KC Concepcion asks for "space" from French suitor; says mom Sharon Cuneta has nothing to prove anymore

Bagama’t "husband-material" na para kay KC Concepcion ang French suitor niyang si Pierre Emmanuel Plassart, humingi muna ng "space" ang TV host-actress. Paliwanag niya, "Husband-material na nga yung taong ’yon, kaya lang, hindi pa ako ready, kaya nag-setback muna ako."


Humingi muna ng “space” si KC Concepcion mula sa kanyang manliligaw na si Pierre Emmanuel Plassart, isang French filmmaker, dahil naramdaman daw ng TV host-actress na hindi pa siya handa sa anumang seryosong usapin sa pakikipagrelasyon, lalo na ang pag-aasawa.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ngayong araw, February 21, wala namang masabi si KC kay Pierre kundi isa itong “husband-material.”

Aniya, "Husband-material na nga yung taong ’yon, kaya lang, hindi pa ako ready, kaya nag-setback muna ako.

"Siya yung tipong settling-down type na, alam mo ’yon?

“Wala pa ako sa level na ’yon and I’d been very honest with him about it."

Ngunit nilinaw ni KC na hindi naman niya binasted ang French filmmaker.

Aniya, "Hindi naman basted—ang sakit naman noon kasi nag-uusap pa din kami.

“It’s just that he knows na I need time, he needs time.

“At sabi ko, kilala ko ang sarili ko na kung gusto kong tuldukan ang relationship, totally tuldok na talaga ’yon.

“And I told him we don’t know what is going to happen in the future.

“Sabi ko, ’You are still the guy that I want to end up with.”

Dagdag pa ni KC, "Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko, except sa wala pa ako sa level na ready na akong mag-settle down.

“Kaka-sign ko nga lang ng contract sa ABS-CBN, sandali lang, space lang.

“Anyway, he is busy din with his business.

“We talk pa din o kaya nagte-text pa din kami. I-check kung kamusta na siya at kinakamusta niya ako.

“Siguro napakalalim na din ng friendship namin para sabihing hanggang doon lang."

MORE PROJECTS AS A KAPAMILYA. Ngayong araw, pumirma muli ng kontrata sa ABS-CBN si KC, at masaya raw siya bilang isang Kapamilya.

"I’m really happy na nag-stay ako as Kapamilya. Kasi kung tutuusin ay dito naman ako lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit behind the scenes ako before, siyempre it feels happy na ibinalik ako, na minentain nila ang contract ko and that makes me happy."

Bukod sa teleseryeng kasalukuyang ginagawa niya kasama sina Judy Ann Santos at Sam Milby, ang Against All Odds, may mga hosting job din daw siyang gagawin para sa ABS-CBN.

Matatandaang last year ay siya ang nag-host ng reality show na X Factor Philippines.

Pahayag ni KC, "Siguro doon sa mga nagre-request, nagtu-tweet sa akin about hosting, ito na, marami na tayong hosting projects.

"And, of course, I’m looking forward sa lots more na I can do dito sa showbiz.

“Habang nandito tayo, siyempre, we want to explore at kilala ninyo ako—I want to explore new things.

“So that’s one thing that will keep me here in the Philippines, itong kontrata ko with ABS-CBN."

DEFENDING MOM SHARON CUNETA. Sa kaugnay pa ring ulat, idinepensa muli ni KC ang inang si Sharon Cuneta sa mga Twitter bashers nito.

Sinusuportahan din daw niya ang desisyon ng ina na mag-break muna sa telebisyon dahil wala naman na raw kailangang patunayan ang Megastar sa industriya.

Sabi ni KC, "Paano naman kasi, ‘Megastar’ na siya. Napakadami na niyang years na talagang in-invest dito sa showbiz and she has nothing to prove anymore."

Sa katatapos lang daw na U.S. tour nila, ipinaliwanag niya sa audience ng kanilang naging shows ang “stature” ng ina pagdating sa showbiz.

Saad ni KC, "Sinasabi ko sa audience na, ‘Itong mommy ko po, she is the Megastar and she is the icon that doesn’t need to prove anything in today’s generation.

“’Parang she’s somebody that we should just respect and continue to love because she doesn’t need to prove anything right now. Kumbaga ay buong-buo na ang career niya.’

“So I feel bad for people who put her in the level of today’s generation kasi sobrang layo na talaga ng itinakbo ng career niya—and she is the Megastar."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay sobrang nag-e-enjoy ang kanyang ina sa libreng oras nito kasama ang pamilya.

"It’s about time na nag-take siya ng time for herself.

“Alam ninyo ang mommy ko, workaholic. Nasa dugo namin ang pagiging workaholic.

“I’m just happy that she has learned to take the time to make herself,” sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN