John Regala clarifies cancer rumor; pinpoints disgruntled colleague as culprit

John Regala on his alleged rumor-monger: “Sinisiraan niya ako, kaya ipinagkakalat niya na may sakit ako. Para nga naman hindi ako kukunin ng producers. E, di sa kanya mapupunta yung project.”


May malubhang karamdaman nga ba ngayon ang character actor na si John Regala?

Sa ulat ng Ang Latest: Updated noong February 23, inalam ng show ang tungkol sa pagkakaroon diumano ng cancer ng aktor. Pero mahigpit itong pinabulaanan ni John.

“Wala akong sakit na kanser.

"Kanser? Sa bulsa meron, kasi sa kakadukot ko walang madukot. Yun... nagkakanser [ako] sa kuko ko.”

Alam na raw ni John ang tungkol sa kuwentong ito at kilala na raw niya kung sino ang nagpapakalat ng balita.

Saad niya, “Nagpapakalat niyan na may sakit ako, yung isang taong pumasok sa pagko-kontrabida, na dating bida... para mawalan ako ng pelikula at sa kanya lahat mapunta yung mga projects.

“Sinisiraan niya ako, kaya ipinagkakalat niya na may sakit ako.

“Para nga naman hindi ako kukunin ng producers kasi, ‘May sakit si John Regala, e.’

“E, di sa kanya mapupunta yung project.

“Sabi ko nga, kung lalaki siya, humarap siya sa akin...

“Ayaw niyang humarap, e. Ingat ka lang sa akin ano...

“Hindi na kita tatawaging kuya, pero ingat ka lang sa akin.”

Ayaw nang pangalanan ni John kung sino ang itinutukoy niyang nagkalat ng isyu pero tinawag niya itong "kuya."



FAMILY IS AFFECTED. Masakit daw para kay John ang mga pangyayaring ito dahil apektado na raw ang kanyang pamilya.

Maluha-luha niyang sabi, “Pamilya ko na ang naapektuhan.

“Biruin mo, gusto ko magtrabaho para sa ikabubuhay ng aking pamilya, asawa ko... maipagamot ko yung myoma niya.

“Masakit kasi alam mo, after na naparalisado ako, ang asawa ko hindi ako iniwan, e.

“Kung puwede lang na akuin ko lahat ng sakit, Ama ibigay mo na sa akin lahat, huwag na sa asawa ko.”

Isa rin sa ikinalulungkot ni John ay ang pangako raw niyang magandang buhay sa may edad nang ina.

Lahad pa niya, “Ngayon, pinipilit kong makabangon muli para sa nanay ko... para sa pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa awa ng Diyos, sa tulong ng Diyos naging normal na ang aking uric acid, wala nang namamaga sa akin.”

Sa huli, nagpaabot ng mensahe si John sa taong diumano’y naninira sa kanya.

“Sana hipuin ng Diyos ang puso mo na magbago yung puso mo... hipuin sana ng Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN