Albie Casiño: “No comment—favorite phrase ko ‘yon.”

"I think just everyone just moved on from it. There are other things that I prioritize for myself now," says Albie Casiño when asked how he handles the issues involving him and former girlfriend Andi Eigenmann.


Matipid ang mga naging sagot ni Albie Casiño nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Nakapanayam ng PEP si Albie pagkatapos ng story conference ng bagong fantasy series ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel sa TV5 Studio, Broadway Centrum sa Quezon City kahapon, February 27.

Unang tinanong ng PEP kung nakakausap pa niya si Andi.

“No comment,” ang tanging sagot niya.

Nang linawin namin kung wala kahit anong komunikasyon, sumagot naman siya, “No, not really.”

Kasunod nito, tinanong ng PEP kung may ginawa ba siyang hakbang noong magdiwang ng unang kaarawan ang anak ni Andi na si Ellie, na sinasabi ng young actress na anak niya kay Albie.

(CLICK HERE to read related article.)

“No comment” ulit ang isinagot ni Albie, na gaganap bilang seminarista sa Cassandara.

Bilang follow-up, tinanong ng PEP contributor na si Glen Sibonga si Albie, “Sa baby, wala ka bang gagawing effort?”

“No comment” pa rin ang nakangiting sagot ni Albie.

Sinundan pa niya ito ng, “Favorite words ko ‘yon. Favorite phrase.

Dahil sa sunud-sunod niyang sagot na “no comment,” tinanong namin kung magtutuluy-tuloy ba ang ganitong sagot niya hanggang sa magkaroon ng formal press conference ang kanilang bagong programa.

Natawa na lamang si Albie, “Probably. Most likely.”

Ayon kay Albie, mas gusto niyang tutukan ngayon ang kanyang showbiz career.

“I think just everyone just moved on from it.

“There are other things that I prioritize for myself now,” ani Albie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN