Louise delos Reyes on fans’ support to Alden-Louise tandem despite her relationship with Enzo Pineda: “Alam din naman po siguro ng public na hiwalay dapat yung sa trabaho at sa personal.”

Okay naman daw na hindi nakapag-date ang magkasintahang Louise delos Reyes at Enzo Pineda noong Valentine’s Day. Sabi ni Louise tungkol dito, “Every day is Valentine’s Day naman sa amin, e. Kahit hindi kami nagkikita, kapag may mga trabaho, regular ang communication namin.”


Nag-aral ng mixed martial arts si Louise delos Reyes bilang paghahanda sa bagong indie film na kanyang pagbibidahan.

Wala pa itong final title pero magsisimula na raw ang kanilang shooting very soon.

“Maganda yung story… something new,” aniya, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, February 17.

“Hindi pa ako nagko-comedy, e. So ito, medyo romance-comedy ang tema.

“Nag-prepare talaga ako. Nag-aral ako ng arnis at saka mixed martial arts.

“Yun! Ang daming preparations talaga."

Kuwento pa niya, “Julie ang pangalan ng character ko.

“Isa siyang simpleng babae na may malaking pangarap at nakatira by the beach.

“Gusto niyang maging singer someday. So, nag-iipon siya ng pera, at ang naging sideline niya ay ang pagiging tourist guide.

“Doon na iikot yung story—yung mga ups and downs at saka yung mga kabaliwan ni Julie sa buhay.

“Matapang si Julie, kaya yung kaalaman niya sa arnis, iyon ang patunay na kaya niyang patumbahin ang mga lalaki.

“Kasi medyo bitter siya. From her first love, naging bitter siya.

“So, marami akong fight scenes dito!” tawa ulit niya.

Dagdag ni Louise, “Abangan nila yung isang side ko na… kaya ko rin palang mag-action at mag-comedy at the same time.”



MARTIAL ARTS LESSONS. Dahil sa inaral niyang arnis, magagawa na niyang sindakin ang boyfriend niyang si Enzo Pineda?

Napahalakhak ang Kapuso actress bago nakapagbigay ng reaksiyon.

“Nagta-taekwondo naman siya, e. So parang… even lang.”

Isang foreigner ang magiging leading man ni Louise sa indie film na ito. Nag-meet na raw sila.

Sabi niya, “French siya. Okay naman siya.

“Actually, ano siya, e… hindi siya kagaya ng ibang foreigner na medyo mataas yung tingin sa sarili.

“Down to earth siya… His name is Alexi.

“Yung apelyido, hindi ko mabanggit-banggit kasi ang hirap tandaan at i-pronounce!” tawa na naman ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta… Alexi ang pangalan niya. He’s 27.

“Model siya. And at the same time, ang alam ko, meron na rin siyang ginawang movie sa Singapore.”

Guwapo ang leading man niya na ito, for sure. Hindi ba nagka-crush si Louise sa kanya?

“Hindi kasi ako mahilig sa tisoy!” sabay tawa ulit ng aktres.

“Pero guwapo siya… cute naman siya.

“Nakapag-workshop na kami, at okey naman daw ang rapport naming dalawa.

“Excited na ako na magsimula ang shooting namin.

“Kasi romance-comedy nga ang tema kaya kakaiba. Tapos, balak na ipalabas din daw ito sa ibang bansa.”



VALENTINE’S DATE. Nakatatlong Valentine’s Day nang dumaan na lagi silang parehong may trabaho ni Enzo.

Kaya never pa talaga nilang naranasang magkasama o nag-date sa mismong araw ng Valentine’s.

“Every day is Valentine’s Day naman sa amin, e,” sabay ngiti ni Louise.

“Kahit hindi kami nagkikita, kapag may mga trabaho, regular ang communication namin.

“Tapos, kunyari for a week, e, hindi kami nagkita, pinipilit naming mag-catch up kapag nagkaroon na kami ng time sa isa’t isa.

“We go out, kakain kami sa labas, dinadalaw niya ako sa bahay.

“Okay naman kami… happy naman.

“Ang important naman is laging open yung communication namin.”

NEW SOAP WITH ALDEN. Magsisimula na si Louise ng bago niyang soap sa GMA-7 na pinamagatang Ang Mundo Mo’y Akin.


Katambal uli niya rito si Alden Richards.

Malaki raw ang kaibahan nitong bagong serye sa nauna nilang pinagtambalan na One True Love.

Sabi ni Louise, “Excited ako na mag-start na kami ng taping, kasi iba ang character ko rito… as in kakaiba.

“Kasi dito, mas matatalakay yung magiging buhay ng character ko.

“Basta… merong kakaiba sa character ko.

“Drama ang tema na mas family-oriented kaya ibang-iba talaga.”

May mga pagkakataon na nagkakapareha sina Louise at Alden sa mga production numbers kaya tila may nabubuo silang tandem na sinusundan na ng mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Alden ay nali-link lately kay Julie Anne San Jose at karelasyon naman ni Louise si Enzo Pineda.

Ano ang masasabi ni Louise dito?

“Sa akin naman po, okay lang. Magkakaibigan naman po kaming lahat. So… okey lang po.

“And ako naman, meron din naman akong ibang projects na hindi siya ang kasama ko," saad ng young actress.

Maganda naman ang pagtanggap ng publiko sa unang tambalan nila ni Alden sa One True Love kahit may Enzo si Louise sa totoong buhay.

Sabi pa ni Louise, “Alam din naman po siguro ng public na hiwalay dapat yung sa trabaho at sa personal.

“Kaya yun… sinuportahan nila ang team-up namin ni Alden.

“And ako naman, kahit sinong ipareha sa akin ng GMA, okey lang naman.

“Management naman po ang nagdedesisyon pagdating sa mga ganyang bagay.

“So, open po ako sa kahit sinong ipareha sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN