Sarah Geronimo on making decisions on her own: "Sana dumating yung time na buung-buo ang pagdedesisyon ko. Mae-encourage ako na magdesisyon talaga."

“Yung hurt, parte ng buhay ‘yan. Kaya lang, sa pagpapalaki sa akin, medyo sheltered talagaa ko. So, kailangan, yung acceptance na ang buhay may kasamang pain ‘yan, hurt, di ba? Yung pagiging too trusting ko, work in progress siya," pahayag ni Sarah Geronimo tungkol sa pagbibigay ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha niya.


Nag-first taping day na ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo para sa kanyang drama anthology sa ABS-CBN, ang Sarah G Presents.

Sa Heroes Hill, Quezon City kinunan ang mga eksena ng unang episode ng bagong show ni Sarah kahapon, February 25. Gumaganap siya rito bilang isang tarot reader.

Sa taping nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Popstar Princess.

Masaya si Sarah sa pagkakaroon niya ng drama anthology.

Saad niya, “Siyempre po, blessed and I’m thankful sa ABS-CBN.

“Nakita po nila ang need ko na bumalik muna sa acting after ng Sarah G Live.

“Kailangan kasi po every time meron tayong bagong maio-offer sa tao, e.”

Mutual decision naman daw ng ABS-CBN management at ni Sarah na ipahinga muna ang Sarah G Live at umarte muna siya. Pero aminado ang singer-actress na naging malapit sa puso niya ang dating live show.

Sabi niya, “Malungkot siyempre dahil love ko po ang show, ang family ko sa Sarah G Live.

“Pero nakita ko po personally na bilang concert performer, parang nauubos.”

DRAMA ANTHOLOGY. Isa si Sarah sa pinakabatang artista na binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling drama anthology. Ano ang pakiramdam niya rito?

“Sobrang grateful sa ABS-CBN,” sambit niya.

“Nandodoon din ang pressure na, yun nga, ibinibigay nila ang magagandang proyekto sa akin.

“Hindi ko maiwasang ma-overwhelm din. ’Shucks, kakayanin ko ba ‘to?’

“At yun nga, lahat naman magagawa through prayer.

"At saka, yung production namin, talagang magtutulungan kami para maging maganda ang anthology na ito.”

Ngayong may sarili na siyang drama anthology, ano ang mga ipapakita ni Sarah na hindi pa napapanood sa kanya, lalo na sa mga pelikula niya?

“Critical yun kasi kailangan mawala na tayo sa bubbly, the usual na nakikita nilang role.

“Iwan natin si Laida dun. Sana, maiba naman,” sabi ni Sarah bilang pagtukoy sa karakter niya sa mga pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahanda na siya sa mas mature na roles?

Sagot niya, “Hindi naman po tayo magpapaka-heavy drama muna, pero siyempre, sa Maalaala Mo Kaya po yun.

“Kahit na gusto kong gumawa ng mga ganoong episodes, baka masyadong mabigat naman po para sa mga viewers natin.”

Hanggang saan pa lang muna ang kanyang Sarah G Presents?

“Heartwarming na story po,” sagot niya.



LIFE EXPERIENCES. Sa mga naging karanasan niya sa buhay, sa palagay niya ba ay may mga baon-baon na rin siyang karanasan na puwede niyang paghugutan ng emosyon, ngayong ibang level ng pag-arte naman ang gagawin niya?

“Meron na, meron naman,” tugon ni Sarah.

Marami-rami na ba?

Natatawang sabi niya, “Kailangan lang, matutunan ko yung hiwalayin ang ako at sa karakter ko.”

Napagsasama ba niya ang kanyang karakter at kung ano siya sa totoong buhay?

“Oo, siguro kasi hindi ako consistent sa drama. Parang adjustment na naman sa akin.

“Halimbawa si Laida, ang tagal kong hindi naging Laida. So, parang humaharang pa si Sarah para maging Laida.

“Kaya malaki ang pasasalamat ko sa mga director ko, kay Direk Cathy [Garcia], kay Lloydie [John Lloyd Cruz], supportive sila para bigyan ako ng time na ma-deliver ko ang character ko.”

May limitasyon ba siya pagdating sa pag-arte?

“Depende po sa role. Hindi ko po kayang mag-topless!” natatawang biro niya.

Natawa rin ang lahat dahil “topless” na agad-agad ang nasa isip niya. Biro namin kay Sarah, wala pa ngang kissing scene.

Natatawa ring sabi niya, “Nakakatawa, hindi man lang two-piece muna?

“Pero siguro po, gusto ko po ng daring na role in terms of pagpapaseksi."

Pero nakikita naman niya ang sarili niya na nagpapaseksi, naka-two-piece?

“Hindi, hindi talaga! magugunaw ang mundo!” tawa na naman niya.



KISSING SCENE. Pero ang malaking tanong noon pa: Payag na ba siyang makipag-kissing scene?

“Ayan!” natatawa niyang bulalas.

“Yun naman, e, talagang kailangang pag-aaralan, uupuan, at pag-uusapan kasama ng aking manager, pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, bilang aktor, meron talagang mga proyektong hinihingi talaga ang isang bagay, ganyan.

“Pero, kailangan ano, in harmony ang desisyon ng bawat isa. May approval ng bawat isa.”

ON MY OWN. Nabanggit ni Sarah sa past interviews niya na ngayong 25 years old na siya, may mga desisyon sa buhay niya na gusto niya ay matuto siya o siya naman ang mag-isang magdedesisyon.

(CLICK HERE to read related story.)

Nararamdaman ba niyang dumarating na siya sa puntong yun?

“Alam ninyo… ano ba ang tawag sa crisis na pinagdadaanan ko sa stage na ‘to? Quarter life?

“Medyo magulo po ang mundo ko ngayon.

“Feeling ko, yun nga, twenty-five na ako, nandoon na ang pressure na, ‘Oh, my gosh! Oh, my gosh, kakayanin ko bang magdesisyon? Mapapanindigan ko ba?’

“Yun, sana dumating yung time na buung-buo ang pagdedesisyon ko. Mae-encourage ako na magdesisyon talaga.

“Pero doon nga tayo matutuo, di ba?”

Dugtong din niya na natatawa, “Walk that talk!”

Sa ngayon, paano nasasabi ni Sarah na napapangalagaan na niya ang kanyang sarili?

“Importante po talaga na may time ka sa sarili ko, sa family, may reyalidad ka.

“Itong business natin na ito, puno ng…”

Mas may conscious effort ba siyang mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan niya para hindi masaktan, o alam niya na hindi rin naman maiiwasang hindi siya masaktan?

“Yung hurt, parte ng buhay ‘yan.

“Kaya lang, sa pagpapalaki sa akin, medyo sheltered talagaa ko.

“So, kailangan, yung acceptance na ang buhay may kasamang pain ‘yan, hurt, di ba?

“Yung pagiging too trusting ko, work in progress siya.

“Ayoko, personal na!” natatawa niyang sabi.



MABUTI NA LANG… Pagkatapos ng mga naglabasang isyu bago mag-Valentine’s Day, masasabi ba ni Sarah sa kanyang sarili ngayon na mabuti na lang at natapos na ang chapter na yun sa buhay niya?

“Ay, opo,” nakangiting sabi ng Kapamilya star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo si Lord, ina-align Niya talaga ang mga tao sa buhay natin.

“O siguro, mga taong wala muna sa buhay natin, tatanggalin niya muna... ay, bakit may muna?

“Tatanggalin niya sa buhay natin. Nire-redirect niya ang mga past.”

Mas masaya siya ngayon?

“Opo naman, opo naman,” sabi niya.

Pero dagdag din ni Sarah, “Pressured lang.”

Saan siya napi-pressure?

“Siguro po, sa personal ko rin na buhay.

“Kapag naiisip kong twenty-five na ako.

“Nakikita ko ang ibang babae rito, ‘Ilang taon ka na, Ate?’ ‘Twenty.’

“Ilang taon ka na, Ate?’ ‘Twenty-two.’

“Parang feeling ko, ang tanda-tanda ko na, pero, alam mo yun….”

PAULO AVELINO. Sa unang episode ng Sarah G Presents, na idinidirek ni Wenn Deramas, si Paulo Avelino ang leading man ni Sarah.

Kumusta naman si Paulo na bago niyang makakatrabaho?

“Excited po ako... isa rin naman po siya sa hinahangaan ko,” sabi niya.

Napapanood naman daw ni Sarah noon si Paulo sa Walang Hanggan.

“Happy ako na Kapamilya na siya.”

Nagkasama na rin daw sila ni Paulo noong nag-guest ang aktor sa Sarah G Live.

Ano naman ang naging impression niya kay Paulo?

“Ang impression ko sa kanya, as an actor, dedicated, passionate... Ano siya, bigay-todo.

“And as a a person, mukha siyang mabuti namang tao.”

Napag-alaman din namin kay Sarah na isa sa kumpirmado na raw na maggi-guest sa Sarah G Presents ay si Zanjoe Marudo.

Okay lang din daw sa kanya kahit sino sa tingin ng management na kailangan pa niyang makasama.

Sa partikular na karakter, may gusto ba siyang gawin?

“Meron po, pero pag-iisipan pa po namin. Magbi-brainstorming pa kami,” sagot ni Sarah.



JOHN LLOYD CRUZ. Sa pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa ikatlong pagkakataon—sa pamamagitan ng pelikulang It Takes A Man and A Woman—marami ang nakakapansin na tila ngayon sila naging mas close o kumportable sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halata raw kasi ang closeness nila sa screen—on and off.

Sinabi rin daw ni John Lloyd na masuwerte siya dahil nakakausap at nakikita ang growth ni Sarah.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Kami ni Lloydie po, kumbaga, na-embrace na namin yung friendship namin na, alam mo yun, yung parang mas naging kumportable kami sa friendship namin na walang malisya.

“Alam mo yung pagmamahal ng isang kaibigan.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ng girlfriend ni John Lloyd na si Angelica Panganiban na hindi siya nagseselos at big fan siya ng John Lloyd-Sarah loveteam?

Nakangiting sabi ni Sarah, “Big fan din ako ng loveteam ni Laida at Miggy.

“Pero sa pelikula lang yun. May mga bagay na doon lamang.”

May “ingat-factor” din ba siya na baka hindi sinasadya sa parte niya ay maging dahilan para pagselosan siya ni Angelica?

“Siyempre po, alam naman natin ang limitasyon natin. Ayaw naman nating maging insensitive sa mga tao sa paligid natin.

“Gusto ko rin pong maging honest. Ayoko ng mga pretensiyon.”

Dati ba ay nakita ni Sarah ang sarili na maging ganito kakumportable kay John Lloyd?

Sagot niya, “Dati pa akong kumportable dun. Para kong ano yun, kuya, crush, parang best friend. Ganyan siya.”

May kissing scene na kaya sila ni John Lloyd sa huli at third installment ng pelikula nila?

“Abangan po natin!” natatawa niyang sabi.

“Basta kami po, pinapaganda po namin ang pelikula.”

May pressure pa rin ba na kailangan ay maibalik ang pagiging Box-Office King and Queen nila sa kanilang ikatlong pagsasama?

“Siyempre po, hindi naman po maiaalis na may pressure—at part po yun.

“Pero, ipagdarasal po natin ‘yan,” sabi ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN