Alden Richards on accepting sexy and daring roles: “Ready nang magpa-sexy, reding-ready na. Basta maganda yung role, maganda yung story, why not?”

Alden’s message to concerned JuliElmo fans: “I would just like to assure the fans na hindi ko sisirain yung JuliElmo tandem. Nandito po ako bilang kaibigan, and wala po akong balak sumira nang kahit na anong may solid ng foundation.”


Isa si Alden Richards sa mga featured Cosmo hunks sa nakaraang ‘Ooh La Love’ party na inorganisa ng Camay at Cosmopolitan Philippines magazine last Tuesday sa Republiq, Resorts World, Pasay City.

Kasama ni Alden noong gabing ’yon ang kapwa niya Cosmo hunks na sina Daniel Matsunaga, Mikael Daez at Joseph Marco.

Bungad niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at Ang Latest, “Masaya ako dahil nare-recognize ako ng Cosmo and I’m very excited for tonight, magpakilig ng girls at kung sino ang mananalo.”

Hindi ganung kahaba ang aming panayam sa Kapuso actor dahil magsisimula na ang programa at kailangan na nilang mag-ready para dito.

Sa tanong kung tuluy-tuloy na ang kanyang pagpapa-sexy, sagot nito, “Ready nang magpa-sexy, reding-ready na. Basta maganda yung role, maganda yung story, why not?”

So wala nang pa-cute cute pa o pa-tweetums?

Nakangiting sagot nito, “Wala na.”

REASSURES JULIELMO FANS. Nauugnay ang pangalan ni Alden kay Julie Ann San Jose naka-love team naman ni Elmo Magalona dati.

Marami daw kasi ang nagri-react na JuliElmo fans sa isyung ito. Ano naman kaya ang masasabi niya rito?

“Of course, I understand sa mga fans na nagri-react dahil nga kami ang parang love team ngayon ni Julie.

“E, alam ko namang solid na yung JuliElmo fans na yan... wala nang titibag diyan... kahit sino, kahit ako hindi ko kaya.”

“And I would just like to assure the fans na hindi ko sisirain yung JuliElmo tandem.

“I’m here for Julie and Elmo as a friend. Nandito po ako bilang kaibigan, and wala po akong balak sumira nang kahit na anong may solid ng foundation,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN