Zia Quizon changes lifestyle after dad Dolphy’s death and mom Zsa Zsa Padilla’s operation

Zia Quizon on changing her lifestyle: “I think it’s just a turning point when my dad passed away. Sumunod din naman yung health ng mom ko. So I think about my own mortality, my health.”


Marami ang nakapuna sa malaking pagkakahawig ni Zia Quizon sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

Ipinakilala kasi si Zia bilang bagong brand ambassador ng Avon kagabi, Pebrero 27, sa White Space, sa Chino Roces Avenue, Makati City.

“I’m just always flattered when people say that,” nakangiting sagot ni Zia nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon niya dito.

“Obviously, it’s not a bad comparison.

“Of course, I always admired my mom’s style, her looks, so it’s always a nice comparison.”



LOSING WEIGHT. Bukod sa pagkakahawig niya sa ina, napuna rin ng ilan ang pagpayat ni Zia.

Wala naman daw siyang ginagawang anumang diet o kinahihiligan na sport.

Pero inamin niya na medyo nagbago na ang kanyang eating habits at lifestyle.

“I think it’s just a turning point when my dad passed away,” pagtukoy ni Zia sa kanyang yumaong ama, si Comedy King Dolphy.

“Sumunod din naman yung health ng mom ko, so I think about my own mortality, my health.

“So medyo nag-instant lang na medyo natu-turn off na ako sa mga fried food, masyadong sweet food… it’s hard!

“I’m a foodie talaga, but I’ve learned din through educating myself how to eat healthy and still enjoy.”



SLOWLY BACK TO NORMAL. Samantala, dumako naman ang usapan sa pamilya ni Zia.

Masaya niyang ibinalita na naging maganda ang simula ng taon na ito para sa kanila.

Katunayan, kasama sa ABS-CBN fantaserye na Juan dela Cruz ang kanyang ina na si Zsa Zsa.

“I’m just really glad,” bulalas ni Zia.

“Kasi she finds strength talaga when she works, because of the bond she makes with the cast, especially the last teleserye she did was Budoy [2011].

“It was a very hard time for us.

“She really drew strength from her castmates and the friends that she made there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s nice to see her, maybe socialize a bit more, especially she’s been sadder these couple of months.

“So hopefully, she’s gonna come out of her shell again, that’s she’s been pitying or anything, di ba?

“Pero it’s nice to see her in her own element again.”

Mukhang nakatulong din daw na hindi muna sila dito sa bansa nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Two weeks nag-stay sa Japan sina Zsa Zsa, Zia, at Nicole. Hindi na raw nakasama ang kanyang Ate Karylle dahil may mga hindi maiwang commitments ito.

Ani Zia, “I guess we also wanted to avoid lang the… how was the first holiday without your dad, when we only wanted to celebrate the positive things that happened last year, and the positive things pa to come the next year.

“We’re doing very well, actually.

“Talagang ibang-iba ang vibes from last year, ’coz it started with a lot of… you know, experiences that a lot people thought were very harrowing to go through as a family.

“But we’re very strong because of it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN