Jean Garcia on mentoring newbies: “Kung ano ang ginawa ko sa kanila ngayon, someday ay may matutulungan din silang baguhan.”

Ang magising sa katotohanan ang pinakamalaking nagawa kay Jean Garcia ng dalawa niyang talk shows. Aniya, “I realize na hindi ka lang pala nag-iisa sa buhay na ito na may malaking problema. May ibang tao na mas malaki ang problema kesa sa iyo, and yet nakatayo pa rin sila at lumalaban.”


Enjoy na enjoy si Jean Garcia sa kanyang pagiging host ng dalawang talk shows sa bakuran ng Kapuso network.

Meron siyang weekly talk show sa GMA News TV na Personalan kunsaan ka-alternate niya ng araw si Jolina Magdangal-Escueta.

May pang-weekend naman siyang Para Sa ‘Yo Ang Laban Na ‘To sa GMA-7 kunsaan kasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Jean, mas nabubukas ang mga mata niya sa reyalidad ng pangangailangan ng maraming tao, hindi lang pinansiyal kung hindi ispiritwal na rin.

Saad ng aktres, “Ibang mundo na nga itong pinasok ko.

"From being an actress on film and TV, dito tayo naman dinala ni Lord.

“Para sa akin, isang breather ito sa mga naging usual na routine ko sa buhay.

“For the longest time, ang pag-aartista ang alam kong gawin. Binuhay ko ang pamilya ko sa pag-aartista.

"Kaya ang mundo ko before, doon lang umiikot.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa kanyang taping ng Personalan sa GMA Network Center.



NEW PERSPECTIVE. Mas lumawak ang kaalaman ni Jean sa tunay na kalagayan ng mga tao na hindi naman niya nakakasalamuha araw-araw.

Saad niya, “Ngayon, it’s a lot broader now kasi marami na akong nalalaman from other people—people na hindi ko naman nakakasama talaga.

“Noon kasi, ang alam ko lang na problema ay ang mga kasamahan ko sa bahay… mga kaibigan ko. Yun lang naman.

“Noong ilagay ako sa Personalan, iba’t ibang uri ng relasyon ang nasaksihan kong sira, pero nagawan namin ng paraan na maayos kahit papaano.

Ayon kay Jean, iba ang fulfilment na nakukuha niya sa pakikipag-usap sa iba’t ibang mga tao na galing sa iba’t ibang klaseng buhay.

“Nandiyan ang mag-iina, mag-aama, magkaibigan, magkapitbahay... so many people and what’s funny is, parang na-involve ka na sa buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko kilala ang mga taong ito. Sa show ko lang sila nakilala.

“Pero somehow, na-catch na nila ang attention mo at gusto mong makialam na sa nangyayari sa buhay nila.

“Ganyan na ako ka-involved ngayon.

“I realize na hindi ka lang pala nag-iisa sa buhay na ito na may malaking problema.

“May ibang tao na mas malaki ang problema kesa sa iyo, and yet nakatayo pa rin sila at lumalaban.”



WITH MANNY PACQUIAO. Iba naman daw ang tema ng talk show ni Pacman dahil mga success stories at ang malaking inspirasyon nila sa ibang tao ang kanilang tinatalakay.

“Medyo feel-good naman yung show namin ni Manny. Pero bibilib ka sa struggle ng ibang tao to get to where they are.

“Tamang-tama nga yung show for Manny kasi alam naman natin yung nangyari sa buhay niya at kung paano siya naging Manny Pacquiao ngayon.

“Nakakabilib nga si Manny because despite of his hectic schedules, nagagawa talaga niyang magbigay ng time for the show.

“Nakakapag-tape kami ng ilang episodes dahil mag-i-start na yata ang campaign niya soon. At least, may mga nakabangko na kami.

“One thing na ikinabilib ko kay Manny ay yung compassion niya sa mga tao.

“He tries his best na makausap silang lahat at alamin ang problema nila.

“Kung magagawa ba niyang maka-clone ng ilang Manny Pacquiao, ginawa na niya para lang ma-accommodate niya ang maraming tao.

“I am happy to know him personally noong kunin ako for the show.

“Kasi, tingin ko lang sa kanya noon ay as Pacman, yung mahusay na boksingero.

“Ngayon, I look at him as Manny Pacquiao—isang tunay na tao na handang tumulong hangga’t sa makakaya niya.”



BACK TO ACTING. Matagal napahinga si Jean sa kanyang pag-arte sa TV at ang huli nga niyang drama series ay ang toprating na One True Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay balik siya ulit sa acting via the upcoming telefantasya na Serpentina kunsaan bida si Kim Komatsu.

“Sinabihan na ako na yun nga raw ang gagawin ko. Natutuwa naman ako na back to acting ang lola ninyo.

“Na-miss ko rin naman kasi… kelan pa natapos ang One True Love? Last year pa, di ba?

“So nagpahinga muna ang lola ninyo at ibang raket naman ang hinarap ko!

“Sa totoo lang, ready na ulit akong umarte. Game na ako!”



MENTOR. Masaya rin si Jean na may susuportahan na naman siyang baguhan na magbibida sa isang teleserye.

Nagawa na niya ito noon sa mga ini-launch na bida tulad nila Louise delos Reyes sa Alakdana, Bea Binene sa Alice Bungingis and Her Wonder Walis, at ang team-up nga nina Louise at Alden Richards sa One True Love.

Sabi niya, “I feel good naman na isa tayo sa pinipili para suportahan ang mga baguhan.

“Kailangan din naman nila ang ganyang push para magkaroon sila ng confidence sa trabaho nila.

“Naging baguhan din ako noon at malaki ang utang na loob ko sa mga artistang sumuporta sa akin noon.

“May kasabihan nga, I am just paying it forward.

“Kung ano ang ginawa ko sa kanila ngayon, someday ay may matutulungan din silang baguhan.

“May kasabihan nga na, ‘Lead by example.’

“Yun ang gusto kong matutunan ng mga baguhan sa aming mga datihan na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN