Georgina Wilson: “Mas bet kong maging beki icon, more than pantasya ng mga kalalakihan.”

Lahat daw ng "beki" words ay alam ni Georgina Wilson. Kuwento nga niya, “Actually, sometimes Borgy doesn’t understand me na. Kasi, ibang-iba na yung language ko! Lagi akong nasa shoots… yung mga make-up artists ko, hairstylists ko, mga beki. So I learn so much. So, last week I said, ‘Babe, kunin mo na ang karu [car]. And he said, ‘Ano?’ So, parang lost in translation kami minsan. Pero he’s learning!&r


Ang sikat na model na si Georgina Wilson ang bagong dagdag sa listahan ng perfume endorsers ng Bench.

Inilunsad ni Georgina ang nakapangalan sa kanyang fragrance na “Oh, My George!” last Saturday, February 23, sa isang ramp show na ginanap sa Atrium SM Mall of Asia Arena.

Present sa launching ang kanyang auntie na si Gloria Diaz at ang CEO ng Bench empire na si Ben Chan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama ang ilang entertainment media, matapos ang show, sinabi ni Georgina na aliw na aliw siya sa bago niyang endorsement.

SHOWBIZ OFFERS. Bago pa sumentro ang interview tungkol sa kanyang lovelife, ang napapabalitang offers niya sa showbiz ang naitanong agad kay Georgina.

Sabi niya, “I’m very flattered sa mga offers sa TV, yung mga movie offers.

“Pero I have to wait for the right project na talagang bagay sa akin. Pero never say never, di ba?” nakangiti nitong pahayag.

Hindi pa ba dumarating yung tamang project?

“Actually, may dumating na isang super project na type ko and super type ko rin yung story.

“Nagkataong wala nang time sa schedule. So, baka this year or next year.

“I’m very excited for what’s in store kasi talagang open ako sa anything.”

Ibig bang sabihin, gusto na niyang pasukin ang acting?

“Go with the flow na lang. Kung cute yung loveteam, why not?” tawa niya.



BOYFRIEND BORGY MANOTOC. Sa ending ng program, dumating ang kasintahan ni Georgina na si Borgy Manotoc na nagbigay sa kanya ng bulaklak.

Kung magsu-showbiz si Borgy, puwede kaya silang mag-loveteam?

Ani Georgina, “Ayaw niyang mag-showbiz, e. Ayaw niya ng movies.”

Wala pa bang marriage proposal si Borgy sa kanya?

“Ay, wala pa, darling. Bagets pa ako!”

Ayaw pa ba ni Georgina?

“When the time… basta, when I’m older na.”

Kailan niya gustong magpakasal kay Borgy? Mga ilang taon pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hmmm… wala pa. Lahat ng type ko, nasa perfume, wala sa marriage,” baling niya sa hawak na pabango.

Hindi ba nila napag-uusapan ang future nilang dalawa together?

“Ay, of course, napag-uusapan ‘yan. Pero we both recognize na we’re still young… hindi ba halata?

“I’m just kidding!” saka siya tumawa.

“Maybe in my 30s, baka ‘yan. Baka pag 30th birthday ko, puwede mo ‘yan tanungin.”

Sila pa rin kaya ni Borgy that time?

“Hopefully!” mabilis niyang tugon.

Paano nakaka-survive ang relationship nila sa dami ng mga temptations sa mundong ginagalawan at sa problemang pinagdadaanan nila?

“I think if you trust each other, ‘yan talaga yung pinaka-importante.

“‘Yan talaga ang… importante talaga sa relationship… yung trust.”

Meron pa rin bang selosan?

“Oo. I have my own way rin naman of being selosa… so he has to deal with it.”



BEKI ICON. Walang dudang kasama si Georgina sa mga kilalang personalities na hinahangaan ng mga kalalakihan dahil sa angkin nitong kagandahan.

Gusto ba niyang maging pantasya ng mga kalalakihan?

“Ahm… okey lang. Pero mas bet [gusto] kong maging beki icon, more than pantasya ng mga kalalakihan.

“Mas bet ko yung market ng beki,” nangingiting sabi ni Georgina.

Ang beki ay tawag sa mga bading o gay.

Bakit mas gusto niyang maging "beki icon"?

“Kasi sila talaga yung pinakamahirap… kung ano, sila talaga ang bet ko—mas masaya, mas wild.

“Kaya may naked men akong ano… hinanda ko para sa show, mga naked men na may glitters sa katawan."

Paano kung magkatuluyan sila ni Borgy at magkaanak ng beki?

“Okay lang! Of course!” mabilis niyang sagot.

Makikipagkumpitensiya pa ba siya kay Divine Lee na self-proclaimed "Beki Queen"?

“Wala namang competition. Lahat-lahat naman ano… puwede namang magmahalan ang dalawa.”

Ano bang mga beki lingós ang alam na ni Georgina?

“Naku, lahat!” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, sometimes Borgy doesn’t understand me na. Kasi, ibang-iba na yung language ko!

“Lagi akong nasa shoots… yung mga make-up artists ko, hairstylists ko, mga beki. So I learn so much.

“So, last week I said, ‘Babe, kunin mo na ang karu [car]. And he said, ‘Ano?’

“So, parang lost in translation kami minsan. Pero he’s learning!” natatawa niyang sabi.



BRANDED. Ano pa ba ang gusto niyang gawin ngayong hindi lang sa modelling siya successful, mayroon na rin siyang sariling perfume brand?

“Yeah, I feel like… nakakatuwa kasi that’s my first product.

“Iba ang yung feeling kapag tinweet ka, ‘Bumili ako ng perfume mo…’

“Iba talaga yung feeling, kasi nandoon yung buong puso ko, yung buong ideas, like… everything.

“So I think I wanna continue these more, doing more under my own name.

“And, ahm… let’s see what’s the future… I don’t know what the future holds. So, tingnan natin.”

May plano ba siyang magtayo ng sariling clothing line or perfume brand?

“Siguro not clothing. Kasi I’ve been with Bench clothing for like eight years na.

“So, loyal ako sa Bench. Pero let’s see kung ano ang puwede, di ba?”



SOLENN AND ISABELLE. Kumusta naman yung friendship nila nina Solenn Heussaff at Isabelle Daza, na pare-parehong busy at in love?

“Busy… and in love! Tama ka diyan!" bulalas ni Georgina.

"But we get to see each other sometimes sa set.

“Like kami ni Solenn, kaka-shoot lang namin ng commercial together.

“So, masaya yun, di ba? You find time with people you wanna spend with... the people you love.

“So busy nga kami, pero kahit paano, we get to see each other.

“And I think, when we see each other less… masaya rin. It’s like we really treasure time together.”



BORGY’S SUPPORT. Sa magkahiwalay na interview naman ng press kay Borgy, sinabi nitong suportado niya ang pagpasok ni Georgina sa acting kung saka-sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng modelo, “Of course, I’m supporting her in anything that she wants to do. She’s very faithful.

“So, if the opportunity comes, of course, I’ll support her.”

Is she capable of acting?

“Well, she can do anything she wants.

“Of course, acting is difficult art, not for anyone. But if she puts her mind to it, she can do it.”

Kumusta ang relasyon nila ni Georgina?

“Yeah, very good. I’m very happy. I’m very comfortable with our lives right now.

“I’m very happy supporting each other, doing what we do.”



BORGY’S BRIDE. Si Georgina na ba ang ihahatid niya sa altar?

“I don’t know… there’s still a lot of time that will tell. So, let’s see things up.”

Bakit secure sila ni Georgina sa love sa isa’t isa?

“Ah, we both… I guess very private people. So, we both also understand the industry that we’re working.

“So I think it’s not difficult to the things that we have to go through and make it easier to do things like that.”

May mga selosan din ba… love quarrels?

“Oh, it’s fine—we’re grown-ups! It’s not a puppy love anymore."

Why does he think his relationship with Georgina has lasted this long?

“I guess we’re just very similar in terms of priorities in life.

“We want the same things… and make it easier.

"We don’t have any misunderstandings… we have the same points of view in life.

"We wanna go together, same values—we love our families—very important things.”

What are their similarities?

“We’re both very driven… we both are very driven. I think we’re not easily-satisfied people.

“So, we always want to do better and do more.

“Yeah, I think it’s nice to be able to have a team partner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN