Janice de Belen on rumored tension between Kim Chiu and Maja Salvador: “Hindi naman yata masyadong natatago na gano’n yung nangyayari.”

Janice de Belen on zero lovelife: “Siyempre, temporarily, isinasara ko. Kasi marami pa akong goals. Right now, I’m more goal-oriented than I think of any other time in my life. I’m goal-oriented now. Siyempre, ipinapagawa ko yung bahay ko. So may mga things ako na inuuna.”


Seryoso at heavy drama ang roles ni Janice de Belen sa mga primetime series ng ABS-CBN.

Nauna na niyang pinaiyak ang televiewers sa Budoy na pinagbidahan ni Gerald Anderson.

Tinututukan naman ng marami ngayon ang Ina Kapatid Anak, kung saan pangunahing tampok ang Kapamilya young actresses na sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Pero pagdating sa mga pelikulang ginagawa ni Janice, comedy naman ang kanyang mga nagiging papel.

Gaya na lamang ng bagong proyektong ginagawa niya ngayon, ang Raketeros. Bida rito sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Andrew E, at Dennis Padilla.

Sabi ni Janice, “You know, surprisingly, if you look at it, halos lahat ng pelikulang ginawa ko last year, horror, e. Nakakatawa yung role ko.

"Like yung sa Tiktik: The Aswang Chronicles. Then yung sa ‘Pamana’ episode ng Shake Rattle & Roll.

“Tapos yung sa indie film din na Mumunting Lihim, na dapat drama, pero parang natatawa din ang tao.

“Ang medyo serious lang ang role ko ay yung sa horror film din na Pridyider, at saka yung sa The Healing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa shooting ng Rakateros sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Pasong Tamo, Quezon City, kahapon, February 26.



JANICE AS A COMEDIAN? Hindi ba naging mahirap para sa kanya ang shifting from serious to comedy roles?

Sagot ng aktres, “Unang-una, hindi ko naman kasi iniisip na gano’n yung magiging kalalabasan, e.

“Seryoso ako nung ginagawa ko ‘yon, but without the thought na nagpapatawa ka.

“Walang gano’n, e, kasi serious ko ngang ginagawa.”

Perfect example ng sinasabi ni Janice na seryoso niyang ginagawa ay ang Cinemalaya 2012 entry na Mumunting Lihim, na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes.

Drama ang tema nito na ang kuwento ay tungkol sa apat na magkakaibigan na dahil sa diary ng isa sa kanila ay nagkabukingan na nagsisiraan pala sila sa talikuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryoso ang mga eksenang tarayan at kumprontasyon nila nina Judy Ann Santos, Agot Isidro, at Iza Calzado. Pero matatawa ang mga manonood sa mga reaksiyon at mga punchline na binibitawan nila, lalo na nga si Janice.

“Nong pinanood ko ‘yon sa Cinemalaya mismo, nakita ko na, ‘Oh, my god, nagri-react talaga ang mga tao!’

“It was fun!” sabay tawa ng aktres.

Dagdag ni Janice, “At yun din nga ang pinag-uusapan namin kanina na, ‘Magwu-work kaya ito?’”

Ang tarayan at confrontation scene naman nila ni Cherry Pie Picache dito sa Rakateros ang kanyang tinutukoy.

Pero mukhang nag-work naman na nagkakandaiyak silang nagtatarayan ni Cherry Pie, pero comedy ang eksena dahil sa gitna nila ay panay naman ang kanta ni Ogie na sumisingit sa bawat madamdaming dialogues ng dalawang aktres.

Idagdag pa na lahat ng nasa panig ng character ni Cherry Pie, being the mistress, ay nakaputi. Habang pawang mga nakaitim naman ang grupo ni Janice, as the legal wife ng namatay, na ang drama ay humabol lang sa libing.

Seryoso during the take pero kapag nag-cut na, nagkakatawanan na silang tatlo nina Cherry Pie at Ogie.

“Ang galing nga nung eksena. Nakakatawa talaga,” sabi ni Janice.



JANICE’S EX-HUSBAND. Napansin namin na yung extra na kinuha bilang namatay na asawa ni Janice ay kamukha ng ex-husband niyang si John Estrada.

“Nakita ko nga. Pero deadma naman ako. Isa akong deadma,” sabay ngiti ni Janice nang tanungin ng PEP tungkol dito.

“Ewan ko ba sa mga ‘to!” pagtukoy niya sa production staff ng pelikula. “Parang pinaglalaruan nila ako.”

Kung sakaling si John nga halimbawa yung magpu-portray bilang lalaking pag-aagawan nila ni Cherrie Pie, okey sa kanya?

“Ano ba ‘yan? Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan. Kasi, he’s not part of the film,” medyo natatawang sabi ng aktres.

Hindi pa rin siya ready na makatrabaho si John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve said that before—no,” sagot ni Janice.

Takot siyang mapaglaruan yung anggulong magkatrabaho sila ni John kung saka-sakali?

“Hindi ako takot na mapaglaruan ‘yon. E, pinapaglaruan nga kami ngayon, e.

“It doesn’t seem to matter.”

Ano ang dahilan at ayaw niyang makatrabaho ang dating asawa?

Sagot niya, “Ayoko lang ng ano… hindi naman namin kailangang mag-work together, e. Huwag na.”

What if may offer na magandang project para sa kanila ni John at challenging naman yung role?

“No. I’ll get the challenge elsewhere. And it’s not about the money also.”



ZERO LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon? Zero pa rin ba?

“Oo,” tugon ni Janice.

Maganda at blooming siya ngayon, tapos zero ang lovelife?

“Maganda lang kapag may lovelife? Pangit kapag walang lovelife?” natawang reaksiyon niya.

“Sabi nga nila, mas maganda ka nga raw kapag wala kang lovelife, e. Ha-ha-ha! Kasi wala kang masyadong iniisip.

“I just enjoy what I’m doing right now. Okey na muna ako sa ganito.

“Siguro mas okay akong single.”

Pero hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto para sa isang panibagong pag-ibig ulit?

“Siyempre, temporarily, isinasara ko. Kasi marami pa akong goals.

“Right now, I’m more goal-oriented than I think of any other time in my life.

“I’m goal-oriented now.

“Siyempre, ipinapagawa ko yung bahay ko. So may mga things ako na inuuna.”

KIM & MAJA. Magkasama rin sina Janice at Cherry Pie sa ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak. Dito ay seryoso at madrama talaga ang mga eksena nila.

Kasama rin nila rin dito ang ngayo’y nababalitang may iringan na sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Ito ay nagsimula nang mabalitang pinupormahan si Maja ni Gerald Anderson, na dating ka-loveteam at ex-boyfriend ni Kim.

Hindi maiwasang hindi matanong si Janice tungkol dito. Lalo na’t bukod sa co-stars niya sina Kim at Maja, naging very close din siya kay Gerald nang magkasama sila sa primetime series din ng Dos na Budoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hayaan na lang natin sila,” paiwas na sabi ni Janice.

Pero dagdag niya, “In time, I hope things will be fixed.

“But you know, it’s… timing nila. Sila ‘yon, e.”

Ramdam ba niya ang tensiyon sa pagitan nina Kim at Maja nang dahil nga kay Gerald?

“Hindi naman yata masyadong natatago na gano’n yung nangyayari,” medyo nangiting sabi ng aktres.

Nagsi-seek ba ng advice ang mga ito sa kanya?

“Only if they ask.”

Humihingi ba ng advice sa kanya sina Kim at Maja? O kahit si Gerald dahil very close nga ito sa kanya?

“Hindi ko na sasagutin ‘yan. Those things are kind of private.

“Alam mo, para sa akin, when you tell people, kapag nanghingi sila ng advice from you, it should be sacred.”

Nakakaapekto ba sa working ambience sa set ang namamagitang hidwaan sa pagitan nina Kim at Maja?

“Maganda pa naman yung napapanood n’yo.

“It’s still doing okay. Uhm… okey pa naman siya!” sabay tawa niya.

Sa palagay ba ni Janice ay nakakatulong ang napapabalitang gap nina Kim at Maja, na meron pang issue ng walkout sa set, para lalong umingay ang show nila?

“Bakit sa akin n’yo tinatanong ‘yan? Hindi naman ako sila!” bulalas niya.

“And… wala namang walkout. Walang gano’n.

“At saka hindi naman dahil do’n kaya mas naging interesado na tumutok ang viewers. Maganda naman yung show namin.

“Wala naman sigurong kinalaman yung pag-aaway do’n.

“Because even prior to all these happening, maganda naman yung kuwento namin. Maganda naman ang kinakalabasan nung show.

“But, you know, I don’t want to talk about it anymore.

“Hindi naman ako kasali diyan. Artista lang ako dun sa show.

“And you know, they’re [Kim and Maja] both very consummate professionals,” panghuling sabi ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN