Benjamin Alves on Max Collins: “We’re only friends, we’ve ended as friends—hanggang doon na lang po talaga pupunta.”

Benjamin on allegations of favoritism among GMA-7’s roster of newbie actors: “I don’t know if it’s true or not... everyone has a season. Ito po siguro yung season na nabi-bless ako ni God.”


Si Benjamin Alves ay gaganap bilang isang abogado sa bagong GMA-7 afternoon dramaserye na Unforgettable.

Ito ang ikalawang teleserye ni Benjamin simula nang maging isa siyang Kapuso. Ang kanyang naunang serye ay ang Coffee Prince.

Ayon kay Benjamin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Unforgettable sa 17th Floor ng GMA-7, ang una nga niyang sinabi ay magkaibang-magkaiba raw ang karakter niya noon bilang si Errol at ngayon bilang isang abogado naman.

“Magkaibang-magkaiba po talaga. Tatay ko po rito si Phillip Salvador, successful po ang pamilya namin at different from Errol.

“Papunta na pong mayabang, kung ano si Tito Ipe rito, ganoon din po ako. Yun po ang sinisikap ko talaga, kung ano ang Tatay ko.

“Very proud sa Tatay ko at sa buong pamilya ko,” masaya niyang bungad.

UNEXPECTED TWISTS. Ironically, ang karakter ni Benjamin ang magpo-prosecute sa karakter naman daw ni Kylie Padilla. Pero obviously, mukhang magkakagusto siya rito.

Bilang ghost si Mark Herras sa Unforgettable, hinuhulaan na ng halos lahat na siya ang makakatuluyan ni Kylie rito.

Pero sabi naman ni Benjamin, “Sana po ganoon ka-simple, pero, papasok din ang karakter ni Polo Ravales.

“Siya po ang abogado ni Kylie. At sa narinig ko po, mai-in-love rin siya kay Kylie. E, ako nga po ang magpapakulong sa kanya.

“Kaya parang mahirap po ang pagdadaanan namin.”

Para kay Benjamin, sandali lang naman daw ang panahon na pinaghintay niya sa panibagong serye pagkatapos ng Coffee Prince.

Aniya, “Very short, two months? Coffee Prince ended ng November. Wala naman pong bagong show ng December. But before Coffee Prince ended, nasabi na naman po sa akin na may follow-up na po.

“Hinihintay lang po kung saan ako ilalagay.

“Nagbakasyon naman po ako during Christmas. I was blessed, I took a vacation in Las Vegas, Los Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nang makauwi po ako, mid of January, nasabi na po sa akin. When I got out of the plane, nasabi na po sa akin na kasama ’ko rito, nag-i-storycon [story conference] na raw at inaayos lang daw po ang istorya.”

WORKING WITH KYLIE. Bilang leading man ni Kylie ngayon, ano naman ang masasabi niya?

“Wow, great!” nakangiti niyang sabi.

“I’ve worked with Kylie before. When I was launched, my very first appearance in GMA was Party Pilipinas. I was paired up with her. It’s great. It was like a homecoming.

“That was almost a year ago and I’m excited. I’ve seen Good Daughter and I really see Kylie as a good actress. I’m excited to learn things from her.

“Marami po akong matututunan bilang pangalawa na po ito ni Kylie na afternoon soap.

“At kapag afternoon po, mabigat pong talaga,” pag-amin niya.

Dugtong pa niya, “Ang afternoon prime, mabibigat ang istorya, ang acting so, I’m really excited.

“Tapos dito, drama talaga. Marami akong matutuklasan na ang akala ko, pamilya ko perpekto at yung tingin ko sa tatay ko, ang taas... pero, marami akong matutuklasan.”

Sa ngayon, wala pa raw siyang alam na kissing scene sa pagitan nila ni Kylie.

Kaya ang tanong nga namin sa kanya ay kung hindi ba siya maiilang lalo na ngayon na open na sa relasyon nila sina Kylie at Aljur Abrenica?

“I don’t know, I’ve read the script at yung mga script na naibigay po sa amin, wala naman po. At saka, kapatid ko naman po si Aljur. This is work. Trabaho po ‘to, e,” paliwanag niya.

“And I’m confident, Aljur knows that. Wala pong malice. If it comes [kissing scene], it comes. I think, all of us would understand that. It’s not just only for me but for everybody.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAVORITISM ISSUE. Bilang isa sa mga baguhang artista sa kampo ng GMA-7, itinanong namin kay Benjamin kung aware siya sa mga balitang mas nabibigyan daw ng projects ang mga bago kaysa sa mga matagal na sa network.

Sabi naman ni Benjamin, “I think po, I’m just blessed na sa pagpasok ko, may pinaplano na pong Coffee Prince, nakakasabay po ako sa season siguro na may project, na tuloy-tuloy.

“Ano naman po yun, may season talaga as an actor na maraming projects. May season naman po na bakante.

“It’s really kung ano po ang gagawin niyo sa time na yun. I’m just blessed din po na may trabaho.

“Kung walang trabaho, reinvention—taking care of myself, running, workshop.

“I’m always excited to learn new things. Ang dami pa pong puwedeng gawin dito sa industriya.

“It’s always part of me. So, I don’t know if it’s true or not, everyone has a season. Ito po siguro yung season na nabi-bless ako ni God.”

STILL FRIENDS WITH MAX. Noong ginagawa pa niya ang Coffee Prince, nagpahayag siya ng paghanga o pagka-crush kay Max Collins. Madalas din silang nagkakasama noon.

Pero nang magtapos ang Coffee Prince, tila nagtapos na rin yata ang anumang closeness o friendship na namagitan sa kanilang dalawa.

Ano nga ba ang nangyari?

“We’re only friends, we’ve ended as friends. Yun na po ang ending ng ano namin—hanggang doon na lang po talaga pupunta.”

Pero bakit, anong nangyari?

“I think it’s a mutual decision. For me, gusto ko po kasi, ang ipu-pursue kong babae, magiging girlfriend ko, magiging asawa ko po.”

Diretsahan tuloy namin siyang tinanong kung ang ibig niyang sabihin, hindi niya nakikitang wife material si Max?

“Hindi ko naman po sinasabing hindi siya wife material. Kailangan lang po kapag ganoon, pinaghahandaan. E, bilang nag-i-start pa lang po ako... It’s a decision on my part na ayoko pong mag-date sa babae para lang may masabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron naman pong lalaki para kay Max who will be ready for everything that Max’s deserves. I just think, hindi pa lang po talaga panahon.”

Dugtong din niya, “And I think, sa Coffee Prince naman po, lahat naman po kami close.

“Lahat po kami, bilang sa Tagaytay po kasi ang taping, ang daming puwedeng kainan. Lumalabas po kaming lahat... sila Aljur, si Kris [Bernal].

“Si Max naman po, she’s my first leading lady, my first partner in GMA. That’s pretty special.

“And now, Max looks great in Pahiram ng Sandali. Everyone na nakakausap ko sa GMA are really saying pang-primetime siyang leading lady.”

GENDER ISSUE. Sinabi namin kay Benjamin na hindi kaya matulad siya sa tiyuhin niyang si Piolo Pascual na madalas din, naiintriga sa gender issue. Isang sinasabing dahilan nga ay ang kawalan nito ng lovelife.

Aware naman daw dito si Benjamin pero sabi nga niya, “Well, I guess, almost all the guys in our church, they will have an impression like that. Kasi po, yun po talaga ang belief na yung girl na ipu-pursue namin, sana, siya na yung magiging wife.

“I mean, like ako po ngayon, if ever na magge-girlfriend ako, gusto ko po siya na.”

Dugtong pa niya, “At sinabi ko nga po kanina kung paano magiging unforgettable ang relationship, you must start as friends and you remain friends kapag kayo na. Nandoon pa rin ang friendship.

“Kasi, gusto ko after twenty years, thirty years... kapag tinanong ko po ang asawa ko kung ako po ang bestfriend niya, yun po ang masasabi niya na ikaw nga. Ayoko pong mawala yung ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN