Marian Rivera wins her first acting award; shrugs off detractors’ comments

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatanggap ng award si Marian Rivera para sa pag-arte. Ang Primetime Queen ng GMA-7 ang itinanghal na Outstanding Acress in A Drama Series sa ginanap na 2013 Golden Screen Awards ng ENPRESS. Nananalo si Marian para sa kanyang pagganap sa epicseryeng Amaya.


Hindi naiwasan ni Marian Rivera na maging emosyunal at mapaluha nang tanggapin ang tropeyo bilang Outstanding Actress in a Drama Series, para sa kanyang naging pagganap sa epicserye ng GMA-7 na Amaya, sa 2013 Golden Screen TV Awards na ginanap kagabi, March 1, sa Teatrino Greenhills.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang naturang tropeyo ang kauna-unahang pagkilala sa kakayahan ni Marian bilang isang aktres.

Tila hindi pa rin makapaniwala ang Primetime Queen ng GMA-7 na hawak na niya ang kanyang Best Actress trophy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kagabi.

Kuwento ni Marian, “Alam mo, nagpunta ako dito kasi ang sabi sa akin ni Popoy [Caritativo, her manager], magpi-present ako [ng award].

“So, ako naman, okay, sige, punta ako dito. So, hindi ko ini-expect.

“Tapos, teka lang, dalawang awards na lang, Best Actor and Best Actress, so, sabi ko, ‘Okay.’

“Tapos, first time ko ito at, sabi ko nga, for seven years, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong award.

“Salamat, thank you sa Enpress. Ang sarap!”

AWARD-WINNING ACTRESS. Ngayon ay hindi na siya puwedeng sabihan ng kanyang detractors na wala pa siyang acting award?

Sabi ni Marian, “A, hindi, siguro ito ay magsisilbi para lalo ko pang mahalin ang trabaho ko at magsisilbing inspirasyon para lalo ko pang galingan ang trabaho ko.”

Dahil sa kanyang pagwawagi, masasabi na ni Marian na isa na siyang aktres.

Saad niya, “Oo naman, wala naman yatang artistang hindi gustong magka-award.

“Lahat naman yata ng artista na pinaghihirapan nila ang trabaho nila, gusto nila ng ganitong klaseng award.

“Ipinagkaloob sa akin ito ng ENPRESS kaya thankful ako, thank you talaga.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga nagtataray sa kanya noon na hindi pa siya nananalo ng anumang acting award?

“Hayaan ninyo na sila,” nakangiting sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga nila, ang mga bagay na nangyayari, na gumagawa ka ng mabuti sa kapwa mo e maganda ang balik niyan.

“Kung anuman ang mga something na ‘yan, e, okay na ‘yan.

“Ang importante e good vibes lang tayo.”

Sinabi si Marian na marami pa siyang gustong gawin at marami pa siyang karakter na puwedeng gawin.

“Sabi ko nga, hindi pa ako nababaliw.

“Ang dami ko pang hindi nagagawa.

“Siguro ito ay unang hakbang para lalo ko pang pagbutihin ang trabaho ko.”

Kanino pa niya iniaalay ang kanyang award?

“Marami, e,” nakangiting sabi ni Marian.

“Siyempre, sa Amaya family ko, lalo na kay Direk Mac Alejandre.

“Sa lahat ng staff and crew at artista na kasama ko sa Amaya.

“Sa pamilya ko, kay Popoy, at siyempre, kay Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend].

“At lahat ng ito, wala kay God talaga.”

DINGDONG DANTES. Speaking of Dingdong, nag-uwi rin ng tropeyo ang aktor noong gabing iyon.

Hindi para sa acting, kundi para sa hosting—Outstanding Original Reality Competition Program Host para sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Masayang sabi ni Marian, “Oo nga, kanina tinext niya ako. Sabi nga niya sa akin, nanalo raw siya.”

Pareho silang winner.

“Oo nga, kailangang mag-celebrate. Celebrate talaga!” natatawang sabi ni Marian.

Posible kayang sa isang taon ay makasungkit muli ng award si Marian para naman sa kasalukuyang ipinapalabas na Temptation of Wife?

“Ay, hinay-hinay muna, step by step!” natatawa niyang sabi.



TEMPTATION OF WIFE. Speaking of Temptation of Wife, ano pa ang mga mangyayari rito?

Sabi ni Marian, “Naku, marami pang mangyayari at kahit ako, naguguluhan ako kung ano pa ang gagawin ni Angeline [her character’s name].

“Dumating na rin ang totoong Chantal [Michelle Madrigal], at nagugulo si Marcel [Dennis Trillo] sa amin ni Nigel [Rafael Rosell].

“So, hindi ko pa alam kung kanino ba ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan din ang bagong cover pictorial ni Marian para sa Cosmopolitan, kung saan naka-two-piece bathing suit siya at seksing-seksi.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Yes, iniba ko naman ang concept.

“Sabi ko, kung magsusuot ako ng bathing suit, gusto ko, tan naman ako.

“Ayun, ginawa namin siya sa Cosmo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN