Dominique Cojuangco, daughter of Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto, celebrates 18th birthday with Wizard of Oz-inspired debut party

Nagdiwang ng kanyang ika-labinwalong kaarawan ang nag-iisang anak nina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto na si Dominique noong Sabado, February 23, sa kanilang tahanan sa San Miguel, Manila. Wizard of Oz ang napiling tema ni Dominique para sa kanyang debut party.


Noong Sabado, February 23, ay ipinagdiwang ni Dominique Cojuangco ang kanyang 18th birthday sa pamamagitan ng isang magarbo at eleganteng debut party.

Si Dominique ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at ng businessman na si Tonyboy Cojuangco.

Ayon sa report ng The Buzz, umaga pa lang noong Sabado ay sinimulan na ang preparasyon at pag-aayos ng iba’t ibang espesyalista na kinuha para siyang mag-ayos at mag-asikaso ng debut ni Dominique.

Anim na buwan daw ang inilaang preparasyon sa debut ni Dominique na may temang “Wizard of Oz.”

Ginanap ang pagdiriwang sa tahanan ng mga Cojuangco sa makasaysayang compound ng Malacañang sa San Miguel, Manila.

Mula pa lang sa gate ng bahay ay kapansin-pansin na ang malaking mga letrang “OZ.” Mula rito ay maglalakad ang mga bisita sa isang yellow brick road patungo sa loob ng tahanan at hanggang sa itinayong tent sa hardin.

Si JP Montilla ang naging events specialist ng debut kunsaan kakaiba sa mga nakasanayang debut parties ang ginawa niyang set-up. Walang mga 18 roses, 18 candles, at round tables. Sa halip, isang party-atmosphere daw talaga ang gusto ni Dominique.

Ayon naman sa florist na si Joyce Aguilar, gusto ni Dominique na may garden of roses kaya umabot daw sa 300 hanggang 400 na dosena ng pulang bulaklak ang nagamit nila.

Si Margarita Fores naman ang naging chef/caterer sa debut na karamihan daw ng pagkain ay mga paborito rin ni Dominique.

Si Patrick Rosas ang nag-makeup sa debutante.

Dalawa naman ang isinuot na damit ni Dominique: isang long dress na gawa ni Mitch Dulce at isang party dress mula kay Ivarluski Aseron.

Nang magdatingan na ang mga bisita, bumungad sa kanila ang isang mini-orchestra na tumutugtog ng mga paboritong awitin ni Dominique.

Habang kumakain na ang lahat, pansamantalang umalis si Dominique at dito ipinalabas ang isang short film ng Wizard of Oz na tinampukan mismo ng debutante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang lumabas ulit si Dominique, suot na niya ang blue party dress at red shoes na mala-Dorothy.

Pagkatapos nito ay tumugtog ang bandang Never The Strangers at hinati na ni Dominique ang kanyang napakagandang seven-layer birthday cake na gawa ni Heny Sison para matikman daw ng lahat.

Sinundan ito ng bonggang fireworks.



THE DEBUTANTE. Sa mismong debut party ni Dominique ay nakapanayam siya ni Boy Abunda para sa The Buzz, at ipinalabas ito noong Linggo, February 24.

Kumportable ba si Dominique na ang mga magulang niya ay kapwa sikat sa kani-kanilang larangan?

Nakangiting sagot niya, “Yeah, of course, I’m comfortable.

"They are so fun to be with that you don’t really notice that they are anything else like my parents.”

Kailan na-realize ni Dominique na sikat ang kanyang mga magulang?

“I think, we were coming home from Hong Kong… and there was paparazzi outside the airport, and there was this picture of me waving at them, and I really have no idea what’s going on.”

Pero sino nga ba si Dominique Barretto-Cojuangco?

“I think I am the complete mixture of my parents.

“I think I have a little bit of personality that makes them different and I think that makes me me—being that mixture.”

Ano ang typical na araw niya?

“I’d like to say something really interesting but, usually, I go to school then I come home.

“My mom brings me to school every day and she picks me up. She brings me home.”

Mula pa lang daw noong apat na taong gulang si Dominique at hanggang ngayon ay inihahatid at sinusundo na ni Gretchen ang anak sa eskuwelahan.

Dugtong pa ni Dominique, “I’ll do some homework and sometimes I’ll go eat out with my friends, watching movies… simple things.”

She likes school?

“I like school because it’s so much fun. I like the atmosphere. I can’t imagine ever not wanting to go to school.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtuntong daw ni Dominique sa kolehiyo, plano niyang umalis ng bansa upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa London.

Saad niya, “I definitely wanna finish school first before anything else.

“I’m excited because I’m moving to London after I graduate, probably in August, and I’m taking fashion design.

“I’m really excited about the whole thing and, hopefully, it turns into something.”

Naging madali ba sa kanya ang desisyong mag-aral sa London dahil mapapalayo siya sa mga magulang?

“Yeah, but I know I’ll never gonna get rid of them. They’ll visit all the time.


“I know I’ll never gonna rid of them which is good for me, I love them.”



DOMINIQUE ON LOVE. Sa edad na 18, ano na ang alam ni Dominique tungkol sa love?

“I think it’s indescribable,” nakangiting sagot niya.

Umiyak na ba si Dominique dahil sa pag-ibig?

Natatawang sagot niya, “No, I don’t think so. Not yet.”

Pero nagka-crush na ba siya, first love?

“Definitely crushes, but no serious.”

Noong dumadaan na siya sa crushes, dating, ano ang naging reaksiyon ng mga magulang niya?

“My mom was really cool about it. But my dad got a little emotional. He doesn’t say anything.”



GRETCHEN’S ONLY DAUGHTER. Kinumusta rin ni Boy si Dominique bilang nag-iisang anak ni Gretchen. Madali bang maging anak ng isa sa pinakamagandang babae sa industriya?

“It’s so much fun,” sambit ni Dominique.

“She is completely crazy. I can’t imagine her any other way.

“So, it doesn’t matter if she’s famous. I’m always at home with her.”

Ano ang madalas nilang pag-usapan?

“Anything, everything… mostly foods. We like to eat.”

Posible ba na napag-uusapan nila palagi ang tungkol sa mga damit?

“Yeah, but we have different style. My mom is very like Audrey Hepburn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m more laid-back. I like shorts, shirt.”

Nakakausap ba niya ang mommy niya tungkol sa mga boys?

“Sometimes!” natatawang sagot ni Dominique.

“But she ends up laughing at me, that’s not fun.

“We have very different tastes.

“My mom’s taste is so weird. I can’t even explain it.

“I think, I like more of a nerdy kind.”

Minsan daw ay dumadalaw si Dominique sa taping ng mommy niya noon ng Princess And I.

“Yeah and it’s so fun.

“I can’t imagine how they do it. They work so long hours and the atmosphere is so positive and they are happy and vibrant.

“I love it… I love it.”

Posible kayang gawin din niya ang ginagawang trabaho ng ina?

“I don’t like to say I wouldn’t try something.

“I think life is about trying new things and taking of the opportunity.”

Pero kapag nakikita niyang umaarte ang kanyang mommy, ano ang pumapasok sa isipan ni Dominique?

“I start laughing, that sounds really mean!” natatawa niyang sabi.

“But it’s just so strange, especially when she is acting like crying or angry, I find it hilarious.

“I think, she’s very good, she’s amazing. But I find it so funny.

“It’s not her personality at all. She’s such a happy person.

“She’s so funny… angry, shaking, I don’t know, I find it funny.”

Ano ang mga bagay na minsan ay pinag-aawayan nilang mag-ina?

“Sometimes, when we get frustrated, we say certain things that just annoy each other.

“We’re not the type to yell at each other. We usually walk away and cool down and say sorry after a while.

“We don’t really fight.

“I wish I could say we do, but we really don’t.”


TONYBOY’S DAUGHTER. Anong klaseng relasyon naman meron sila ng kanyang ama na si Tonyboy Cojuangco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dominique, “My dad and I definitely don’t fight at all.

“I think, it’s a very cool relationship. I think, he’s always there for me.

“If I’m sad, he doesn’t have to ask me what’s wrong.

“But it’s nice. I like it.”

Ano naman ang madalas nilang napag-uusapan ng daddy niya?

“We usually show each other videos on YouTube that we find funny… and music, definitely.”



BIRTHDAY PRAYER. Ano naman ang birthday prayer ni Dominique?

“I don’t have anything to ask for. I think I am so blessed.

“And that, I just wanna thank them. There’s nothing to ask them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN