Elmo Magalona on JuliElmo fans bashing Alden Richards: “Dapat hinay-hinay lang sa pagba-bash.”

Elmo on his ideal girl: “Very outgoing na adventurous. Hindi yung laging kung saan lang kumportable. Kasi very adventurous din ako, e. Marami akong gustong i-try. Like, pagkain or panoorin na movie or activities. Basta, nakaka-vibes ko, nakakasundo ko.”


Napapangiti na lang si Elmo Magalona sa walang kamatayang speculations tungkol sa kanila ng dating Kapamilya talent na si Lauren Young.

Paglilinaw ni Elmo sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kamakailan lang sa GMA-7 studio, hindi raw niya naka-date si Lauren nitong nakaraang Valentines Day.

Kasama raw ni Elmo ang kanyang family kung saan nag-dinner lang sila at naglaro ng computer games sa bahay.

Para malinawan talaga kung ano ang tunay na estado nila ni Lauren, itinanong namin si Elmo kung anong meron sila ng young actress.

Sumagot naman ito agad, “Kami, kaya kami madalas na nakikita kasi very close yung circle namin na madalas na nagkikita—tulad ng mga kaibigan niya, yung mga kaibigan rin ng ate.

“Dahil very close ako sa family ko, may mga times na magkakasama sila, nakikita ko nga siya [Lauren] at saka yung sister niya [Maegan Young].”

Ibig sabihin, walang romantic something sa inyong dalawa ni Lauren?

“Wala talaga,” diin niya.

“Very good friend. Friends lang kami. Hindi ako nanliligaw.”

Ano ba ang tipo niyang babaeng magugustuhan niya?

“Very outgoing na adventurous. Hindi yung laging kung saan lang kumportable. Kasi very adventurous din ako, e. Marami akong gustong i-try. Like, pagkain or panoorin na movie or activities.

“Basta, nakaka-vibes ko, nakakasundo ko,” pag-amin niya.

JUST FRIENDS WITH JULIE ANN. Hindi ba adventurous si Julie Ann? Si Julie Ann San Jose ay ang ka-love team ni Elmo sa Kapuso network.

“Si Julie Ann adventurous naman din. Pero may mga times din na very strict siya sa diet niya,” banggit ni Elmo.

Kapansin-pansin ang malaking pagkakapareha ni Elmo sa yumao niyang ama, ang Master Rapper na si Francis Magalona. Sa dami ng mga magagandang aktres noong bagets days nito, ang isang non-showbiz girl na si Pia Arroyo ang inibig nito.

Magkapareho ba sila ng Daddy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko sure. Siguro hindi ko lang binibigyan ng malisya or hindi ko tini-take advantage yung chance.

“Like, kapag napapareha ako sa mga magagandang babae na napaka-talented. Tinitingnan ko lang siya as professional at hindi ko puwedeng lagyan ng personal.

“Parang ano lang, feeling ko nagkakaroon ng tensyon at awkward. Saka hindi rin kami mawala as good friends,” paliwanag niya.

Kaya ba hindi ka nagkaroon ng interes na ligawan si Julie Ann?

“Siguro, naging isa na ring factor yun na kahit sobrang na-admire ko siya at kahit sobrang inspired ako sa mga ginagawa niya... kahit ganun nga yun, ayokong... gusto ko siyang tingnan as professional lang talaga,” giit niya.

“Nung Sunday nga, ipinakita sa Party Pilipinas na two years yung... since nung first time na nagkaroon kami ng live musical production number. Ganun na rin kami katagal mag-friends.

“Parang gusto naming ipakita na friends kami at hindi namin nilalagyan nang personal, kahit off cam.”

Nagseselos ka ba kapag may mga ibang ipina-partner ang Party Pilipinas kay Julie Ann sa mga musical numbers sa show?

“Siguro hindi naman siya totally selos... parang hindi ko lang yun nakasanayan na makita siyang may ibang ka-partner sa mga musical numbers.

“Kasi usually... kasi pag Party Pilipinas, kami yung laging magka-partner sa mga production numbers namin. Yun ang nakasanayan namin.

“Pag hindi yun ang lumabas sa production number namin, parang hindi siya nakasanayan namin. Okey pa rin naman siya, nagiging maganda naman yung outcome.”

Nung ipinareha ba sa mga production numbers sina Julie Ann at Alden Richards, nakaramdam ka ba ng kakaibang feeling na mawawala na ang ka-love team mo?

“Ano lang... hindi naman siguro. Kasi parang na-bypass na namin ni Julie yung...

“Kasi lagi nga kaming pinagsasama sa production numbers, so, nilalagyan nila ng versatility na parang kahit kanino kami i-partner na iba, puwede kami at para rin hindi magsawa yung ibang tao sa kapapanood sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAN BASHING. Naging paboritong banatan ng mga Julie Ann-Elmo fans si Alden sa Twitter dahil nga sa pagpa-partner kina Julie at Alden sa mga production numbers sa Party Pilipinas.

Alam mo bang bina-bash ng mga fans ninyo ni Julie Ann si Alden?

“Oo, naibalita nga niya yun sa akin, e,” pagkumpirma ni Elmo.

“Yun nga, nagagalit nga raw yung iba. Ang sabi ko lang sa kanya, dapat mag-focus siya sa mga sumusuporta sa kanya…

“Parang outsiders lang naman yung mga yun. Okey lang naman makinig sa mga sinasabi ng iba pero mas dapat kang maniwala sa kung ano ang perspective mo.

“Kasi siyempre, yun ang nasa isip mo at gusto mong gawin.”

Pinagsabihan mo ba ang mga fans mo?

“Yun, ang sa akin para hindi rin magalit or huwag lagyan nang boundaries nga. Kasi nga lahat kami dito sa GMA gumagawa ng mabuti para sa career namin.

“Hindi ko pa nasasabihan directly yung mga fans ko about that matter. Pero kung magkakaroon ng chance sasabihin ko rin in a nice way na dapat hinay-hinay lang sa pagba-bash.

“Yun nga, e... ayaw nga nating magmukha siyang bina-bash ng mga tao. Siguro pagsabihan nang konti, in a way na tinitira lang nang tinitira na siya na lang yung pinupuntirya lagi.”

Paano kaya kung ikaw naman ang i-partner sa ibang young actress? Iba-bash ka rin ba nang mga fans ni Julie Ann?

“Ahm, yun nga ang mahirap, e. Dapat siguro balanse at respect rin sa mga artist nga because hindi naman lahat ng on-cam ay nangyayari sa totohanan.

“Respect na lang kung hindi yun ang laging nakukuha at laging naibibigbay sa kanila.”

NO NEW PROJECTS YET. Wala pang bagong project ngayon si Elmo sa GMA-7.

Pagbabalita niya sa iba niyang pinagkaka-abalahan, “Personally, nagsusulat ako ng mga songs, pero hindi pa siya finished.”

Kung noon ay halos sunud-sunod ang mga projects nila ni Julie Ann, ngayon ay matagal-tagal na ring nabakante si Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay mo kaya naapektuhan ang career mo nung hindi kumita sa box-office ang launching movie ng love team nila ni Julie Ann na Just One Summer?

Sumang-ayon naman dito si Elmo, “That’s also true. And feeling ko lang medyo na-ano siya... masyadong mabilis. Kailangan pa namin sigurong makilala ng tao.

“Magagawa rin naman yan in time. Pero as of now, we just have to keep doing projects and masabi rin namin na maabot din namin ang gusto naming pangarap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN