Eula Caballero says she has no reason to be insecure about Ritz Azul and new TV5 talents

Ipinagkikibit-balikat lamang ni Eula Caballero ang intrigang napag-iiwanan na raw siya ng ibang TV5 talents, gaya ni Ritz Azul at Artista Academygraduates. Sabi niya, “Yung sinasabi na napag-iiwanan daw ako, hindi ko naman nararamdaman dahil inaalagaan po akong mabuti ng TV5. Hindi naman po ako nababakante, lagi po akong may trabaho."


Wala raw dahilan ang Kapatid Princess na si Eula Caballero para ma-insecure sa kasabayan niyang si Ritz Azul o maging sa mga baguhang artista sa TV5, lalo na yung mga galing sa Artista Academy.

May isyu kasing napag-iiwanan na raw si Eula pagdating sa mga proyekto.

Pero ayon sa Star Factor winner, never niyang naramdaman na napapabayaan siya ng TV5.

“There’s no reason for me para ma-insecure kasi lahat kami dito sa TV5, magkakapatid.

“At saka hindi kami dapat intrigahin ni Ritz o kahit ng mga taga-Artista Academy kasi, off-cam, magkakaibigan po kami. Nakakasama ko sila sa ibang shows.

“May kanya-kanyang projects naman po kaming ginagawa.

“Yung sinasabi na napag-iiwanan daw ako, hindi ko naman nararamdaman dahil inaalagaan po akong mabuti ng TV5.

“Hindi naman po ako nababakante, lagi po akong may trabaho.

"Pagkatapos po ng Third Eye last year, ipinasok po ako sa Enchanted Garden.

“Tapos this year po, gumanap po ako ng young Nora Aunor sa Never Say Goodbye.

“At ngayon po ay malapit na rin po kaming mag-taping para sa bago kong show, ang Cassandra: Warrior Angel,” sabi ni Eula.

Dagdag patunay nga raw ng pag-aalaga ng TV5 kay Eula ang muli niyang pagbibida sa Season 2 ng Third Eye, ang Cassandra: Warrior Angel.

Lalo pang ikinatuwa ni Eula na mula sa once a week airing ng Third Eye dati ay nakatakdang mapanood ang Cassandra sa daily primetime slot sa Mayo ng taong ito.

Matutupad din daw ang kagustuhan niyang gumawa ng action scenes.

Saad ni Eula, “I am excited kasi in all my interviews, lagi nila akong tinatanong, ‘What do you wanna do pa ba? Kasi nabibigyan ka ng iba’t ibang roles with different co-actors and directors.’

“So, sabi ko, ‘Gusto ko mag-action po.’

“It happened and hindi ko inakala na ngayon siya mangyayari, as early as this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sobrang… I just feel so blessed na makikita mo napakalaking project niya.

“And I’m happy na parang of all the artists ng TV5, ako yung napili.

“I’m really grateful sa TV5 and this mean so much to me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula pagkatapos ng story conference ng Cassandra: Warrior Angel noong Pebrero 27 sa TV5 Broadway Studio sa Quezon City.



MORE PRESSURE. Sa kabila ng excitement, aminado si Eula na mas matindi ang pressure na nararamdaman niya para sa Cassandra kumpara noon sa Third Eye.

Saad niya, “Sobrang pressured talaga kasi I’m bearing the title of the show, it’s the name of my character, so kailangan magmarka, kailangan may recall siya sa mga tao.

“So, I’m really studying for that, kung ano yung gagawin ko for the role, for the character, lalo na magkakaroon ako dito ng maraming action scenes.

“Kasi ang dami na ring babae na gumanap sa isang action na show, so I’m thinking what else can I do, what else can I give the audience. More on preparations talaga.

“And I’m really nervous for this kasi pinakauna ko ito na napakalaking soap na gagawin.

“Pero nakita n’yo naman ang dami-dami kong mapagkukuhanan ng tulong, yung team mismo.

“So, I’m confident na we can make it with God’s help.”

Anong klaseng Eula ang mapapanood ng mga tao sa Cassandra?

“Mas tough, mas strong at mas maaksyon.

“Kasi so far, nakikita nila ako mostly sa drama.

“Sa Enchanted [Garden] nga lang ako medyo umaksyon-aksyon at sa Third Eye, pero konti lang din.

“Pero eto talaga, sobra na I really have to train for this. At saka first time din nila akong makikita rito as a fallen angel.

“Basta abangan po nila kasi ang ganda po ng story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano’ng paghahanda naman ang ginagawa niya para sa show?

“Kailangan kong mag-shed off pa ng more pounds for the role.

“And of course, I’m training, nagmu-Muay Thai ako and more on physical preparations for the show para magmukha akong fighter talaga.

“Pero magkakaroon din kami, of course, ng acting workshop.”

Sino ang peg niya para sa kanyang role?

“Lara Croft po. Actually, nung sinabi sa akin ito na okay from Third Eye to Cassandra, iibahin natin ito na parang Lara Croft.

“Pero of course, gagawan din po namin ng paraan para magkaroon naman ng sariling identity si Cassandra.”



WORKING WITH GREAT ACTORS. Malaking honor din kay Eula na makakasama niya sa serye ang magagaling na artista na sina Gabby Concepcion, Eula Valdes, William Martinez, Art Acuña, Alwyn Uytingco, Mercedes Cabral, Biboy Ramirez, at Rocky Salumbides.

Ano ang pakiramdam na sina Gabby at Eula pa ang gaganap na mga magulang niya?

“It’s a blessing po to work with them.

“Actually, si Sir Gabby nakasama ko na siya sa movie, sa Yesterday Today Tomorrow with Ms. Maricel Soriano.

“And it’s nice to see him again kasi parang sa movie nagkaroon lang kami ng dalawang eksena.

“So, this time, mas marami akong chance to work with him, kumbaga to learn from him.

“Kasi, of course, nandun na sila and they know so much of acting, about the industry, and may matututunan ka talaga just by working with them.”

Wala ba siyang naramdamang intimidation na makakatrabaho niya ang senior na Eula lalo na’t kilala ito bilang isang magaling na artista?

“Honestly, meron po kasi first time po naming magsasama sa show and siyempre people would ask na, ‘Who are the cast of this show?’… Eula Caballero, Eula Valdes.

“And siyempre, parang, ‘Oh, nagsama ang dalawang Eula.’

“So, siyempre I really have to prepare for this acting-wise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ayoko namang mapahiya sa kanila, hindi lang kay Ms. Eula, kasi ang lalaki ng mga artistang kasama ko rito, ang gagaling.

“Napapanood ko sila and they are all very well established, so dapat galingan ko rin. Pagsisikapan ko talaga.”

FOUR LEADING MEN. Apat ang magiging leading men ni Eula sa Cassandra—sina JC de Vera, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, at Albie Casino.

“Oo nga po, apat na sila ngayon. Dumarami nga po pero exciting din!” natatawang sabi ni Eula.

“Sina Daniel at Victor po nakasama ko na sa Third Eye, tapos si JC naman sa Enchanted Garden.

“Si Albie lang po ang first time kong makakatrabaho talaga.”

Nagkita na ba ulit sila ni Daniel matapos ang isyu na sinabi niya raw na hindi boyfriend-material ang aktor?

“Yeah, nagkita na kami and nagkausap na. Okay naman kami.

“I think naman na-misinterpret lang kasi sinabi ko na I don’t see Dan as that guy who could be my boyfriend.

“Well, honestly, I really don’t see him as my boyfriend because sobrang magkaibigan kami ni Dan.

“And with him, he’s a very nice guy, imposibleng hindi siya maging boyfriend-material ng kahit sinong babae.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN