FIRST READ ON PEP: Ai-Ai delas Alas denies being a battered girlfriend; slowly fixing relationship with Jed Salang

Ito ang pahayag ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa usap-usapang sinasaktan diumano siya ng boyfriend niyang si Jed Salang: “Gusto ko lang linawin na walang katotohanan ang mga naglalabasan na balita na binubugbog ako ni Jed. Walang ganoon... Sa laki niya, kapag binugbog ako, mako-confine ako sa ospital! Hindi niya ako sinasaktan. Minsan, ako ang nanggigigil sa kanya. Ako ang nananakit na very light lang. Taga-salag siya... harutan lang...."


Tumanggi si Ai-Ai delas Alas na sabihin ang ugat ng misunderstanding nila ng kanyang boyfriend na si Jed Salang.

Pero kinumpirma niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumaan sa pagsubok noong Valentine week ang kanilang relasyon.

Ang personal problem ng dalawa ang ugat ng biglang pagpunta ni Ai-Ai sa Amerika, ilang oras matapos ang post-Valentine show nila sa SM MOA Arena ng Korean pop singer na si Psy noong February 16.

Mabilis na kumalat ang balita na may problema sina Ai-Ai at Jed dahil umalis siya na hindi kasama ang boyfriend.

Nakadagdag sa mga duda ang mga meaningful at emotional posts ni Jed sa Instagram account nito.

Bumalik ng bansa si Ai-Ai noong Lunes, February 25, mula sa Los Angeles, California.

Kanina, February 27, pumayag siya na ikuwento sa PEP ang ilan sa mga detalye ng pinagdaanan ng relasyon nila ni Jed.

Lahad niya, “Napag-usapan na namin ni Jed ang problema at unti-unti na naming inaayos.

“Gusto ko lang linawin na walang katotohanan ang mga naglalabasan na balita na binubugbog ako ni Jed. Walang ganoon...

“Sa laki niya, kapag binugbog ako, mako-confine ako sa ospital!

“Hindi niya ako sinasaktan.

“Minsan, ako ang nanggigigil sa kanya. Ako ang nananakit na very light lang.


“Taga-salag siya... harutan lang....

“Lahat naman ng couple, dumaraan din sa mga pagsubok. Hindi naman kami kakaiba. Mga tao rin kami.

“Siyempre, siya ang sumuyo sa akin.

“February 13 pa lang, sinusuyo na niya ako.

“Basta ako, patatagalin ko ang relasyon na ’to.

“Hindi magkakatotoo ang hula na hanggang two years lang ang relasyon namin ni Jed..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN