Paulo Avelino on possible kissing scene with Sarah Geronimo: “Ang maipapangako ko lang sa kanya, it’s strictly professional.”

Nagsaad si Paulo ng kanyang impressions sa bago niyang acting partner na si Sarah Geronimo. Sabi niya: “Sarah is very quiet, very kind and she’s also… Bagay na bagay talaga siya for a romantic-comedy theme episode.”


Sa pilot episode ng Sarah G Presents, ang bago at kauna-unahang drama anthology ni Sarah Geronimo para sa ABS-CBN, ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang unang makakatambal niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa unang araw ng taping nila ng Sarah G Presents sa isang bahay sa Heroes Hill, Quezon City noong Lunes.

Tanong agad namin kung ano ang pakiramdam na siya ang unang napiling leading man para kay Sarah?

Tugon niya, “Siyempre po, masayang-masaya and honored.

“Sa rami ng puwedeng pagpiliang actor sa ABS-CBN, ako ang nabigyan ng pagkakataon para gawin itong pilot episode ng Sarah G Presents…”

FIRST ACTING PARTNER. Ngayon pa lang ba niya makaka-trabaho si Sarah?

“Yes po, first time ko po siyang makaka-trabaho sa isang pagganap.

“First time ko pong maka-trabaho in terms of acting. Sa Sarah G Live po kasi, nakapag-guest na rin ako.”

Bilang leading man sa pilot episode, nakakaramdam daw ng pressure si Paulo.

Aniya, “Siyempre, ito ang pilot. Ito ang very first episode ng Sarah G Presents but I try na yung pressure not to get to me.

“Kasi, baka masyado na akong ma-pressure—hindi ko magampanan ng tama kung ano ang dapat gampanan dito sa episode na ito.

“I just try to concentrate on my character and my relationship with Sarah.”

WISH GRANTED. Aminado si Paulo na noong lumipat siya sa ABS-CBN noon, isa si Sarah sa talagang pinapangarap niyang makapareha.

“Of course, of course!” mabilis niyang pag-amin.

“I’ve always wanted to work with Sarah for a movie... for a film. Pero, ngayon, medyo napa-aga para dito sa show niya.

“So, I’m very lucky and very happy to be part of her show.”

Nakatrabaho na rin niya si Sarah noong nagge-guest pa siya sa dating Sarah G Live. Ano naman ang impression niya sa Pop Star Princess?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sarah is very quiet, very kind and she’s also… medyo may mga konting scenes na rin kaming ginawa kanina… medyo nakakatawa rin.

“Kumbaga, bagay na bagay talaga siya for a romantic-comedy theme episode.”

KISSING SCENE. May nabasa ba si Paulo sa script kung may kissing scene sila o kaya’y okay lang na wala?

Tugon ni Paulo, “Para sa akin, hindi naman necessary. Pero based on script, wala kasi.

“Pero kung lalagyan nila, bakit hindi?” natawa naman niyang sabi.

Kaso, may restriksiyon si Sarah pagdating sa kissing scene.

Kung sakaling siya nga ang unang makaka-kissing scene ni Sarah, ano ang magiging reaksiyon ng aktor?

Natawa si Paulo at saka sinabing, “Naku, ewan ko, hindi ko alam ang sasabihin.

Sinundan naman niya ng, “Well, siguro, she’s saving it for her husband.

“Pero siguro, kung baka sakali at gaganap siya ng role at makaka-kissing scene ko siya…

“Ang maipapangako ko lang sa kanya, it’s strictly professional.”

ROMCOM. Mula nang gawin niya ang heavy-drama na Walang Hanggan at ngayon, ang Sarah G Presents, kumportable ba siya sa mga temang romantic comedy?

“Romcom? Hindi naman,” saad niya.

“As much as possible, I wanna try different characters, different roles onscreen. Medyo marami pa rin akong natutunan.”

Nami-miss ba niya ang tulad ng karakter niya sa Walang Hanggan?

“Nami-miss din. Kaya lang minsan, kapag gumagawa ako ng character, I get attached to it also.

“So, bilang we’ve been doing Kahit Konting Pagtingin for almost two months, I get attached na rin with the character.”

EXCUSE. Sa huli, may nagtanong kay Paulo kung ano ang naging reaksiyon niya nang lumabas ang daring at sexy pictorial ni LJ Reyes sa FHM Magazine kailan lang.

Mabilis niyang sagot, “Sa akin naman kasi, nakakahiya naman kung pag-usapan natin ang mga bagay na yan dahil nandito tayo sa Sarah G Presents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May tamang oras para sagutin ‘yan.

“Sorry ha? Sana, walang ma-offend,” ang nakangiting paghingi niya ng paumanhin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN