Angelica Panganiban lashes back at detractors of relationship with John Lloyd Cruz: "Stop hating us just because we’re happy."

“Yung ibang tao, wala ding ginawa kung hindi mangalkal nang mangalkal ng baho ng ibang tao para siraan sila, para pabagsakin yung career nila—at yun ang bread and butter nila. Nakakalungkot," sabi ni Angelica Panganiban sa mga naninira diumano sa relasyon nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz.


Bagamat makailang ulit nang sinabi ni Angelica Panganiban na hindi siya naniniwala sa lumabas na balitang may ibang idini-date na babae ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, hindi pa rin matapus-tapos ang isyung ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica na lumabas noong February 20 ay mariing pinabulaanan ng aktres ang isyung ito.

Sabi ni Angelica, “Sobra akong assured, sobra akong confident, sobra akong secure…

“Hindi ito namin dapat pag-usapan, hindi ko siya dapat tanungin, dahil baka pag tinanong ko pa, baka ako mismo matawa.

“Parang hindi rin naman bagay sa kanya yung ganun. Wala naman sa… hindi ko siya kilalang ganun.”

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ni Boy Abunda kay Angelica sa Bandila noong Martes, February 26, mahigpit pa ring itinanggi ni Angelica ang naturang isyu.

Saad ng Kapamilya actress, "Recently lang kasi may mga issue na lumalabas na talagang walang katotohanan ni maliit na porsiyento sa ibinabatong tanong sa akin.

“So minsan, hindi mo alam kung paano ipapaliwanag o idi-defend ang sarili mo na hindi ka lalabas na guilty.”

Dagdag pa ni Angelica, "Kaming mga artista, ang trabaho po namin, wala kaming ibang ginawa kung hindi bigyan kayo ng entertainment, ng magandang mapapanood ninyo.

“Yung ibang tao, wala ding ginawa kung hindi mangalkal nang mangalkal ng baho ng ibang tao para siraan sila, para pabagsakin yung career nila—at yun ang bread and butter nila. Nakakalungkot.

“Kaya may inilagay ako doon [Instagram] na I don’t think propesyon yung tawag doon sa paninirang-puri ng ibang tao.”

Noong February 20 ay nag-post ng ganitong mensahe si Angelica sa kanyang Instagram account, kung saan binanggit niya ang isa sa Ten Commandments:

“#9 huwag manirang puri sa kapwa tao... Huwag mag sinungaling... --- tamaan na ang guilty... Malungkot isipin na kabuhayan nila ang manira ng kapwa. Mas maayos sana ang takbo ng buhay if we live in peace.. Si Lord na ang bahala sa inyo. Stop hating us just because we’re happy. I sincerely pray that whoever is guilty may find his happiness.. :) and may he realize that making up Stories is not a profession.. God bless you. :),"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAY PINAPARINGGAN? Base sa pahayag ni Angelica ay halatang may pinatatamaan o pinaparinggan siya. Ngunit sino nga ba ang kanyang tinutukoy?

Kagabi, February 27, ay nagsalita ang TV host-columnist na si Cristy Fermin sa programa nito sa TV5 na Ang Latest: Uplate kaugnay ng mga pahayag ni Angelica.

Sa “Baon Tsika” segment ng programa, sinabi ni Cristy: “Actually, hindi na bago itong baon ko, e.

“E, palaaway naman talaga ang taong ito, kaya lang, kahit na isa siyang pampublikong pigura, e, natutukan na naman siya sa Twitter at ang kanyang kaanghangan.

“Meron na namang inaaway si Angelica Panganiban na bago, e, meron siyang pinatatamaan.”

Kausap ni Cristy nung sandaling iyon ang co-hosts niya sa show na sina Direk Joey Reyes, Mr. Fu, at Lucy Torres-Gomez.

Patuloy pa ni Cristy, “Ang nakakatawa lang dito, dapat dito sa babaeng ito, maging talk show host.

“Una, magaling siyang magpahaging, magaling siyang mag-blind item.

“Kasi hindi naman niya pinapangalanan, pero bigay na bigay, so sobrang pagbibigay ng clue, di ba?”

Sabi pa ni Cristy, “Meron siyang sinasabi na meron daw isang tao, ‘he’ ang ginamit niya, definitely lalaki…

“Ang sabi niya, hindi raw dapat ginagamit nitong lalaking ito ang kanyang ‘powers’ ngayon.

“Remember, may Kidlat or si Kidlat, di ba, para manira ng mga taong maligaya sa buhay.”

Ang Kidlat ang fantasy series na pinagbibidahan ni Derek Ramsay, ang ex-boyfriend ni Angelica.



JOHN LLOYD SPOTTED DATING ANOTHER GIRL IN MAKATI? Nagsalita rin si Cristy tungkol sa napabalitang pakikipag-date diumano ni John Lloyd sa ibang babae.

Aniya, “Yung issue kasi dito, di ba, meron yung lumabas na issue na ako pa nga ang nag-BI [blind item] nun at isinulat ko—yung tungkol sa pakikipag-date ni John Lloyd Cruz sa isang non-showbiz girl sa isang maliit na bar sa Makati.

“At yun ay ginanap [nangyari] sa hapon, ha, hindi gabi—hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang nakakita nun, kung hindi alam ni Angelica yung kuwento, siguro makipag-usap siya sa mga beki [bakla] ng showbiz—puwedeng stylists, puwedeng reporters, o kung puwedeng kahit sino kasi alam na alam yun, e.

“Hindi rin siguro akalain ni John Lloyd na makikita at matitiyempuhan siya ng mag beki dun sa bar na yun.

“So nao-OA-han [over-acting] lang yung mga kaibigan natin kay Angelica na binigyan siya ng flowers ni John Lloyd nung Valentine’s Day.

“Sabi niya kasi, wala daw silang flower vase, wala daw silang vase, kasi daw first time niyang nakatanggap ng flowers.”

Patanong pang komento ni Crsity: “Sa pitong taon nila ni Derek Ramsay, ganun ka-fridgid at ka-walang romansa itong si Derek, di ba?

“Ibig ko namang sabihin, huwag naman OA, kotse nga ibinigay sa ‘yo, e, di ba? Binigyan siya ng kotse, niregaluhan siya.

“Bulaklak pa kaya ang hindi? OA naman masyado.

“Niregaluhan siya ng sasakyan, makasaysayan yung kotse na yun.

“Ng mamahaling bag, ini-Instagram pa niya, tapos sasabihin niya ngayon, sasabihin niya, kay John Lloyd lang daw niya nararamdaman?

“At sasabihin mo pa, na kay John Lloyd ka lang nakatanggap ng flowers?”

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng PEP ang pahayag ng Star Magic para sa panig ng kanilang talents na sina Angelica at John Lloyd tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN