Bubbles Paraiso admits relationship with businessman Atticus King

“Actually, I have no ill feelings towards her anymore. Parang, sige, whatever happened in the past that’s in the past. I don’t hate her but I’m also not friends with her,” says Bubbles Paraiso about her misunderstanding with Maxene Magalona.


Kinumpirma ng Kapuso actress na si Bubbles Paraiso na boyfriend na niya ang businessman na si Atticus King.

“Oo. Bago lang,” sagot ni Bubbles nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk TX kung may relasyon na sila ni Atticus.

Ang panayam ay naganap noong February 28 sa launch ng bagong produkto ng Nivea Sun sa Sheridan Beach Resort and Spa, Sabang Beach, Puerto Princesa, Palawan.

Naging kilala na rin sa showbiz si Atticus dahil sa pagkakaroon niya noon ng relasyon sa actress-TV host na si Iza Calzado.

Gayunman, ayon kay Bubbles, hindi pa rin daw sanay si Atticus sa extra attention na nakukuha ng mga celebrity.

“He’s a very private person,” paliwanag ni Bubbles.

“Actually we forgot nga during the Magnum event.

“It was Raymond’s [Gutierrez] event so inisip namin to support a friend.

“’Tapos pagpasok namin, nandoon lahat ng camera, parang medyo na-overwhelm siya.

“Niloko niya ako na parang nabulag na raw siya sa mga flash.

“Sabi ko, ’Sorry, I forgot that this is a showbiz event.’

“Okay lang naman sa kanya as long as it’s once in a while.

“Natutuwa naman siya.

“Hindi siya parang wala lang, pero hindi naman siya masyadong big deal.”

Kamakailan lang, sa isang event ng Belo, Medical Clinic, namataan sina Bubbles at Atticus. Nagkataong nasa event ding iyon ang ex-girlfriend ni Atticus na si Iza, na kasama naman ang kanyang kasalukuyang boyfriend.

Bagamat nagkita-kita sila, hindi naman daw nagkaroon ng ilangan sa bawat isa.

Ayon kay Bubbles, “Kasi it’s been two years, di ba?

“Pero isa si Iza sa mga unang nakaalam kasi friends-friends sila, e.

“He was so surprised na nagka-work pa nga kami before.

“Noong Belo event may mga pictures kami na magkakasama.”

Nilinaw pang muli ni Bubbles na walang problema sa pagitan nila ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka iniisip ng mga tao na ang awkward, but it’s not.

“They’re both mature enough na wala na ’yon,” paglinaw niya.

NOT FRIENDS” WITH MAXENE. Samantala, sa panayam na ito, itinanong din namin si Bubbles kung nagkaayos na sila ng dati njyang kaibigang si Maxene Magalona.

“Hindi. Sino siya?” pabirong sagot ni Bubbles.

Matatandaan na lumabas ang balitang alitan sa pagitan ni Bubbles at Maxene nang mabigyan ng ibang kulay ang pagiging malapit ng una sa ex-boyfriend ng huli na si Neil Arce.

Pero ayon kay Bubbles, noon pa man daw ay malapit na siya talaga sa ex-boyfriend ni Maxene. Dagdag pa niya, “Neil kasi is my guy best friend until now.”

Kaya naman hindi umano alam ni Bubbles kung bakit galit sa kanya si Maxene.

“I thought we were friends,” sabi niya.

“Hindi ko alam kung anong galit niya sa akin. Si Neil na mismo ang nagsasabi, ’I don’t know.’"

Sa parte ni Bubbles, sinubukan naman daw niyang maayos ang relasyon nila ni Maxene.

Aniya, “I fixed it for a long time since she was Neil’s girlfriend.

“Pero after they broke up and I found out all the things... basta kung anu-ano ang mga nangyari, ang hirap, e... so, no na lang.

“I have a lot of friends who love me, so doon na lang ako sa kanila.”

Base naman sa mga sagot ni Bubbles, tila hininto na niya ang paggawa ng paraan para maayos ito.

Para sa kanya, "Siguro for peace and harmony’s sake, it’s better that we just don’t talk.

“Why would we say hi to each other if we’re not okay?

“Why would we make beso if we’re not okay?

“So, for peace and harmoy’s sake, kapag nandiyan siya, e, di nandiyan siya.

“Hindi kami magpapansinan kasi hindi ako plastic na tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin rin niya na simula ng kanilang di pagkakaunawaan, nag-iiwasan na lamang sila kung magkita-kita sa mga event.

Nakangiting sabi pa niya, “Kapag nagkikita kami, parang hindi kami nagkikita.

“Ang lalaki naman ng mga events so pwede namang mag-iwasan.

“Happy ako, happy siya, happy kaming lahat.”

NO MORE ILL FEELINGS. Bagamat hindi na sila nagkakaayos, nilinaw naman ni Bubbles na malapit pa rin siya sa mga kapatid ni Maxene.

Kwento niya, “I’m okay with her family.

“I still see Frank around. I still say hi to Elmo.

“I’m still friends with them. They understand naman din.”

Gayunpaman, kahit hindi pa natutuldukan ang kanilang di pagkakaunawaan, siniguro naman ni Bubbles na wala na siyang sama ng loob kay Maxene.

Sa huli, sinabi pa niya, “Actually, I have no ill feelings towards her anymore.

“Parang... sige, whatever happened in the past that’s in the past.

“I don’t hate her but I’m also not friends with her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN