Geoff Eigenmann on getting married: "Gusto ko, once lang akong magpakasal and I want to do everything right the first time."

Sa planong magpakasal, nakahanda na rin ang girlfriend na si Carla Abellana kung sakaling mag-propose na si Geoff Eigenmann. Pag-amin ni Geoff, “Iniisip na rin namin. Ako, alam ko na yun ang nasa isip ko. Siya, yun ang nasa isip niya.”


Masaya ang cast ng Forever dahil sa tinatamasang high ratings ng serye simula nang ilipat ito sa Afternoon Prime slot ng GMA-7.

Sa ipinatawag na pocket presscon ng PPL Entertainment Inc., sa Lola’s Restaurant noong February 26, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang leading man ng Forever na si Geoff Eigenmann.

Sabi niya, “Masaya naman kami at ratings-wise, never naman kaming nagkaroon ng problema.

“Pataas lang ito nang pataas especially with the new timeslot.

“Panghapon na kami, pagkatapos na ng Bukod Kang Pinagpala. Then, Paroa and 24 Oras.”



ORIGINAL LOVETEAM. Hindi naman masagot ni Geoff kung sila nga ni Heart Evangelista ang magkakatuluyan sa ending ng Forever o sila kaya ni Saab Magalona.

Ang karakter kasi ni Heart dito ay matanda na bumabata lamang dahil sa isang orasan. Pag matanda siya ay ang veteran actress na si Gloria Romero ang lumalabas.

Sabi ni Geoff, “Honestly, wala akong idea, wala pa talagang ideya ang lahat how the ending will be.”

Sina Geoff at si Heart ay matagal nang magka-loveteam, mula pa noong kapwa sila nasa bakuran ng ABS-CBN.

Pero tuwing magkakapareha sila, iba ang karelasyon nila sa totoong buhay.

Tulad ngayon, kung si Geoff ay may Carla Abellana, si Heart naman ay may Senator Chiz Escudero.

Sabi ni Geoff tungkol dito, “Okay naman. Masaya naman siya ngayon and I can see na she’s very happy. Wala namang nagiging problema.”

Kapag nagkakakuwentuhan sila ni Heart, nagsasabi rin ba ang aktres tungkol sa lovelife nito?

“She makes kuwento… some stuff. Masaya siya. Palagi niyang sinasabi.”

Si Geoff ba, nagkukuwento ng lovelife niya kay Heart?

“Once in a while,” sagot niya.

“Ako, I’ve never been matago naman pagdating doon. Open book naman ang relationship namin.”



VALENTINE’S DATE. Tungkol naman sa girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana, nabanggit ng aktres na may reservation sila sa isang restaurant noong Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano sana nilang mag-group date para mag-dinner sa isang restaurant pero hindi ito natuloy.

Sabi ni Geoff, “Nasa Reluxe [Spa] siya noong araw na yun. She was pampered with treatments and she’s happy naman.”

Ano ang espesyal na ginawa niya para kay Carla noong Valentine’s Day?

“Nothing specific na special, kasi nga, nandoon siya sa spa the whole day.

“Dapat magkasama kami, kaso grabe ang traffic noong oras na yun—tatlong oras ako na nasa traffic.

“Two o’clock kami dapat sa Reluxe, yun ang schedule namin.

“I left my house at 1 p.m. pero dumating ako ng 4 p.m. E, natapos siya ng 4 p.m.

“So, after that, we just had our dinner. Yung reservation sa Rockwell, hindi na kami tumuloy kasi kumain na lang kami sa malapit.”

May Valentine’s gift ba sila sa isa’t isa?

“Wala… hindi naman kailangan ng regalo. Just because it’s Valentine, it has to have a gift."

Ayon kay Geoff, yung pampering sa Reluxe Spa na raw ang parang pinaka-gift niya kay Carla.

Si Carla naman, isang letter ang ibinigay sa kanya.



LONG RELATIONSHIP. Magtatatlong taon na ang relasyon nina Geoff at Carla ngayong taong ito.

Sabi namin kay Geoff, in fairness sa kanya ay mukhang marunong siyang mag-alaga ng relasyon.

Nakangiting sabi naman niya, “Palagi akong pang-matagalan pagdating sa relasyon.”

Six years daw ang pinakamatagal niyang relasyon at two years ang pinakamaikli.

Ano kaya ang meron at nagtatagal sila ni Carla?

“I guess, we’ve always been honest with each other. Lahat pinag-uusapan namin… hindi namin pinapatagal.”

Sabi ni Carla dati, patient daw si Geoff sa kanya.

Sabi naman ng aktor, “Oo, lalo na sa kanya. She’s very understanding when it comes to me.

“Sometimes, she even understands me more than I know myself. That’s the best thing about her talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No matter how kalabo ako minsan, iniintindi pa rin niya yun.”



MARRYING AGE. Nawala na ba yung iniisip niya noon na lumagay na sa tahimik?

Sagot ni Geoff, “Hindi, it’s always there. I guess, tumatanda lang.

"Hindi naman puwedeng girlfriend-boyfriend lang habambuhay.

“Ayoko naman ng ganoon and, ako kasi, gusto ko, once lang akong magpakasal and I want to do everything right the first time.

“So, I don’t wanna make mistakes when it comes to that.”

Patuloy niya, “Ever since na bata ako, sinasabi ko na magpapakasal ako ng twenty-eight. I’ll start a family ng ganyan.

"Ano naman, so far, eksakto na. I’m at my marrying age."

Si Geoff ay 29 years old na at si Carla naman ay 27.

“So, I’m preparing for that. Ang mga priorities ko, mag-ipon, get a house.”

May nabili na ba siyang bahay?

“Still looking,” sagot niya.

Sa Parañaque nakatira si Geoff kaya sa bandang South pa rin daw siya naghahanap ng puwedeng bilhing bahay.

“Mas tahimik kasi doon and, for me, it’s a better place to start a family than here.”



GETTING READY. Kung may makikita siya at magugustuhan, nakahanda naman na raw siyang bumili dahil matagal na siyang nakapag-ipon.

“Ever since I started kasi, roughly ten years ago… ever since then, alam ko na my number one priority is starting a family.

“I never really moved out of my parents house na nag-condo ako. Never kong ginawa yun, e.

“Priority ko talaga is for the future.”

Alam ni Carla ang lahat ng plano niya, yung mga gusto niya?

“Alam niya... alam niya and ano naman, we have the same dreams when it comes to that.”

Kung sakaling mag-propose siya anytime, nakahanda na ba si Carla?

Sabi ni Geoff, “Yeah, actually, she knows din naman.

"Actually kami, kahit hindi namin pag-usapan, the fans are there… other people ask.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nga hindi namin pag-usapan na kaming dalawa, the idea comes to mind because of other people.

“So, iniisip na rin namin.

“Ako, alam ko na yun ang nasa isip ko. Siya, yun ang nasa isip niya.”



ONLY ONCE. Nabanggit nga ni Geoff na gusto niyang siguradung-sigurado siya sa babaeng kanyang papakasalan dahil isang beses lang daw niya ito gagawin.

Dahil ba ito sa pareho silang galing ni Carla sa broken families?

Tugon ni Geoff, “Definitely. But well, ako naman, ever since I was a kid, gusto ko ganoon na.

“Hindi ko lang naman ngayon naiisip. Gusto ko, once lang akong magpapakasal.

“But in our generation, si Gabby [Eigenmann, his cousin], si Ryan [Eigenmann, his brother], lahat kami, we don’t want… lahat kami, ganoong lumaki.

“So, family-wise, ganoon siya.

“And it’s something na ako, Ryan, Gabby, hindi naman namin pinag-usapan, but we all have the same things in mind.

“So far, so good naman.”



CAREER FRUSTRATIONS. Kumusta naman ang kanyang career?

Saad ni Geoff, “Well, siyempre masaya ako with how my career is doing.

"But the only thing I can ask for is variety on the things I do.

“Hindi naman sa nata-typecast, halos paulit-ulit.

"But, you know, kapag may show ako, alam mo na ito ang character ko.

“Then si Ryan, kapag may show siya, alam na character siya.

“Ako, number one na tingin ko lang, career-wise, just to be nominated for something… kahit hindi naman manalo.”

Wala pa siyang kahit anong acting award?

“Kahit nomination, wala!” natatawa niyang sabi.

“Kahit sa filmfest, wala… kahit na walang tao, nominated, no matter how small the part is.

“Noong time na yun, hindi naman sa hurt, pero nagtaka lang.

“E, during that time, si Ryan had a movie also, parang isang eksena lang din siya, pero he was nominated. “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan na raw siyang nakapag-indie film, ang Anak ni Brocka, pero cameo lang daw siya doon.

May mga offers din naman daw na indie sa kanya at open naman siya na gumawa ng indie films.

“Nagkakataon lang na yung mga materyal na dumarating, you thought it’s a good material, but when you read it, parang hindi rin.

“But yes, I’m open for that.”

Sa isang interview ay sinabi ni Gabby Eigenmann na may pressure sa sarili na magkaroon ng award tulad ng ibang mga Eigenmann.

Ganun din ba si Geoff?

Tugon niya, “In that sense naman, yung pressure from the family, wala.

"It has been always personal for me.

“Kasi siya, sinasabi niya noong nanalo siya ng award, doon lang niya naramdaman na Eigenmann siyang talaga.

“Ako, no. I’ve always been secure with my position in the family.

“Award or no award, artista man o hindi, I know that I’m part of the family.

“Ano lang, matagal ko nang ginagawa ito. I got to explore with different characters.

“Parang yung ma-notice, never really happened.

"I know, time will come.

“Good things come to those who wait. Anything worth having never comes easy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN