Aljur Abrenica on macho-dancer role in Magpakailanman: “Medyo kinakabahan ako… nate-tense ako!”

Natuwa si Aljur Abrenica sa pagmamalaki sa kanya ng girfriend na si Kylie Padilla. Sabi ng Kapuso actor, “Siyempre, bilang isang lalaki, ako… malaman mo na proud yung babae, iba iyon… iba ang dating sa lalaki noon.”


Si Aljur Abrenica ang napiling gumanap sa buhay ng isang indie film actor actor na naging macho dancer sa isang episode ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman.

Ipalalabas ang naturang episode sa Marso.

Tungkol dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur sa Party Pilipinas kahapon, February 24.

Aniya, “Sa ngayon, confidential pa.

“Gustung-gusto ko na sanang sabihin kung sino yung gagampanan ko, e, sa ngayon hindi pa puwede.

“Yung pagiging macho dancer, kasama iyon sa buhay ng character na gagampanan ko.

“Althoug may eksenang magma-macho dancing ako, hindi doon magpu-focus ang story.”



PREPARATIONS. Hindi pa raw ma-imagine ni Aljur ang kanyang sarili na nagma-macho dancing at kailangan daw talaga niyang paghandaan ito.

“Bago po talaga sa akin itong pagma-macho dancing dahil kadalasan, kung sumasayaw ako, hip-hop, ganyan. O iba pang klaseng genre ng sayaw.

“Pero itong macho dancing kasi iba, e. Kumbaga, may libog… sensuwal.

“So excited ako... excited akong gawin ang proyektong ito.

“Pag-aaralan ko talaga ang pagsayaw ng macho dancing. Naghahanap ako ngayon ng magtuturo sa akin.

“Iyon ang wino-work out ko. Sinabihan ko ang production na sana may magturo.

“At saka personally, naghahanap nga ako.

“Nagtatanong ako sa mga kaibigan ko kung may kakilala silang talagang nagsasayaw sa gay bar na puwedeng magturo sa akin.

“Meron ding mga movies ipinapapanood sa akin tungkol sa macho dancer. Nasa akin na yung list ng mga kailangang panoorin.

“Medyo kinakabahan ako… nate-tense ako!” sabay tawa ni Aljur.

“Pero mas nae-excite akong gawin, kasi nga, talagang it’s something new for me.”



REACTION. Kinonsulta ba niya ang girlfriend niyang si Kylie Padilla tungkol dito?

“Uhm… hindi naman kinonsulta, nasabi ko sa kanya

“At pati siya, na-excite… na-excite siya sa gagawin ko.

“Noong in-offer nga ito sa akin, inoohan ko kaagad. Kasi nga, panibago ito sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gustung-gusto ko yung… may gawin naman ako bago dahil for the past few years, lagi akong sa soap, e.

“And ito, ibang genre na Magpakailanman… may gagampanan kang buhay ng isang tao. Kumbaga, nakaka-challenge.

“Kahit may pressure at nakaka-tense dahil true to life, na kailangang pag-aralan mo yung character na ipo-portray mo, talagang nae-excite ako.

"Nag-e-enjoy ako habang pinaghahandaan ko yung role.”

Paano kung pagkatapos nito, may mag-offer din sa kanya na mag-portray bilang macho dancer sa isang full-length movie naman?

“Ah… tingnan natin!” nangiting sabi ni Aljur.

“Kasi, dito pa lang sa Magpakilanman, sinasabi ko nang first and last ko ito na pagpo-portray bilang isang macho dancer.

“Pero tingnan natin. Hindi ko masasabi kung after nito, may mag-offer sa akin sa movie naman. Uhm… tingnan muna natin.”

INDIO. Excited din daw ni Aljur sa pagpasok niya sa Indio.

Ano ba ang kanyang magiging role sa nasabing fantasy series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla?

“Isa ako sa mga tutulong kay Indio… kay Senator Bong

“First time ko po to work with Senator Bong at isang malaking karangalan po ito.

“Siyempre, pangarap ko talaga pong makatrabaho ang mga big stars.

“Eto na ang pagkakataon ko with Senator Bong na makaeksena siya.

“Iba ang feeling. Kasi, na isang ekperiyensiyadong aktor gaya niya ang makakatrabaho mo… na siguuradong may matututunan ka sa kanya.”



OLD LOVETEAM. Balik-tambalan din sila ni Kris Bernal sa bagong upcoming primetime series ng GMA-7 na Prinsesa Ng Masa.

Pinaghahandaan na rin daw ni Aljur ang pagsisimula ng taping nila.

Balitang si Kylie Padilla daw at hindi si Kris ang dapat sana’y makakapareha niya rito. Ano ba ang nangyari at hindi natuloy?

“Hindi ko alam yun,” pagtataka ni Aljur.

“What I know is… si Kris talaga yung for this project. Tapos si Kylie, doon talaga siya sa Unforgettable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nalaman ko na kami ulit ni Kris ang magkasama, natuwa ako.

“Lagi naman akong natutuwa, na up to now… madalang kasi yung loveteam na nagtatagal.

“So parang isang malaking karangalan iyon, e, para sa loveteam namin na tinatangkilik pa rin ng mga tao.

“Kaya salamat sa mga patuloy na nagtitiwala sa amin. Salamat sa mga hindi nagsasawang sumuporta sa loveteam namin ni Kris.”



OPEN RELATIONSHIP. Kapansin-pansin lately na ibang iba ang aura ni Aljur. Lagi itong good mood, masaya, at mukhang very much inspired nga.

Dahil ba mas open na sila ni Kylie ngayon sa kanilang relasyon?

Tugon ng Kapuso hunk, “Ako, hindi naman ako nag-aano, e…

"Kumbaga, as much as possible, alam naman ng lahat ng tao na I want to make it personal, e.

“Pero kung may lumalabas na tungkol sa amin ni Kylie, walang kaso sa akin iyon… masaya pa ako.”

Matatandaang ipinagtanggol kamakailan ni Aljur ang girlfriend sa mga bashers nito.

Paliwanag ni Aljur dito, “Siyempre, bilang isang lalaki, ako… malaman mo na proud yung babae, iba iyon… iba ang dating sa lalaki noon.

“Kumbaga, masasabi ko na ako na ang pinakamasayang lalaki. Kumbaga, ang hirap tapatan, e.

“Pero basta ang masasabi ko lang for Kylie, ano… nandito lang ako para sa kanya.

“At hangga’t maaari, hangga’t kaya ko, ipaglalaban ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN