Chef Boy Logro on unfavorable comments about his recipes: “Lahat naman, you cannot please everybody.”

Hindi pinepersonal ni Chef Boy Logro ang komento ng ilan sa pagkain sa kanyang restaurant noon. Aniya, hindi naman talaga mape-“please” lahat, at “karapatan” ng bawat isa na magbigay ng komento.


Hindi naman daw pinepersonal ni Chef Pablo “Boy” Logro ang naging komento ng Pinoy Masterchef 2013 grand winner na si RJ Royol sa kanyang restaurant noon.

Mayroon kasing nabanggit si RJ noon sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi siya masyadong nasiyahan sa pagkain sa restaurant noon ni Chef Boy.

“Lahat naman, you cannot please everybody,” wika ng cooking show host at chef nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 21, sa Steak Plus restaurant sa Quezon City.

“Pero dapat ready ka doon kung ano yung mga comments.

“Gusto ko naman bantayan lahat, kaya lang hindi naman all the time nando’n ako.

“Ngayon sinarado ko na yuong restaurant ko, transfer na ako sa Dasmariñas… karapatan nila ‘yon.”



FIRST MOVIE. Samantala, masaya naman si Chef Boy dahil ipapalabas na ang pinakaunang pelikula, ang The Fighting Chefs, na ipapalabas sa Marso 6.

Kabilang sa mga makakasama niya rito ay sina Ronnie Ricketts, Arci Muñoz, Vandolph Quizon, Jeffrey Santos, at Joross Gamboa.

“Hindi ko akalain na darating sa buhay ko ‘to, parang panaginip!” tuwang-tuwang sabi ni Chef Boy.

“Parang instant nga po... siguro gina-guide ako ng Panginoon na magagampanan ko ang lahat, although hindi ko talaga forte na mag-artista.

“So, since magaling si Chairman [Optical Media Board chairman Ronnie Ricketts], binigay ang tiwala, so ginagampanan ko yung dapat kong gagawin.”

Halos lead role na rin ang karakter ni Chef Boy sa pelikula. Magka-“back to back” daw kasi ang karakter nila ni Ronnie.

“Parang kami yung dalawang bida na kapag may mga fights nando’n ako, ‘pag may problema nando’n ako, kapag nagluluto kami nando’n din ako,” dagdag pa niya.



HIS COOKING SHOWS. Bukod sa pelikulang ito, abala rin si Chef Boy sa dalawang cooking shows niya, ang Kusina Master na mapapanood araw-araw sa GMA-7 at ang Idol sa Kusina na napapanood tuwing Linggo sa GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya siya nauubusan ng ideya sa kung anong lulutuin?

“Mahirap, pero since matagal na rin sa industriya as a chef, ano... talagang pigang-piga din, pero hindi nauubos.

“Nagre-research din ako, tapos iniisip ko yung dapat kong gagawin na hindi dapat maulit, kasi pangit kapag naulit.

“Lahat yan detalyadong-detalyado po yan… talagang siguro gifted din ako ni Lord, binigyan ako ng talino na lahat ng ginagawa ko kaya kong gawin,” nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN