BB Gandanghari on intimate scenes in Halik ng Tarantula: “I don’t mind my mom watching this.”

“Ready na ako. You cannot really please everyone,” says BB Gandanghari on the possibility of getting negative opinions about her intimate scenes with male co-stars in the stage production Halik ng Tarantula—Jet Alcantara (inset, top) and Jovic Susim (inset, bottom).


“I don’t know. I hope. I will be very, very shocked.”

Ito ang nasabi ni BB Gandanghari nang tanungin siya kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling manood ang mga kapatid niyang lalaki ng stage play niyang Halik ng Tarantula.

Ang nasabing produksiyon—na mapapanood sa Marso 7, 8, at 9 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan—ay pangalawang play ni BB Gandanghari simula nang aminin niyang isa siyang homosekswal.

Ang una ay Sayaw ng mga SENIORita noong nakaraang taon. (CLICK HERE to read PEP’s review.)

Sa panayam ng entertainment media kay BB kagabi, February 20, sinabi niya na ang nanay pa lamang niyang si Eva Cariño ang natatanong niya tungkol sa pinagbibidahang stage play.

Noong una raw ay nagdalawang-isip pa si Mommy Eva kung manonood siya ng Halik ng Tarantula.

Natatawang kuwento ni BB, "Actually, noong Sunday, naglolokohan nga kami ng mommy ko. Sabi ko, ‘Ma, manonood ka ba?’

"Sabi niya, ‘Pinag-iisipan ko pa.’

"Sabi ko, ‘Huwag na nga, baka hindi mo kayanin.’

"Sabi niya, ‘Sige, huwag na nga,’

"Ako, ‘Bakit?’

"Sabi niya, ‘Sabi mo baka hindi ko kayanin, e.’"

Kinalaunan ay nakumbinse rin niya ang ina pero may nakakatawa raw itong komento.

“Sabi niya, ‘Sige. Kaya lang baka paglabas ko doon, loka-loka na ako!

“Pagpasok ko normal, loka-loka na ako paglabas!’"

Kasama rin niyang nagkumbinsi sa ina ang kapatid ni BB na si Rommel Padilla.

Ani BB, “Si Rommel naman, sinasabi niya, ‘Ma, bilang ina, kailangan mong pumunta.’”



INTIMATE SCENES. Ang Halik ng Tarantula ay may maseselang eksena sa pagitan ng isang lalaki at isang homosekswal, na parehong pangunahing karakter sa istorya.

Handa na raw si BB sa kung anumang reaksiyon o puna na makukuha ng kanilang grupo tungkol dito.

Pahayag ni BB, “Ready na ako. You cannot really please everyone.

“It’s just that we’re really working hard on this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If only for that, kahit ano na siguro [sabihin nila], basta alam ko, ginawa naming lahat ‘yong makakaya namin.”

Nilinaw rin ni BB na ang mga bahaging ito ay kinakailangan sa buong istorya ng Halik ng Tarantula, na hango sa nobela ng Argentine writer na si Manuel Puig. Ito ay ginawa na ring pelikula noong 1985 (Kiss of the Spider Woman) at naging Broadway musical noong 1993.

Sabi ni BB, “I think, sa itinatakbo ng istorya, lahat ng mga sensitive parts are just [part of the play].

“Kapag pinanood mo sa kabuuan ‘yong play, you wouldn’t even think na may kabastusan kaya I don’t mind my mom watching this."

Dagdag pa niya, “I think nakakatulong din dito sa play is dalawa lang kami throughout the play, walang babaan.

“So, talagang pagtungtong namin, kapag sinabing ‘Start,’ in character na kami, wala nang bitawan ‘yon.

“Maybe nakakatulong ‘yon pagdating doon sa maseselang eksena.

“By the time na dumating kami roon sa maseselang eksena, wala na talaga.”

Sa huli, muling nilinaw ni BB na, “When you watch the play, you can just actually see two people talking inside a cell.

“And it is really a listening pleasure—napakaganda ng dialogue, napakaganda ng mga pinag-uusapan.”

Makakasama ni BB sa Halik ng Tarantula ang hunks na sina Jet Alcantara at Jovic Susim, na mag-a-alternate sa papel na Valentin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN