Richard Yap on another extension of Be Careful With My Heart: "It’s very overwhelming."

Dala-dala ni Richard Yap ang dugong Chinese hanggang sa kanyang pag-uugali. Patunay niya, “Ako kasi as a person, hindi ako ganoon ka-showy. That’s the way I was brought up, Chinese tradition. I learned it from my wife, ngayon mas marunong na ako.”


Inanunsiyo noon na hanggang June na lang mapapanood ang matagumpay na daily morning soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart, pagkatapos itong ma-extend nang ilang ulit.

Pero sa thanksgiving presscon ng show noong Lunes, February 26, kinumpirma ni Ginny Ocampo, business unit head ng serye, na hindi pa rin nila alam kung kailan tatapusin ang programa.

Sa kasalukuyan ay halos walong buwan nang umeere ang show na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard, na mas kilala ngayon sa tawag na "Sir Chief," sinabi niyang natutuwa siya sa pangyayari.

“If they can come out with a good story, we will keep going.

“I’m sure we will have a longer run but, as of now, June pa lang ang confirmed na date.”

Consistent din ang mataas na ratings ng Be Careful With My Heart na kapantay na ng ibang toprating primetime shows.

Reaksiyon ni Richard dito, “It’s very overwhelming.

"Nakakatuwa kasi, as you know, ang timeslot natin, it’s not really nasa prime.

"So nakakatuwa lang na sinusuportahan pa rin ng mga tao.”



HEARTTHROB. Marami ang kinikilig sa tambalang Maya at Sir Chief.

Sa tagal ng takbo ng series, maituturing na nga raw na tunay na leading man at heartthrob si Richard.

Para sa aktor ay hindi raw siya nakikipagkumpetensiya sa kahit na kanino.

Sabi niya, “Nagpapasalamat kami na kinikilig ang mga audience sa amin, pero I’m not in the competition naman.

“Ginagawa lang namin kung ano ang nasa story and what it calls for.”

Unang nakilala si Richard bilang Papa Chen sa Binondo Girl at ngayon naman bilang Sir Chief sa Be Careful.

Hindi ba siya nababahala na baka mahirapan siyang makawala sa dalawang roles kung saan siya nakilala?

Tugon niya, “Wala naman… I have no fear on that kasi as long as you do a good role and you take it, I think people will relate to that role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COMPETITION. Malaking isyu naman ngayon ang balitang pagre-resign diumano ni Aiza Seguerra sa Be Careful With My Heart.

Ito ay dahil sa pagkakatapat ng halos tatlumpung minuto ng show ng ABS-CBN sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!, kung saan nagsimula si Aiza.

May usap-usapan pa ngang tuluyan na raw itatapat sa Eat Bulaga! ang Be Careful With My Heart.

Ayon kay Richard, hindi kontrolado ng mga artista ang bagay na ito.

“It’s a management prerogative. We don’t know what’s gonna happen,” sabi ng commercial model turned actor.

Sa parte naman ni Aiza ay sinabi niyang hindi siya magre-resign sa Be Careful With My Heart.



MOVIE ADAPTATION. Maugong din ang balita na gagawa na ng pelikula ang Star Cinema base sa istorya ng Be Careful With My Heart.

Ano ang reaksiyon dito ni Richard?

“Yes, pero gusto sana namin, if that will happen, yung story, hindi yung existing story.

“It should be something different also so that we can bring something new for the viewers.”

Bukas ba siyang gumawa ng pelikula, kasama si Jodi, na medyo mature ang tema gaya ng One More Try?

“There’s no problem. If the story calls for it, not just because gagawin mo lang dahil gusto mong gawin.”



OVERSEAS. Mainit ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa ibang bansa sa Be Careful With My Heart kung kaya’t nagdesisyon ang management na magkaroon sila ng out of the country shows.

Sa Marso ay nasa Middle East ang buong cast; nasa U.S. at Canada sa May; sa Europe sa August; at sa Japan naman sa November.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Siyempre, we are all excited. This is the first time Be Careful With My Heart cast is going out on a world tour.

“So we would like to give them a very good show and we’d like to meet all the people who’s supporting us… iba-iba ang pupuntahan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FAMILY MAN. Hindi naman kaila sa karamihan na sa kabila ng kanyang heartthrob status, pamilyadong tao na si Richard.

Paano nila isinelebra ng kanyang misis ang Valentine’s Day?

“Valentine’s Day, ko kasama ko ang misis ko. Sa bahay lang kami, we just invited some friends."

Aminado si Richard na hindi siya showy sa kanyang nararamdaman, pero isa itong bagay na itinuro raw sa kanya ng asawa.

“Ako kasi, as a person, hindi ako ganoon ka-showy. That’s the way I was brought up—Chinese tradition.

“Medyo hindi kami ganoon ka-showy.

"I learned it from my wife, ngayon mas marunong na ako.”

Hindi ba nagseselos ang asawa niya sa dami ng mga babae na nagkagusto sa kanya ngayon dahil sa tinatamasa niyang kasikatan?

“Sanay na siya,” maikli niyang sagot.

Si Richard ay isang businessman bago napasok sa showbiz at sumikat.

Hanggang ngayon daw ay hindi pumapasok sa isip ni Richard na sikat na siya at may pangalan.

“Well sinabi nga nila sa akin, ‘Nandito ka na… you have to deal with it...’ Wala akong choice.

“As much as possible, pinagbibigyan namin ang mga tao like pictures, pero naiilang pa rin ako.

“I don’t like the attention na, feeling ko, I’m just like any other guy, nasa TV nga lang ako ngayon.”

NETWORK TRANSFER. Tungkol naman sa nauusong lipatan ng mga artista, sinabi ni Richard na nasa ABS-CBN ang loyalty niya.

“Yeah… ako kasi, I don’t find it nice.

"Parang principles and ethics will just tell you that if you’re coming from a certain field…

“Di maganda pag lumipat ka sa ibang team, ibang station or same company.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN