Angelika dela Cruz on her mother role in Mundo Mo’y Akin: “Para sa akin, weird—hindi realistic.”

Ipinaliwanag naman ni Angelika kung bakit medyo “weird” ang role niya sa Mundo. Sabi niya: “Kasi, yun nga, dapat nabuntis ako noong ten years old ako… Pero dito sa Mundo Mo’y Akin, noong nabasa ko ang script, actually, maganda siya.”


Tinanggihan na pala dati ni Angelika dela Cruz ang isang “nanay” role para sa Mundo Mo’y Akin ng GMA-7.

Pero kamakailan, tinanggap na rin niya ang nasabing role na maging ina ni Louise delos Reyes sa bagong teleserye.

Ano ang nangyari at tinanggap niya na rin ang mother role sa Mundo Mo’y Akin?

Paliwanag niya, “Well, yung age naman kasi. Kumbaga, parang ten years old pa lang ako noon para maging anak ko si Louise, di ba?”

Kung naging ina man siya sa mga dati niyang teleserye, mga bata pa raw talaga ang gumaganap na anak niya.

“So, yun lang naman, pero, na-explain naman nila sa akin, sa manager ko, kay Perry Lansigan.

“At yung soap naman, tungkol sa kagandahan, sa kapangitan. Na-explain naman nila sa akin, so, sige, okay lang,” dagdag niya.

YOUNG MOTHER. Sa takbo ng istorya, lumalabas na masyadong bata pa siya noong nagkaroon siya ng anak.

“Alangan talaga noong una, pero, tingnan na lang natin… Sana magawa ko naman nang maayos.”

Magkaibigan sina Angelika at Sunshine Dizon sa Mundo Mo’y Akin.

Kung tutuusin, mistulang “teen stars” pa rin sila dahil tunay na bata pa rin ang mga hitsura pero nabibigyan na sila ng mother roles. Ano ang dating kay Angelika ng ganitong sitwasyon nila?

“Weird!” natatawa niyang tugon.

“Para sa akin, weird—hindi realistic. Kasi, yun nga, dapat nabuntis ako noong ten years old ako.

“Pero, yun ang gusto nila, e. Pero dito sa Mundo Mo’y Akin, noong nabasa ko ang script, actually, maganda siya.”

GRAY CHARACTER. Sa kuwento ng Mundo Mo’y Akin, sa direksyon ni Andoy Ranay, si Angelika ay si Rhodora at si Sunshine naman ay si Perlita.

Magkaibigan silang matalik at pareho silang pangit.

“Yun nga lang, yung isa, tanggap niya ang pagka-pangit niya; yung isa, ayaw niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino sa kanila ni Sunshine ang hindi tanggap ang kapangitan niya?

“Siyempre ako! Ayoko ng pangit kasi, palagi na lang siyang inaapi,” sabi niya.

“Si Shine kasi, pinamigay siya ng mga magulang niya kaya hindi niya naranasang apihin siya ng magulang niya.

“Ako kasi, inaapi ng tatay ko at mga pokpok niya sa bahay. Tapos, maraming mangyayari at yun ang mga dapat pang abangan.”

May pagka-maldita siya sa Mundo Mo’y Akin?

“Yun nga ang may pagka-weird, kasi, hindi siya kontrabida.

“Ang ine-expect ko, kontrabida ang role ko... the usual. Pero, hindi siya yung kontrabida.

“Gray yung character ko, pero, ang alam ko, wala akong inaapi.

“So, maganda siya. Kung hindi maganda, ayoko. At hindi naman ako sinungaling.”

REUNION. Magsisilbing reunion soap ni Angelika at Sunshine ang Mundo Mo’y Akin.

Ang huling teleseryeng pinagsamahan nila ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin [2011].

Noon, kahit naging matalik silang magkaibigan ni Sunshine, ang dami rin nilang naging isyu sa isa’t-isa.

Biro namin kay Angelika, ngayon ba, mabait na silang pareho?

“Matagal na ’kong mabait… kunwari,” natatawa rin namang sagot niya.

“Aba, dapat naman. Hindi naman puwedeng tumanda kami nang walang pinagkatandaan, di ba?”

CIRCLE OF FRIENDS. Magkaibigan na ba sila ni Sunshine?

“Nagsimula naman talaga kaming magkaibigan at alam naman ng lahat na nagkagalit kami.

“Pero after naman noon, nagkabati naman na kami. Bago kami magka-work, okay na kami… wala na. Magka-Instagram nga kami.

“Kumbaga, wala na, lumipas na siya.”

Dugtong pa niya, “Nakakatawa naman yun kung may something pa rin kayo after all these years.

“Parang… Hello! Living in the past ba? Ang weird naman noon!”

May excitement ba na magkaka-trabaho silang muli at mas puwede na nilang pagkuwentuhan ang mga anak nila?

“Hindi lang siya... kahit si Jolina [Magdangal] kasi, minsan lang kami nagkasama.

“Noong nag-guest siya for two months lang yata sa Esperanza, doon lang kami nagkasama na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, si Gabby [Eigenmann] sa Ikaw Lang Ang Mamahalin lang din.

“Si Tita Jean [Garcia], Banyera, pero ang first time kong makaka-trabaho, yung tatlong bagets…

“Sina Alden Richards, si Louise at saka si Lauren [Young].”

SPORTS FOR HEALTH. Busy rin si Angelika ngayon sa bago niyang hobby at sport—ang triathlon.

Ang mister na si Orion Casareo ang nag-introduce ng naturang sport sa kanya.

Pero ayon din kay Angelika, “Nalaman ko rin kasi, mataas ang sugar [level] ko.

“Siyempre, ayokong magkasakit. E, tamang-tama, matagal na akong inaaya ni Orion… Kaya lang, ayoko.

“Ang sinasabi niya lang sa akin, ‘Ikaw, mag-i-sports ka lang kapag nagkasakit ka na. ‘Yan ang tipo mo.’

“So, noong nalaman nga niya na tumaas ang sugar ko… Yun.”

Ano naman ang mga nakukuha niya ngayon sa pagta-triathlon niya?

“Well, aside sa kain ako nang kain pero, hindi ako tumataba, masarap siya.

“Ang triathlon kasi—biking, running at swimming. Pagtagal-tagal, hahanapin mo talaga… maa-addict ka na.”

COMPETITION. At sa Linggo nga raw, meron na siyang unang triathlon competition sa Acropolis Garden.

“Actually, maikli pa lang ito kasi, try pa lang naman—600 meters swim, 16K na bike at 5K run lang.

“So, maigsi lang siya. Sabi ko lang kay Orion, gusto ko lang ma-feel.

“Kasi, sasali ako sa Subic nang mas mahaba, sa April. So, sabi ko, ‘Gusto ko munang ma-feel itong race. Ma-feel ko ang transition.’

“Kasi sa April, dagat na siya. At saka, mahaba na ang distance… open-water na siya.”

Ngayon lang din daw natutong lumangoy si Angelika nang mag-triathlon siya.

Dahil dito ay maihahalintulad na rin siya sa ibang local actresses na nakahiligan na rin ang triathlon, tulad nina Jennylyn Mercado at Maricel Laxa-Pangilinan.

Ano ang masasabi niya ngayong nararamdaman na niya ang mga health benefits ng kanyang napiling sport?

“Manghihikayat pa ako ng marami. Hihikayatin ko ang lahat na gawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap, e. At saka, dati kapag umaakyat ako ng hagdan, nakakahingal.

“Pero ngayon, wit [hindi], kahit gaano pa kataas.”

PRIORITY. Kung titingnan si Angelika ngayon, mukhang wala na siyang planong magbuntis at masundan ang anak nilang si Gabby.

“Two years,” sabi naman ni Angelika na natatawa.

“Actually, kahit naman si Orion, nagbago na rin. Sabi niya, ‘Huwag na tayong magmadali.’

“‘Enjoy mo na lang kung ano ang gusto mo. Gusto mong maging sexy, mag-triathlon.’

“‘Sige lang, enjoy mo lang. Basta, bibigyan kita ng dalawang taon.

“‘Tapos, mag-aaway na tayo kapag ayaw mo pa rin.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN