Annabelle Rama on criticisms about son Richard Gutierrez’s acting: "Okay lang ‘yan, para sa susunod gagalingan na niya.”

Hindi gaanong visible ngayon ang talent manager na si Annabelle Rama sa showbiz functions. Abala kasi ito ngayon sa kanyang pangangampanya sa Cebu kung saan tumatakbo siya bilang kongresista. Nang kumustahin nga tungkol sa kasintahan ng anak niyang si Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati, ito ang sagot ni Annabelle: “Nasa Cebu na ako nakatira ngayon, hindi ko na alam lahat ng news.”


Kahit busy sa pag-iikot sa North District ng Cebu—kung saan siya tumatakbo bilang kongresista—dumalo pa rin si Annabelle Rama sa 50th birthday celebration ni Senator Jinggoy Estrada last Saturday, February 16, sa The Tent, Manila Hotel.

Paalis na si Annabelle sa venue nang mamataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal ngunit nagpaunlak pa rin siya ng maikling panayam.

“Ito busy sa Cebu, siyempre nag-iikot,” sagot ng talent manager nang kumustahin namin siya.

Totoo bang malakas daw ang tsansa niya na makuha ang posisyon dahil sa kanyang campaign slogan na “Annabelle Para sa Mahirap”?

“Number one. Lahat ng masa dun mahal ako,” kumpiyansang sagot niya.

Kapag manalo siya, ibig bang sabihin ay sa Cebu na siya permanenteng manirahan?

Tugon ni Annabelle, “Three days sa Manila, four days sa Cebu.”


ON RICHARD’S ACTING IN SEDUCTION. Three weeks ago, ipinalabas sa mga sinehan ang pelikula ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez, ang Seduction.

Kaso, may mga komento diumano sa mga nakapanood ng pelikula na hindi raw masyadong maganda ang acting ni Richard sa movie.

Ano ang masasabi ni Annabelle tungkol sa mga komentong ito sa acting ng kanyang anak?

Nakangiting sagot nito sa PEP, “Okay lang ’yan. Okay lang.

“[Kung] anong comment ng lahat, di mo lahat masasabi na lahat kakampi ni Richard.”

Bilang ina, nasasaktan ba siya sa mga negatibong feedback gaya nito?

Mahinahong sabi ni Annabelle, “Hindi. Hindi… hindi ako nasaktan. Okay lang ‘yan, para sa susunod gagalingan na niya.”



SARAH LAHBATI. Kasama sa cast ng Seduction ang girlfriend ni Richard si Sarah Lahbati. Kumusta na si Sarah pagkatapos nitong lumipad patungong Switzerland?

Sagot ni Annabelle, “Nasa Cebu na ako nakatira ngayon, hindi ko na alam lahat ng news.”

Patuloy pa ring pinabulaanan nito ang balitang kasal na si Richard kay Sarah at buntis na raw ang Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tanggap daw ni Annabelle si Sarah kung sakaling darating ang panahong maging asawa na ito ng anak.

Sagot niya, “Oo naman, mabait naman yung bata, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN