Rochelle Pangilinan on boyfriend’s long-delayed marriage proposal: “Siguro may dahilan… baka hindi pa time.”

Magkaiba ang gustong bilang ng magiging anak ang magkasintahang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap kung sakaling magpakasal na sila. Sabi ni Rochelle, “Oo nga, e. Pero ang gusto ko kasi, dalawa o tatlo lang. Kasi mahirap, e. Kaya gusto niya marami, kasi dalawa lang silang magkapatid, e.”


Balak na dati ng boyfriend ni Rochelle Pangilinan na si Arthur Solinap na mag-propose ng kasal sa girlfriend niya ng limang taon.

Hindi nga lang niya ito naituloy dahil may three-year contract pa si Rochelle sa GMA-7.

Nakasaad kasi sa kontrata ni Rochelle na hindi siya dapat mag-asawa pa o mabubuntis.

May panghihinayang ba si Rochelle na hindi natuloy ang proposal sa kanya ni Arthur?

Sagot ng dancer turned actress, “Hindi naman. Kasi kami, come what may, e.

“Parang ano naman kami, hindi naman kami yung kailangang kasal agad… parang ganoon.

“Hindi natuloy… siguro may dahilan… baka hindi pa time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rochelle sa Lola’s restaurant noong Martes, February 26.



ENDURING. Sa five years na tumatakbo ang relasyon nila ni Arthur, ano kaya sa palagay ni Rochelle ang sikreto nila?

Tugon niya, “Bukod sa pagiging maka-Diyos, siguro masayado kaming open sa isa’t isa, wala kaming isinisikreto.

“Tapos lahat ng okasyon, ipinagdiriwang namin.”

So may monthsary celebration din sila?

“Hindi naman. Yun lang… Valentine’s, birthday, Christmas...

“Hindi puwedeng hindi kami magkasama sa mga okasyon na yun, lalo na pag anniversary namin.”



LOTS OF CHILDREN. Sabi rin ni Arthur, gusto niya ng maraming anak para masaya ang pamilya, okay ba ito kay Rochelle?

“Oo nga, e. Aso lang ang magiging dating namin!” natatawang biro niya.

“Pero ang gusto ko kasi, dalawa o tatlo lang. Kasi mahirap, e.

“Kaya gusto niya marami, kasi dalawa lang silang magkapatid, e. Kami naman, galing kami sa marami, apat kami.

“So, gusto ko, hanggang tatlo o todo na yung apat. Pero hangga’t maaari, dalawa lang din.

“Kasi makakapag-focus ka sa anak mo kapag dalawa lang.”



BREAKUP. Sa tagal na ng kanilang relasyon, ano ang isang bagay na gagawin ni Arthur para magdesisyon si Rochelle na makipag-break?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, pag nambabae siya!” mabilis niyang sagot.

“Iba ako pag nahuli ko siya!

“Wala naman siyang maririnig sa akin—just walk out. Ganoon lang ako.”

Paano kung may nagsabi lang sa kanya pero hindi niya ito mismong nahuli, makikipag-break pa rin ba siya?

“Kasi ako, hangga’t hindi nakikita ng sariling mga mata ko, hindi ako maniniwala.

“Pero pag tinanong ko siya, make sure na ang sagot niya akin, mapapatunayan niya.

“Kasi pag hindi niya napatunayan, doon tayo magkakagulo.”

Sa ngayon ay wala pang bagong show sa GMA-7 si Rochelle. Ang huli niyang show ay ang afternoon soap na Broken Vow.

“Pulos regional shows muna ako, pero malaki ang kinikita ko doon, ha!

“Mas malaki pa nga sa nakukuha ko sa mga tapings ko!” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN