Carl Guevara enjoys courting Kris Bernal: "Dati, sa totoo… hindi ako nanliligaw, e. Kaya ngayon, natsa-challenge ako."

Ano ang nagustuhan ni Carl Guevara kay Kris Bernal? Sagot ni Carl, “Ini-enjoy ko siyang suyuin. Marami pa akong iniisip na puwede kong gawin para sa kanya.”


Dapat ay sosorpresahin ni Carl Guevara si Kris Bernal sa planado na sanang date nila nitong nakaraang Valentine’s Day.

Pero nagkaroon ng biglaang schedule sa trabaho ang aktres.

Hindi naman ito ipinagtampo ni Carl at naiintindihan daw niyang higit sa lahat ay trabaho pa rin ang priority ni Kris.

“Actually, ipina-block na nga niya yung February 14,” ani Carl nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, February 17.

“Kaso, iyon nga… sinabi niya sa akin na biglang may trabaho. So parang pinush ko na rin siyang gawin niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Dapat lang nga na mas priority pa rin ang trabaho.’

“Puwede pa namang ituloy yung date namin sa ibang araw, e. Kapag may time na siya.

“Kasi, sayang din naman yung plano ko, e.

“Hindi ko na lang sasabihin kung ano yung surprise na plinano ko para kay Kris kasi… hindi na magiging surprise!” natawang sabi ni Carl.



ENJOYING. Eight months na siyang nanunuyo kay Kris. Hindi ba siya napapagod o nanghihinawa na ganoon na katagal siyang nanliligaw?

Sagot ni Carl, “Hindi naman. Sa akin kasi, ini-enjoy ko, e.

“Ini-enjoy ko siyang suyuin. Marami pa akong iniisip na puwede kong gawin para sa kanya.

“Enjoy naman ako.”

Ilang buwan pa niya kayang matiyaga na maghintay?

“Wala naman akong timetable sa panliligaw sa kanya. Siguro, hangga’t kaya ko.”

Even if it takes years?

“Siguro. Kasi enjoy naman ako sa ginagawa ko, e. Masaya naman ako kung ano’ng meron kami ni Kris.”

May ipinararamdam bang guarantee sa kanya si Kris na hindi masasayang ang pagitiyaga niya?

“Nararamdaman ko naman!” sabay tawa ulit ni Carl.



FIRST TIME. Si Kris ba ang pinakamatagal na niligawan niya?

“Oo. Dati, sa totoo… hindi ako nanliligaw, e. Kaya ngayon, natsa-challenge ako.”

Dati ba, siya ang nililigawan ng babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah… hindi! Hindi naman ako ang nililigawan.

“Uhm… parang kapag nagkakilala kami, tapos kalaunan, e, na-feel namin na we like each other, iyon na.

“Basta… hindi talaga ako nakaranas manligaw noon.

“Kaya ngayon, natsa-challenge ako. Kasi mas nai-enjoy ko ngayon.

“Katulad nga ng sinasabi ko… first time kong nanligaw. So nakaka-challenge.

“Alam mo yun? Marami kang gustong isipin. Marami kang gustong gawin para sa kanya. Na makikita mong masaya siya.

"So, enjoy ako.”



SERIOUS. Si Kris talaga ang unang babae na talagang naging seryoso siya?

“Oo. Seryoso talaga!” sagot ni Carl.

May mga naghihinala naman na sila na ni Kris. Baka raw inililihim lang nila na mag-on na nga sila.

“Ah… hindi. Mas naging close lang talaga kami ni Kris sa isa’t isa.

“Kasi kung talagang sinagot na niya ako at kami na, bakit naman namin ililihim pa? Sasabihin namin sa lahat!

“Siyempre, mahirap ding magtago. Mahirap maglihim.

“Lalo kung halimbawa, e, lagi kaming lumalabas at makikita kaming magkasama.

“Di ba? Kung kami na talaga, kailangan ngang aminin.

“Anong rason at itatago pa namin kung talagang kami na?” saad ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN