Karylle clarifies alleged snubbing incident with Dingdong Dantes

Karylle on the alleged snubbing incident: “Siyempre, medyo mahirap makipag-usap o makipagkuwentuhan sa ganung lugar but pag iba namang event or medyo private event, okay na yun.”


Agad na ipinaliwanag ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Cinema News ang balitang hindi raw sila nagpansinan ng ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes nang magtagpo ang landas nila sa opening ng bagong branch ng Belo Medical Clinic sa The Fort last February 12.

Sa panayam kay Karylle sa nakaraang Velvet The Oscars Party 2013 noong nakaraang Miyerkules, ikinuwento ni Karylle na nagbatian sila ng ex, taliwas sa sinasabi ng iba na may isnabang naganap sa kanila.

“I had the feeling that he will be there and I saw him inside, sinilip ko siya coz I think he’s migrating in one of the rooms. When I saw him, nag-hi lang kami but from afar,” kuwento niya.

“Siyempre, medyo mahirap makipag-usap o makipagkuwentuhan sa ganung lugar but pag iba namang event or medyo private event, okay na yun.”

Ayon kay Karylle ay maraming pagkakataon na rin naman silang nagkita sa ibang event ni Dingdong at sa mga pagkakataong ito ay nagbatian din naman sila.

“Maraming beses na rin naman kaming nagkita... it’s a small world,” dagdag niya.

“Sa Bench [fashion show] nagkita rin kami, palaging from afar. I guess for now that’s more than enough, as long as he knows it’s a genuine smile.”

NO NEGATIVE VIBES. Siniguro rin ng TV host/actress na wala na siyang nararamdamang anumang negative feelings para sa ex lalo’t nakapag-usap na naman sila nang maayos after their break-up.

“Okay na naman ang lahat, e. Nakapag-usap na rin kami, siyempre di niyo na rin alam yun pero di naman kailangan na may camera dun.

“Matagal na matagal na yun. If I’m happy for him?... Oo naman!”

Tinanong namin si Karylle kung open ba siyang makasama muli sa trabaho si Dingdong kung saka-sakaling may mag-alok sa kanya.

“I don’t think there’s an offer... mahirap namang mag ’what if?’... di naman ako producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think more than anything, kung anuman ang kuwento... ganyan.

“Dun na lang natin malalaman talaga, kailangang pang-Oscars. Wala pang Best Foreign Film na nanggaling sa Pilipinas, kung kasing-worthy nun, e di why not?

HAPPY FOR MOM ZSA-ZSA. Kinumusta rin namin kay Karylle ang inang si Zsa-Zsa Padilla na kagagaling lang sa Siargao Island.

Doon kasi siya nagselebra ng Valentine’s Day kasama ang matalik na kaibigang Kris Aquino na doon din nagselebra ng kaniyang kaarawan.

“Actually pareho kami, ako after she got back, ako allergies lang. Parang nilagnat lang siya nung Monday pag-uwi niya pero nawala naman,” kuwento ng dalaga.

“Masaya, ang dami niyang pictures, Siargao Island... yun nga lang umulan. Nahihirapan ako kung saan kami magbabakasyon ng Holy Week kasi siyempre nanggaling siya sa paraiso, mahirap pantayan.”

Bilang isang anak ay masaya si Karylle na nakikita niyang nakakatulong talaga ng malaki sa ina ang pagiging bahagi nito ng ABS-CBN teleseryeng Juan dela Cruz kung saan gumaganap ito bilang isang aswang.

“I visited her on the set ng Juan dela Cruz, nakita ko naman na napapagod siya kasi nagtatrabaho siya.

“Pero maganda na yung pagod ka kaysa malungkot sa bahay.

“Pag napa-pack up yung taping niya at wala siyang magawa, for example, dun siya nalulungkot.

“Okay na okay ako na her show is doing well... Queen of Aswang, kahit nahihirapan siya sa prosthetics niya, worth it talaga,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN