Alden Richards gets involved in vehicular accident; he and his SUV are safe

Asam ni Alden Richards, sana raw ay suportahan pa rin ng publiko ang tambalan nila ni Louise delos Reyes sa bago nilang primetime series kahit nali-link sila sa iba. Sabi ni Alden, “We’re just hoping na kung paano kami tinangkilik ng fans at ng viewers sa One True Love, ganoon din nila kami susuportahan dito sa Ang Mundo Mo’y Akin.”


Nabangga ang sasakyan ng Kapuso young actor na si Alden Richards sa Bulacan noong Sabado ng gabi, February 23.

Pabalik na raw siya ng Maynila nang mangyari ang insidente.

Kuwento ni Alden, “May event kaming pinuntahan.

“Nasa main road kami, then may isang tricycle doon sa eskinitang maliit na pataas.

“Pataas po kasi yung road, e, so talagang walang chance na mag-menor siya habang papunta sa intersection.

“Yun po, nabangga sa may left side yung sasakyan ko.

“Medyo malalim ang pagkakayupi noong part na tinamaan noong water delivery na tricycle."

Sinubukan daw ni Alden na makipag-ayusan sa nakabangga sa kanya na malaon ay nalaman niyang walang dalang kaukulang papeles.

“E, naawa naman po ako doon sa nakabangga nang makiusap sa akin.

“Kasi po, yung nakabangga sa akin, wala siyang lisensiya.

“Tapos, no read, no write pa po. Na… nakikipuwesto lang daw siya sa palengke.

“Pinagbigyan ko yung pakiusap niya na huwag na lang siyang pagbayarin doon sa damage ng sasakyan ko.

“Sabi ko na lang sa kanya, ‘Ingat na lang sa susunod.’

“Pero noong una po, na hindi ko pa alam ang background niya, ang nasa isip ko ay talagang pagbayarin siya. Kasi perwisyo ang nangyari, e.

“And since malapit nang mag-start ang taping namin para sa bagong soap namin ni Louise [delos Reyes], hindi ko po puwedeng ma-afford na mawalan ng sasakyan.

“E, wala. Nangyari na po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, Sunday, February 24.



UNEXPECTED. Hindi raw inaasahan ni Alden ang nangyari.

Pero naintindihan din daw niya na hindi kagustuhan o sinadya ng driver ng water delivery tricycle na mabangga ang kotse niya.

“Natutulog ako. And then nagulat na lang kami na may bumangga sa sasakyan ko—yun na!

“Pinatawad ko na lang yung nakabangga.

"Wala naman ding mangyayari kung magbabangayan pa kami o mag-aaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangyari na, e. Wala na.

"Hindi ko naman din po makuhanan ng danyos o bayad. Kaya okey na lang… pabayaan na lang.”



BRAND NEW. Isang Hyundai Santa Fe ang kotse ni Alden na kaa-acquire lang niya through financing scheme.

Sabi ng young actor, “Four months pa lang po sa akin. At bukas, ipapasok ko na sa casa para maipaayos.”

Ipinagpapasalamat na rin daw ni Alden na hindi grabeng banggaan ang kinasangkutan niya.

“Kasama ko nga sina Max Collins at LJ Reyes doon sa event na yun sa Bulacan. Tapos noong nalaman nila, sabi rin nila, ’buti ganoon lang.

“Kumbaga, it could have been worse… puwedeng may mamatay o ako rin madisgrasya. Mabuti na lang daw at ganoon lang ang inabot.

“So nakagaan na rin sa loob ko yun. Kasi iyon ang hindi ko nari-realize noong una.

“Kasi ang naiisip ko lang… bago yung sasakyan, hindi pa fully-paid, tapos madidisgrasya na.

“So, mabuti naman na walang nadisgrasya. Kaya thankful ako na ganoon lang ang nangyari.”



NEW TELESERYE. Kasado na ang bagong primetime series ng GMA-7 na Ang Mundo Mo’y Akin.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli silang magtatambal dito ni Louise delos Reyes pagkatapos ng One True Love noong nakaraang taon.

Naudlot ang dapat sana’y story conference nito last week. Pero ngayong araw, February 25, siguradong tuloy na raw ito.

Sabi ni Alden, “Ang nagiging problema kasi po kaya hindi natutuloy yung mga naunang araw na dapat sana ay makapag-story conference na kami, kasi hindi po ma-align yung mga schedules ng mga artistang kasama sa cast.

“Pero tuloy na po ang story conference namin ngayong Monday.

“Final title na po yung Ang Mundo Mo’y Akin, at March 18 na po ang target airing namin.”



OLD LOVETEAM. Exciting daw para sa kanilang dalawa ni Louise ang muli nilang pagtatambal at natutuwa din daw sila pareho na kakaibang roles naman ang kanilang gagampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Alden, “Drama pa rin ang tema, pero ibang-iba sa One True Love.

“This February 27 na ang pilot taping namin, so we’re getting ready for it.”

May Enzo Pineda na nauugnay kay Louise. Siya naman ay nali-link kay Julie Anne San Jose.

Ganoon pa man, naniniwala si Alden na walang magiging epekto ito sa muling pagtatambal nila ni Louise.

“We’re just hoping na kung paano kami tinangkilik ng fans at ng viewers sa One True Love, ganoon din nila kami susuportahan dito sa Ang Mundo Mo’y Akin,” sabi ng Kapuso heartthrob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN