Camille Prats on rumored athlete suitor: “Hindi ko naman siya kina-career. Karerin niya ako, hindi ako ka-career sa kanya.”

Camille on the possibility of starting all over again: “Hindi ko masasabi yan kasi wala pa ako dun. Pero kung karapat-dapat ko namang i-give up lahat ito to start a new life, a family? I would willingly do so.”


Babalik muli sa Pilipinas ngayong March ang nababalitang manliligaw ni Camille Prats, ang isa sa mga members ng Philippine Volcanoes.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi naman itinanggi ni Camille ang pagkakaroon nila ng patuloy na komunikasyon sa pamamagitan ng Twitter.

Nilinaw ni Camille sa amin na hindi niya sinasabing hindi siya interesado sa nasabing non-showbiz guy, pero hindi niya masyadong ini-entertain sa kanyang kaisipan ang posibilidad ng pagkakaroon nila ng relasyon nito.

“It’s not that I’m not interested,” bungad na paglilinaw ni Camille. “Unfair naman to say that, hindi ko pa naman siya gaanong kakilala.

“Pero kasi parang... unang-una, geographically it’s impossible, he does not live here.

“He lives in New York, he studies in Australia. Tapos, paalis-alis siya rito. So, dun pa lang medyo alanganin na.

“Pero I’m not saying naman na there’s no chance at all. Mahirap magsalita nang patapos.

“And I think he’s a few years younger than me. And if I’m not mistaken, he’s four or five years younger than me.

“And siyempre, iba rin yung kinalakihan niya, iba rin yung kinalakihan ko. Kumbaga, it’s not that easy to look for a common interest.”

Maayos naman daw ang unang date nila nito.

“It was okay,” pagpapatunay pa ni Camille. “We had dinner, nagkuwentuhan lang kami.

“Siyempre, nagkakahiyaan pa. Hindi pa kami masyadong nagkakatsikahan talaga nang bonggang-bongga. Parang getting to know pa lang.”

May nakita ka na ba sa kanya na anumang bagay para masabing hindi kayo puwedeng mag-click?

“Hindi naman. Yun nga lang i-e-effort ka nang very light... parang iintindihin mo. Pero hindi siya darating na ganung kadali.

“It’s something I think we’re gonna need to work a lot on. Kasi nga dahil nga sa ganung pagkakaiba, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-TERM RELATIONSHIP. Mahirap bang humanap ng bagong karelasyon o susunod na mamahalin lalo na sa pinanggalingan mong isang napakagandang marriage?

“Mahirap because I know how it was to be in a marriage, na dati kasi kung single ka, wala kang idea kung ano ang marriage.

“At kung alam mo kung ano yun, I don’t think anyone would want me to be living a married life.

“It’s not easy. You have to continually work hard at it. It’s a constant effort na tatrabahuhin mo talaga, a lot of work.

“Yung iba kasi, akala nila it’s all bliss and happy endings, but it’s not.

“Trabaho talaga. Kailangan mo siyang pagtuunan ng pansin, pag-ukulan ng pansin, maraming adjustments... hindi siya madali.

“So, for me to start dating again? You really have to see na worth it uli yung pagdadaanan ko uli.

“I came from a marriage... unang-una yung dating pa lang mahirap na... sa panahon, sa oras... kung worth my time ba?

“Pangalawa, may anak ako. Parang siyempre, I would want my son to be comfortable also.

“Pangatlo, kailangan yung tao, kung sino man siya, kailangang makumbinse niya ako na parang it’s worth... you know, giving it another try.

“Or that marriage is still possible for me. Kasi gusto ko siyempre, pag nagkataon, I would want... if I’m gonna start dating again, I would want it to be long-term.

“Kung mga shorter term lang na pa-cute-cute lang, e, hindi ko na papatulan yung mga ganun.

“Kasi mas marami akong dapat pag-ukulan ng pansin. So, for me I’m the long-term type of a person kasi.”

ENDEARING QUALITIES. Hindi ka kaya mahirapang makahanap ng ganitong lalake na babagsak sa standard mo o sa terms and conditions mo?

“Ipagdarasal ko na lang siya. Dahil kung meron naman talaga na para sa akin, meron talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero para sa akin, kung mapapansin mo, never akong nagkaroon ng boyfriend from showbiz kasi I know how crazy the industry is.

“So, usually kasi I get attracted to people who are not from showbiz.

“I enjoy the idea of its being an entirely really different world from mine. Saka mas realidad, mas praktikal.

“Yun yung... doon ako intresado.”

Baka matatagalan pa bago ka magkaroon ng boyfriend?

“Siguro... hindi ko alam, e. Hindi ko naman siya kina-career. Karerin niya ako, hindi ako ka-career sa kanya.”

Bukas ka naman ba sa posibilidad na pagbigyang muli yung member ng Philippine Volcanoes?

“Oo naman, we’re good friends. Walang dahilan para hindi ko bigyan ulit ng chance.”

In case na ma-in love ka sa athlete? Willing ka bang mag-adjust sa buhay niya, gaya nang pagsunod sa kung saang bansa ito naninirahan?

“Hindi ko masasabi yan kasi wala pa ako dun. Pero kung karapat-dapat ko namang i-give up lahat ito to start a new life, a family? I would willingly do so.

“Kung nandun naman ang puso ko at nandun ang kasiyahan ko, why not? Yeah, I’m open to doing that.”

LOVE ADVICE TO KUYA. Paano mo naman binibigyan ng advice ang kuya mong si John Prats pagdating sa pagha-handle ng relasyon?

“Ahmm, si Kuya naman, matanda na yun. Alam naman niya siguro how to take care of a woman.

“Actually, he’s very good in taking care of a woman. Ang ipinagdadasal ko na lang sa kanya, sana mahanap na niya yung para sa kanya…Yung pang-long term na.

“Kasi he’s not getting any younger and ang feeling ko yun na rin naman ang dasal niya.”

Kung magaling mag-alaga ng babae o karelasyon si John, bakit ang naging impression sa kanya ay siya ang nang-i-iwan sa ere?

“Ayokong magsalita, e. Kasi iba naman yung obserbasyon ko, iba rin naman yung nakita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always two sides to a story, pero what I can actually say with my brother... iba siyang magmahal, iba siyang magmahal.

“Pag nagmahal siya, buhos talaga. Todo talaga!

“Pero pag dumating naman siya sa puntong napuno na siya, kahit anong pilit mo sa kanya, ayaw na niya.

“Kasi ibinibigay talaga niya yung best niya.”

Parang lumalabas na madaling mawala yung love ni John sa girlfriend niya?

Kontra ni Camille, “Hindi, matagal! Matagal.

“Kung nag-give up na siya sa iyo, ibig sabihin, sagad na sagad na siya sa ’yo.

“Sobrang bait ng kapatid ko to the point na minsan gusto ko nang magalit para sa kanya... gusto ko nang mag-react para sa kanya.”

Nakita mo na bang umiyak si John pagdating sa lovelife?

“Oo naman, oo naman. I mean, lahat naman yan hindi naging madali para sa kanya specially the break-up.

“I always had to be there for him.”

Nakarelasyon ni John sina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Rachelle Ann Go at Bianca Gonzales.

Lahat ba ng mga naka-relasyon ni John iniyakan niya? Tanong naming muli kay Camille.

“Ay, hindi naman... hindi ko nakikita lahat siyempre. I don’t see that. He’s the type na he would show emotions like that, e.”

ISABEL. Pabor ka ba kay Isabel Oli para kay John?

“They seem to be a very happy couple. Masaya sila sa isa’t-isa, mukhang ini-enjoy nila ang isa’t-isa, yung company ng isa’t-isa. Si John kasi makulit, e. Hyper! Palabiro.

“Si Liv... si Isabel, sasabayan niya yung kulit ni Kuya, e, kaya sobrang jive sila.”

Nagkausap na ba sila nang heart to heart ni Isabel?

“Hindi pa naman. Pero siyempre, ayoko namang makialam.

“Pero lagi kaming nagkikita. We’re okay. I really like her. I like her a lot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN