Kris Aquino says sons Josh and Bimby affected by issue about her being a mom

Si Kris Aquino ang nagwaging Outstanding Lifestyle Program Host, para sa kanyang daily show sa ABS-CBN na Kris TV, sa katatapos lang na 2013 Golden Screen TV Awards. Ang kanyang mismong programa naman ang nagwaging Outsanding Lifestyle Program.


Nanalo si Kris Aquino bilang Outstanding Lifestyle Program Host sa Golden Screen Awards 2012 ng Entertainment Press Society (ENPRESS) na ginanap sa Teatrino Greenhills kagabi, March 1.

Wagi rin ang daily morning show niyang Kris RealiTV bilang Outstanding Lifestyle Program.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris pagkatapos ng awards night ay ang tungkol sa panalo niya ang una naming tinanong sa kanya.

Sagot niya, “Well, thank you sa ENPRESS.

“Kasi ako, tsinallenge [challenged] ko ang sarili ko to do other things, yun, nag-pay off naman.

“Kaya, maraming-maraming salamat sa kanila for rewarding our efforts.”

Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya, meron pa ba siyang mahihiling?

“Nag-isip daw ako kung ano’ng gusto ko,” sambit niya nang ilang segundo siyang natigilan.

“I want.... gusto kong manalo si Josh [his eldest son] sa swimming competition this Sunday.

“First time niyang sumali doon, pero I want him to have a place para may medal siya.

“Ano pa ba? Wala na akong ibang gusto kasi suwerte naman ako sa lahat ng trabahong ibinibigay sa akin.”

Ano pa ba ang ibang aabangan sa kanya after winning these awards?

“After this Holy Week… tapos na yung taping noong Kung Kailangan Ko’y Ikaw, so puwede na ulit akong umikot [mag-travel].

“So naka-set sa aming episode [for Kris TV] yung Davao, Bukidnon, tapos sa Baler, Aurora.

“Tapos, meron pang hindi napupuntahan sa Palawan… may mga bago sa El Nido.

“So, marami pa kaming iikutan. Meron pang Dumaguete, Iloilo... marami pa kaming inaasikaso.

“Then, sa Holy Week, aalis kami. Yes, out of the country.”

BEING KRIS. Paano nga ba niya name-maintain ang pagiging isang Kris Aquino—sikat at hindi nawawala ang interes sa kanya ng publiko?

“Siguro, I know how to take care of myself.

“Yung I take care of how I look. Ayaw ko naman na makita niyang pangit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dini-diyeta ko ang sarili ko.

“At siyempre, professional ako sa trabaho ko.

“At saka, yung respeto sa oras, sa mga katrabaho ko.

“At yun… yung passion ko sa ginagawa ko.”



THE MOTHER. Sa puntong ito, inalam ng PEP kay Kris kung naapektuhan ang mga anak niyang sina Josh at Bimby sa nakaraang intriga sa kanya na kumukuwestiyon sa pagiging ina niya.

“Of course, affected sila,” sagot ng TV host-actress.

“Siyempre, anak ko sila. Naapektuhan talaga sila.

“Lalo na si Bimby, e, siyempre maka-mommy siya.

“Yun na lang ang sasabihin ko tungkol doon.”

Pero kinulit pa rin namin siya sa reaksiyon lalo na ni Bimby.

“Siyempre, siya yung defender ko, di ba?” maikling tugon ng Queen of All Media.



AI-AI DELAS ALAS. Tungkol naman sa “BFF” o “best friend forever” niyang si Ai-Ai delas Alas ang aming sunod na tinanong kay Kris..

Balita ngayon na merong problema si Ai-Ai sa boyfriend nitong si Jed Salang. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Kuwento ni Kris, “Nagkita pa lang kami ni Ai nitong Tuesday.

“Sabi ko sa kanya, ‘O, Ai, musta?’

“Okey naman siya. Kasama niya si Jed.

“Mukha namang inaayos nila kung anuman ang pinagdaanan nila.”

May advise naman ba siyang ibinibigay kay Ai-Ai?

“No!” bulalas niya.

“My God, hindi ko naman gagawin ‘yan.

“Respeto sa isang kaibigan.”



HOUSE FOR JOSH. Kinumusta rin namin kay Kris ang nabalitang bibili raw siya ng isang bahay para sa anak niyang si Josh.

Sabi ni Kris, “Hindi ko pa siya nabibili. May hinihintay pa kaming papeles.

“Ayaw kasi ng accountant at lawyer nila na hindi malinis yung papel kasi may dapat pa silang i-settle sa mga inheritance tax nila.

“So, if ever na mabibili ko, kailangang makita na malinis na ang lahat.”

Totoo bang choice daw ni Josh na tumira sa isang bahay imbes na sa kanilang condominium unit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Kris, “No… it’s in the same village kasi where my three sisters live.

“Kasi, para mas malapit na lang sa kanila.

“Madalas kasi na ang kids are left on their own, so kung malapit na lang kami, may nagtse-check sa kanila.

“Kasi, most of the time, meron akong work or shoot na two or three nights akong wala, so at least merong magbabantay.”

Masaya rin daw siya na maganda ang relasyon ng dalawang anak niya.

“Yeah, masaya sila. Happy sila sa isa’t isa.

“Kanina nga, sabi ni Bim, ‘It’s already night.’

“Sabi ko naman, ‘Yes, it’s already night.’

“Sagot niya, ‘Can you please tell them to be fast?’

“Kasi nga, the following day, nagpapaalam sila na merong swimming si Josh and si Bim, nagpapaalam kung puwede nga silang sumama.

“Sabi ko naman, ‘Oh, sure!’” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN