Brazilian-Japanese model Akihiro Sato is now a daddy; settles in Brazil with his own family

Pagkatapos ng mahigit isang taon na walang balita tungkol sa Brazilian-Japanese model-actor na si Akihiro Sato, napag-alaman ng PEP mula sa kanyang manager na isa na itong ama. Isinilang ang anak ni Akihiro at ng kanyang Brazilian girlfriend noon lamang January 28, 2013. Mayumi ang pangalan ng baby girl ni Akihiro.


Sa mga interesadong malaman kung nasaan na ngayon ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato, nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang impormasyon mula sa kanyang manager na si Jonas Gaffud.

Ayon kay Jonas, tagapamahala ng Mercator Model and Talent Management, matagal nang bumalik sa Brazil si Akihiro at isa na itong ama.

One month old na raw ang baby girl ni Akihiro na pinangalanang Mayumi, isang common Japanese name na ang ibig sabihin ay “truth” and “beauty.”

Ipinanganak si Mayumi noong January 28, 2013.

Sa Facebook account ni Akihiro ay nag-post siya ng pictures ng kanyang baby girl, katulad ng makikita sa webpage na ito.

Ang ina ng anak ni Aki ay isa ring Brazilian model na nakilala nito sa isang modelling stint sa Brazil.

Matatandaang noong nasa Pilipinas pa si Akihiro ay ipinakilala niya sa publiko ang longtime girlfriend niya noong si Anaue Santos.

Pero hindi nga sila nagkatuluyan dahil bago pa man bumalik si Akihiro sa Brazil ay nagkahiwalay na raw sila ni Anaue.

CELEBRITY SOLE SURVIVOR. Si Akihiro ang nanalo bilang Celebrity Sole Survivor sa reality competition program ng GMA-7 na Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Tinalo niya sa final Tribal Council sina Aubrey Miles, Ervic Vijandre, at Solenn Heussaff.

Bukod sa titulo, nanalo rin si Akihiro ng three million pesos.

Malaking bahagi nito ay ipinadala niya sa kanyang pamilya sa Brazil para sa kanilang restaurant business doon.

Huling napanood ang Brapanese model-turned-actor sa Kapuso telefantasya na Captain Barbell noong 2011. Gumanap siya rito bilang isa sa mga kontrabida ni Richard Gutierrez.

Lumabas din si Aki, palayaw ni Akihiro, sa mga sumusunod na GMA-7 series: Panday Kids, Darna, at SRO Sinemaserye Presents Moshi, Moshi, I Love You.

Naging contestant din siya sa reality show na Celebrity Duets, hosted by Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Nakagawa ng dalawang indie movies si Akihiro—Handumanan (2009) at D’Survivors (2010)—at nagkaroon siya ng guest role sa My Valentine Girls (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming nagawang TV commercials si Akihiro bago niya pinasok ang pag-aartista. Naging celebrity endorser pa siya ng fashion brand na Penshoppe ng ilang taon.

Na-link din ang Brapanese model sa Kapuso actresses na sina Rhian Ramos at Rufa Mae Quinto.

AKI’S DECISION. Matatandaang pinagbakasyon pa ni Aki ang kanyang ama na si Itiro Sato at ang kapatid niyang si Tieme sa Pilipinas noong May 2011.

One month din nag-stay sa bansa ang mga ito at ipinasyal sila ni Aki sa ilang magagandang lugar sa Pilipinas.

Bago natapos ang 2011 ay umuwi si Aki sa Brazil dahil nagkaroon ng karamdaman ang kanyang ama.

Sa kanya na rin ipinamahala ang kanilang restaurant business doon kaya hindi siya nakabalik agad ng Pilipinas.

Noong matapos ang kontrata niya sa GMA-7 ay hindi na nag-renew si Aki dahil nakapagdesisyon na itong manirahan sa Brazil.

Mas kailangan daw kasi siya ng kanyang pamilya doon, lalo na’t maysakit pa ang kanyang ama.

Marami ang nanghinayang dahil nabanggit noon ni Aki na gusto na niyang ayusin ang kanyang mga dokumento para maging Filipino citizen.

Pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nakapagdesisyon si Aki na iwan ang career niya sa Pilipinas alang-alang sa kanyang pamilya at negosyo sa Brazil.

Hindi naman daw natigil ang modelling career ni Aki dahil paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin siya ng modelling assignments sa Europe at Asia.

Hanggang sa nag-settle down na nga si Aki kasama ang kanyang bagong girlfriend at ng kanilang baby.

Ayon kay Jonas, hindi niya alam kung may balak pa si Akihiro na bumalik sa Pilipinas.

May sariling pamilya na raw kasi ito kaya mukhang malabo nang balikan pa nito ang naging career sa Pilipinas.

Pero ang mga kasabayan ni Aki na Brapanese models, tulad nina Daniel Matsunaga at Fabio Ide, ay aktibo pa rin sa showbiz.

Nakakontrata si Daniel sa TV5 samantalang freelancer naman si Fabio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN