ko.

“Sapat na yun,” pagtatapos ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN