Ritz Azul reveals gaining weight because of stress

Ritz Azul on entertaining suitors: “Pero gusto ko kasi, makilala muna talaga sila and makilala sila ng parents ko.”


Hindi kinontra ni Ritz Azul ang mga puna sa kanya na malaki ang kanyang itinaba matapos niyang lumabas sa cover ng November 2012 issue ng FHM.

Pero hindi raw ang dagdag na timbang niya ang dahilan sa pagbawas ng exposure niya sa fantaserye ng TV5 na Kidlat, kung saan gumaganap siya bilang isa leading ladies ni Derek Ramsay.

Nilinaw ni Ritz sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala namang nabago sa takbo ng istorya ng karakter niya sa show.

“Hindi… ganoon talaga yung run sa story, walang nagbago. Ganoon yung run ng story.

“Una, si Nadine [Samonte] ang parang ipinapakitang first love ni Kidlat. Then, papasok nga si Joey,” tukoy ni Ritz sa character niya sa serye.

“Pero siyempre, may mga naririnig ako na ang taba-taba ko raw.

“Kaya naging conscious na ako sa sarili ko na nagbabawas na ako ngayon.

“Noong nawala sandali yung character ni Nadine, doon naman pumasok si Joey. And marami namang comments na masaya yung mga tao.

“Sa Twitter, ang sarap magbasa na marami ang kinikilig… wala pa naman akong nababasang lait na comments sa role ko as Joey.

“Kasi sobrang kinilig sila sa scene namin ni Derek na naka-gown ako—charity ball… So, yun.”



DEPRESSION. Bakit nga ba siya tumaba, na-depress ba?

Sabi ni Ritz, “Bago kasi noong FHM, last November, sobrang crash diet ako.

"Tapos December, January pa, nagsama-sama pa sa season.

“Then, may time rin na medyo na-stress ako noon. E, kapag nai-stress ako…”

Naputol ang sasabihin niya para pakinggan ang sumunod naming tanong kung bakit siya na-stress.

Dahil ba wala siyang masyadong maraming trabaho kumpara sa dati?

“Hindi naman…”

Mayroon ba siyang problemang pinansiyal?

“Wala naman. Naka-stress sa akin, parang ang dami-dami kong gustong gawing goals.

“Tapos yung… hindi ko gustong sabihin… kasi masyadong personal.

“So, medyo na-stress din ako doon. Kaya nga medyo bumabawi ako ngayon kaya naging okay naman na ang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STRESSED. Hindi career-related ang nagpa-stress sa kanya?

“Hindi naman. Kasi ang dami rin namang tumutulong sa akin… sina Direk Mac [Alejandre].

“Tinanong nga nila ako kung ano ang kailangan ko para mapabilis ang pagpapayat ko.

“Sabi ko, ‘Direk, ginagawa ko naman po ang lahat,’ so nakikita naman nila yung changes.”

Bago siya “pinagpahinga” ng network, tinanong ba siya kung ano ang problema at bakit siya tumataba? Binigyan ba siya ng warning, ng advice?

“Kasi lagi naman… tulad noong, after ng presscon, lagi naman silang nagku-comment sa akin na ganito ang hitsura mo.

“Sanay naman na ako na regular yung … yun ang nakakatuwa kasi lagi nila akong binabantayan.

“So, yun nga, noong premiere ng Kidlat, nag-comment sila na, ‘From FHM, after ng season, hindi ka tataba!’ Pabiro naman sila.

“Sabi ko, ‘Direk, sorry, may season na ganyan...” tukoy naman niya ang holiday season.

Kapag nai-stress ba siya, tendency niya ang kumain?

“Oo, pero baliktad na nga ngayon, e. Nasusuka na ako, hindi na ako napapakain.

“Ayoko naman maging anorexic. Kasi last year, noong na-stress ako, kain ako nang kain.

“Pero ngayong nai-stress ako, parang hindi na ako makakain ngayon. Parang baliktad na.

“Pero sa Kidlat, nakakatuwa rin na saktung-sakto. Kasi noong una malusog ako.

“Then noong nag-transform, medyo lumiliit na ako.”



AFFECTED CAREER. Dumating ba siya sa point na natakot siya para sa career niya na baka hindi na maulit yung magandang simula sa showbiz? Halimbawa, ang pagkakaroon niya ng malalaki at magkakasunod na series sa TV5?

Sabi ni Ritz, “Sa career naman, hindi naman talaga ako na-stress.

“Kasi ako, yung pagka-stress ko noon, hindi talaga siya related sa career, e… more on personal… personal siya.

“Masaya ako sa career ko… yun nga, ibinibigay ng TV5 yung lahat ng kailangan ko.

“And ‘eto ngang Kidlat, binigay nila sa akin na maging leading lady ni Derek na malaking tulong din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, di ba? Before nalu-launch din ako…

"Masaya... masaya ako sa career ko!”



NO LOVELIFE. Hindi kaya dapat ma-in love siya para may ibang pagbabalingan ang atensyon niya at may ibang emotional outlet?

“Well, ngayon, naghihintay na lang ako.

"Di ba, before, lagi kong sinasabi na hindi ako ready magka-boyfriend?

“Pero siguro ngayon, naghihintay na lang ako,” sabi ni Ritz.

May mga nagpaparamdam ba?

“Merong mga nagpaparamdam, pero walang nanliligaw talaga.

“Pero gusto ko kasi, makilala muna talaga sila and makilala sila ng parents ko.

“Masaya naman ngayon. Kasi dati sobrang ekis [ayaw] sa mga guys.

“Pero ngayon, nagiging close na ako at parang open na… pero hihintayin ko siyang pumunta sa akin.”

Mga non-showbiz ba ang nagpaparamdam sa kanya?

“May non-showbiz, may showbiz… halo-halo din. Pero walang nanliligaw.”



NO HINTS. Si Derek ba, hindi nagparamdam o nagpakita ng interes sa kanya o nagbigay sa kanya ng special attention, gaya ng ginawa ng aktor kay Nadine Samonte?

“Si Derek naman kasi, parang lahat binibigyan niya ng special attention.

“Ahm… sweet kasi siyang tao, gentleman lalo na sa scene talagang kikiligin ka sa kanya sa titig pa lang.

“At sa set rin, lagi niya akong kinukulit at inaasar. Siguro talagang natural lang yun sa kanya.”

Hindi ba niya ito nabibigyan ng kahulugan?

“Hindi naman. Kung bibigyan ko ng ibang kahulugan, baka kung saan ako mapunta…parang baka hindi ako makapag-focus sa trabaho ko.

“Pero… oo, may mga times na talaga na kinikilig ako kapag magkaeksena kami ni Derek.”

Hindi ba siya nag-offer na ihatid siya pa-uwi sa bahay niya?

“Ang layo kasi ng bahay namin, sa Pampanga pa!” natawa niyang sabi.



EXERCISE. Binibigyan rin ba siya ang pagkain ni Derek?

“Nagtatanong siya bago siya pumunta ang set, ‘Anong gusto ninyo?’

“Sasagot naman ako, ‘Kung ano ang gusto ko?’ Magdadala naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One time nagdala siya ng… nagbibigay siya ng chocolate, ganoon… sweet naman talaga siya.”

Kaya pala tumaba siya?

“Hindi. Tinutulungan nga niya akong magpapayat!

“Dati kasi, mataba ako. So, ngayong pumayat na ako, lagi niya akong inaasar na dadalhan niya ako ng chocolates.

“Pero tinutulungan niya, tinuturuan niya ako kung paano mag-exercise, kung paano magbawas ng pagkain.

"Sobrang supportive naman siya."

Imposible ba o posible siyang ma-in love kay Derek? O huwag na lang dahil may Nadine Samonte na sa eksena?

“Dadating din naman yung time na makaka-feel ako ng in love sa isang tao.

“Pero about sa kanila ni Nadine, hindi ko kasi talaga alam," sabi ni Ritz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN