Eddie Garcia on Coco Martin: "Napakahusay na aktor"

Bukod sa pag-e-exercise, pagkain nang tama, at hindi paninigarilyo, may isa pa raw sikreto ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa kanyang lakas at sigla: “Ang ginagawa ko kasi puro ka-anghelan lang, e.”


Malayo pa ang mamarating ni Coco Martin sa showbiz.

That's coming from multi-awarded veteran actor-director Eddie Garcia, na pitong dekada nang nasa industriya, at may 600 movies at series na gawa.

Ang latest project niya ay ang prime-time fantaserye ng ABS-CBN at Dreamscape na Juan dela Cruz, kung saan sila magkakasama ni Coco.

"Si Coco will go a long way. Magtatagal siya sa industriya dahil napakahusay na aktor at marunong makitungo sa mga fans. That’s why he has a lot of following," sabi ni Eddie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eddie sa solo presscon niya para sa Juan dela Cruz na ginanap noong Pebrero 28, Huwebes, sa Alex III restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Bibigyang-buhay ni Eddie sa serye ang karakter ni Father Julio, ang astig na pari na palihim na magmamanman kay Juan dela Cruz (Coco). Siya rin ang lolo ni Juan.

Apat na beses na raw nakapag-taping si Eddie, pero hindi pa raw niya nakakaeksena si Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano siya ka-excited makatrabaho si Coco?

"Well, I’m very excited to work with an actor with a lot of following. It’s really a great honor,” sagot niya.

Bilang beteranong aktor, meron ba siyang advice na maibibigay kay Coco pagdating sa pagiging aktor?

"Wala akong maia-advise kay Coco because he's doing very well, he's disciplined.

"Ewan ko, wala akong maibigay na advice sa kanya. Wala siyang ginagawang mali. He's a very good actor."

ABS-CBN'S WARM WELCOME FOR EDDIE

Ang Juan dela Cruz ang kauna-unahang teleserye ni Eddie sa ABS-CBN.

Naging maganda at mainit ang pag-welcome sa kanya ng Kapamilya Network kaya naman ganun na lang ang pasasalamat niya rito.

Sabi niya, “Isang malaking karangalan para sa akin na ganito ang pag-welcome sa akin ng ABS at labis akong nagpapasalamat.”

Ano ang meron ang Juan dela Cruz kaya mas pinili niyang magtrabaho sa ABS-CBN ngayon?

“Noong una akong tinap dito noong Oktubre [noong isang taon], as early as that, may ginagawa pa kasi ako noon—yung Aso Ni San Roque [sa GMA-7].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman puwede yung sabay. So, akala ko wala na.

“Ngayon pala nagkaroon ng… lumitaw ang isang role, inalok ulit sa akin.

“Libre naman ako, tapos na yung Aso Ni San Roque, so nagkasundo na kami.”

Nakakapag-guest naman daw siya dati sa ibang shows ng ABS-CBN.

“Marami na akong ginawa rito, yung kay Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN President], yung Maalaala Mo Kaya.

“This is my first soap. Dati kasi puro sitcom ang nalalabasan ko rito, yung kay Pidol [Dolphy] noon, yung Home Along Da Riles.”

Isa si Eddie sa mga artistang malayang nakakapagtrabaho sa lahat ng TV networks. Paano niya nagagawa ito?

“Wala naman akong contract sa mga network, so it’s just per project.

So, pagtapos na ang project, kung may kasunod, kung saan may opening doon ka,” sabi niya.

MANOY’S SECRET

Mahigit anim na dekada na sa showbiz si Eddie at nakilala rin siya bilang si Manoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging 84 years old na siya sa May 2. Paano niya napapanatili ang kanyang lakas at sigla?

“Siguro nagtataka kayo kung bakit medyo kaya ko pa rin. Ipinaglihi kasi ako sa sanggol, e!” biro niya.

Seriously, kapag wala raw siyang taping o shooting ay nag-e-exercise siya.

Fish at vegetables lang daw ang madalas niyang kainin dahil hindi raw siya masyadong mahilig sa meat. Hindi rin siya naninigarilyo.

May isa pa raw sikreto si Eddie: “Ang ginagawa ko kasi puro ka-anghelan lang, e.”

EDDIE'S TOP 5 BEST ACTRESSES

Ilang beses nang naparangalan bilang Best Actor si Eddie, hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa international film festivals.

Itinanghal nga siyang Best Actor sa nakaraang 55th Asia Pacific Film Festival para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Bwakaw.

Pero para sa kanya sino ang Top 5 Best Actresses ng Pilipinas?

“Napakarami but I could mention you have Nora Aunor, Lolita Rodriguez, the late Rita Gomez, Gloria Romero… sino pa ba, napakarami nang magagaling e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Vilma Santos ba kasama sa kanyang listahan?

“Si Ate Vi, yeah, si Ate Vi,” pagsang-ayon ni Eddie.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close